NINETEEN
The Karibal
"Wala yang si Alcantara, walang utak yun eh." sinabi yan ni Mildred.
Dinig na dinig ko ang usapan nila. Nasa loob ako ng cubicle at tahimik na nakikinig.
"Kaya pala iniwan siya ng bestfriend niyang si Alfred, kasi wala siyang utak?" tanong ni Nikki sa kanya.
Malapit na ang announcement ng mga honors. Mamaya na pala.
Kinakabahan na talaga ako.
Pero bago yun, aayusin ko munaang pagmumukha ng hitad na to.
"isa ka pang walang utak! Tanga ka ba?"
"hinde."
"di mo ba napansin, simula nung hinalikan siya ng live ni Alfred saka umalis si Alfred?"
"dahil dun?"
"oo nga, paulit-ulit naman to."
"Nakakahiya yun."
"si Alcantara ang nagsabi kay Alfred na halikan daw siya. Or else, black mail ang abot niya."
PSH! Issueng patay na, binuhay pa. Sheez.
"nakakatakot pala si Alcantara noh?"
"Kaya nga hindi siya deserving maging cum laude."
"bakit?"
"malandi siya, tapos pala-away pa."
Pala-away oo. malapit na. errr!!!!
"bakit malandi?"
"inaagaw niya sa akin si Alfred. naku, asar na asar ako nung hinalikan siya ng live."
"ah. ganun pala."
"pero eto ha, Hindi ako natatakot sa kanya."
ganun pala huh? sige.
text ko nga si Pia.
"Piyaya, punta ka nga dito sa C.R. 1. May babanatan tayo."
"ok!" reply niya.
tuloy pa rin ang usapan nila.
"wow! ang tapang mo naman Mildred."
"syempre no? Isa sa mga accounting staff dito si Mom. Wala akong kinakatakutan."
talaga lang huh?
Piaya, dumating ka na...
"ahahahahah!!!" aba't talaga naman.
Tapos dumating si Pia...
"oh? bakit ka nandito?" tanong sa kanya ni Mildred
"malamng, C.R. to diba??" sabi ni Pia.
Lumabas ako.
"oo nga, CHIKAHAN ROOM din to ng mga TAONG WALANG MAGWA SA BUHAY NILA." nag-cross arms ako.
Nagulat sila.
"nandyan ka pala Antonette?" sabi sa akin ni Mildred
"oo kanina pa. Ganda nga ng topic nyo eh."
"uh..."
"hala, ikaw naman..." sabi ni Mildred.
Hinablot ko yung buhok niya sa likod.
"sinasabi ko sayo, kung wala kang ibang mapag-usapan. Pag-usapan nyo yang mga SEX life nyo!!! Wlang hiya!"
Tapos binitawan ko siya, ayaw ko manakit. Not now..
"S-sorry Antonette. Ano kasi..."
"Ano?!?" Sinidak siya ni Pia.
Malaking babae si Pia, pero kahit maliit ako kaya kong patulan si Mildred, kaso, graduation na eh.
"Ayusin mo buhay mo huh?? baka masira ko yan."
"O-oo Antonette, pasensya na."
Aalis na sana siya.
"Teka, tutal malakas ka sa accounting staff, sabi mo nga... pwede mo ba akong bigyan ng 50 pesos discount?? Nagastos ko kasi yung 50 pesos na grad fee ko ehh. Para naman makabawi ka sa akin." sabi ko, with a smirk.
"Ano.. kasi An... Ano ehh..."
"ano?!?"
"hindi kaya ni mom yun eh. Assistant lang siya ng assistant secretary dun eh."
"Ah? ganun ba? sige wag na lang. Akala ko pa naman malakas ka dun. Di pala."
"S-sige, Alis na kami Antonette ha..."
"Sige alis na! shho!!! t(-_-t)" oo, ginawa ko yan sa kanila...
At umalis na sila.
Mga hitad na to. Nakakabwiset!!!!