[Chapter Eighteen] Love Really Hurts :"<

173 6 0
                                    

[Chapter Eighteen] Love Really Hurts :"< 

JoyfulTears Property.

[Gail's POV]

Nakakainis talaga siya! Naiinis ako sa kanya! Mas pinili niya pa yung babaeng yun! After all what he did to me! He will leave me like this?! I mean He will leave me on my worst!

Nakakainis talaga siya! Nakakainis! Ansarap nilang pag-untugin na dalawa! Sarap din nilang isalang sa Oven nang mamatay na sila!

Hinawakan ko ang mukha ko at di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sa sobrang pag-iisip ko dun ay di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Naku! Kung pwede lang sanang ako ang masunod eh ayaw ko nalang talagang masaktan ng ganito! Ayoko na! Nasasakal na ako! Parang gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang magsuicide nang matapos na ang lahat ng ito! Lecheng buhay toh! Potaena niyo!

Pagkatingin ko naman sa mesa ko ay mayroon akong nakitang Blade. I know exactly what will I do.

Ayoko na ng ganitong buhay! Ayoko na! Ayoko na! Masyado na akong nasaktan! Tama na tong pangalawa akong nasaktan. Ayoko nang dadagan pa! Ayoko na!

[Kuya Andrew's POV]

(Di pala ako napakilala ni Author. Ako nga pala si Andrew Livione Flores. Kuya ako ni Gail. Kung gusto niyong makita ang pic ko ay andyan lang sa gilid. Hehe!)

"Sir Andrew.. Si Ms. Gail po.." sabi nung maid namin habang siya ay pababa sa hagdan.

Ano kayang nangyari?

"Bakit? Nuh nangyari sa kapatid ko?!"

"Kasi sir....."

"Ano nga?!! Sumagot ka!!!" naiinis na ako kasi kung mapano nayun si Gail eh! Mahal na Mahal ko yung kapatid ko na yun dahil siya lang ang bunso kong kapatid.

"Kasi sir.. Nakalock po yung pinto ni Ma'am saka kapag tinatawag ko naman po siya hindi po siya sumasagot. Baka napano na po yung si Ma'am." Anla naman! Mas lalo na akong nagpanic kaya naman umakyat ako at pumunta sa kwarto niya.

Tinatry kong buksan ang pinto kaso ayaw mabuksan! Nakakainis! Kapag may nangyari sa kapatid ko di ko mapapatawad ang sarili ko!

"Gail! Gail! Buksan mo tong pinto!" pinupukpok ko na ang pinto but still wala paring sumasagot.

Kaya naman wala na akong naggawa kundi sipain ang pinto at nasira ito.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay...

"GAIL!!! ANONG GINAWA MO?!!" napasigaw na ako sa nakita ko.

Nakita ko si Gail sa sahig na dugaan. Sa tabi naman niya ay may blade. Naglaslas siya! Nakng! Bakit niya ba toh ginawa?!

Agad agad ko naman siyang binuhat at ipinunta sa Kotse ko. Agad- agaran akong pumunta sa pinakamalapit na Ospital.

Sa St. Josh Hospital ko siya dinala dahil yun lang ang pinakamalapit na Hospital sa amin.

Di ko talaga alam kung bakit niya ginawa yun.

Tinawagan ko na sina Mommy and Daddy para sabihin na nandito ako sa Hospital dahil nga sa sinugod si Gail dito at naglaslas siya.

Tinawagan ko narin ang iba pa naming kapatid. Bali kasi Anim kaming lahat eh. Limang lalake at isang babae at yun ay si Gail nga. Pinagpapahalagahan namin yan si Gail higit pa sa sarili namin dahil nga sa iisa lang siyang babae at pinakabunso pa!

Naiinis lang ako dahil sa hindi ko siya nabantayan ng maigi! Hindi ako responsableng kuya para sa kanya! Umiiyak na ako dahil sa takot na baka nahuli na ako sa pagdating at masyado nang nawalan siya ng dugo!

"Andrew!" pagkalingon ko sa tumawag sakin ay nakita ko naman si Drake.

Sumunod naman si Ren at Kyele.

"Anong nangyari?" at ang pinakahuli.. Si Cross.

"Kasi.. Naglaslas si Gail.. Di ko alam kung bakit?" at napahawak na ako sa mukha ko at napayuko na dahil tutulo na talaga ang luha ko.

"Andrew.. Ayos lang yan.. Magiging okay lang sa Gail basta.. Magtiwala lang tayo na magiging okay siya." bigla namang sabi sa akin ni Kyele.

"Oo nga Andrew.. Saka hinding hindi tayo iiwan ni Gail nuh! Mahal niya tayo!" sabi naman ni Ren.

"Mahal? Eh bakit siya naglaslas kung MAHAL NIYA TAYO AT HINDI NIYA TAYO IIWAN?!"

"Woe Andrew! Easy lang!"

"Manahimik na nga lang kayo dyan at mag-intay! Mas lalo akong natetense sa inyo eh!" si Cross na pinakamasungit samin pero mahal na mahal niya ang bunso namin kahit nagsusungit man siya. Kapag nagsungit siya dun yung mga tama lang dahil nga mahal na mahal niya nga ang kapatid namin.

Lahat kami. Mahal na mahal namin siya at ayaw namin na mawala siya. Dahil napakabait at mapagmahal niyang bunso.

Bigla naman kaming nagulat nang biglang lumabas ang doktor.

"Dok! Kamuta na ho yung kapatid ko?" nangungunang tanong ni Cross.

"Natin Cross! Hindi sayo lang!" biglang banat naman ni Ren.

"Whatever!"

"Sya nga pala dok, musta na po si Gail? Ligtas na po ba siya?" sabi ni Drake na halata namang alalang alala kay Gail.

"Actually.. I'm sorry to say this pero.." mas lalo naman akong natense nung pagkasabi ni dok ng I'm sorry.

"Ano yun dok! Ano!" halatang nagagalit na si Cross.

"Cross, wag kang ganyan! Baka mavideohan ka pa dito! Artista ka pa naman!" pagsuway sa kanya ni Kyele. At nagpatuloy na si dok sa pagsasalita.

"I'm sorry pero malala ang condition ng kapatid niyo. Maraming nawalang dugo sa kanya at kinakailangan niya ng blood donor in just 2 days. Kung hindi.. Mamamatay siya."

Kami nila Cross, Ren, Kyele at Drake ay na-freeze sa aming kinatatayuan dahil sa narinig namin.

"I'm really sorry. I have to go now." at umalis na nga si Dok.

Napaupo naman ako sa sinabi ni Dok. Naiyak nanaman ako sa narinig ko mula kay Dok. Kailangan na niya ng donor ng dugo. At kailangan match yun sa dugo niya.

"Sino sa inyo ang dugo ay Type O?" bigla namang nagsalita si Kyele.

"Sino nga ba?" si Ren.

"Ewan ko sa inyo! Ganito na nga ang situatuon ng kapatid natin tapos nakuha niyo pang magpatawa!" singit naman ni Cross.

"Bro! Di kami nagpapatawa! Nagtatanong kami, okay?!" sabi naman ni Kyele na mukhang naiinis na.

Si Drake naman ay tahimik lang sa isang tabi. Di ko nga pala nasabi. Artista rin pala yang si Drake. Actually singer na artista.

"Tama na nga yan! Tanong nalang natin kay dok kung pwede ba tayong maging donor ni Gail." ako na tumayo na at nag-umpisang maglakad papunta sa office ni dok. Sumunod naman din yung apat.

Pagkapasok namin sa loob ng office ni dok ay sinabi namin sa kanya kung pwede ba kaming maging donor ng dugo ni Gail. Para mailigtas siya.

Humiga kami isa isa at kinuhanan ng dugo. At tinignan kung match ba ang dugo namin kay Gail.

After 2 hours......

Lumabas na si dok sa lab.

"Dok, ano po? Nagmatch po ba yung dugo namin sa dugo ni Gail?" bigla namang sabi ni Drake pagkalabas na pagkalabas ni dok.

Pero... Umiling iling si dok.

"Sorry.... But your bloods are not match with the patient. You should find a donor for the patient or else she'll die." at bumalik na nga si dok sa kanyang office.

Pano na ngayon yan?

Pano kaya namin mahahanap yun sa dinami dami ng tao sa Pilipinas?

Pano na namin maililigtas ang kapatid namin?

[A/N: Malapit na pong matapos ang Only Friends, New Love. I guess so? Keep Reading, Keep Voting and Keep Supporting me and my stories. Please vote if you liked the story. I will appreciate it a lot.]

[Book1-Book2] Only Friends, New Love #PAUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon