Chapter 1 - Masaya na sana

850 19 3
                                    

Si Cross po yung nasa lower right. Ang cute no. :3 :P Handsome!

Chapter 1



(Rain's POV)



Tic toc tic toc
Tic toc tic toc


30 seconds na lang.


Tic toc tic toc
Tic toc tic toc


Konti na lang..


Tic toc tic toc
Tic toc tic toc


Push pa..


Tic toc tic toc
Tic toc tic toc


"YES!"


Napabalikwas ang mga kaklase ko at napatingin sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit sila tingin ng tingin. Uhm , syempre napasigaw ako. (Isip naman Rain :3)


"Hm , any suggestions Mr. Trinidad?" My professor asked me.



"Eh , wala lang po pasensya na. Hehehe."  Napahawak na lang ako sa aking batok.



Naupo ako at yumukyok sa armchair ko. Tsk malelate na ako. Tapos na ang klase niya ah. Lumingon ako kay Maya.





"Uyyyy. Di ba dapat tapos na ang polsci? Time na." Bulong ko sa kanya habang tinuturo ang wristwatch ko.



"Adik ka Rain. Mag-eextend daw si Sir ng 15 minutes kasi ieexplain pa niya yung midterm project natin." Sagot niya



"Malelate na ako. Alam mo naman yung lakad ko ngayon di ba. Magtatampo yun."


"Wala tayong magagawa diyan. Tadhana ang humahadlang ngayon oh. Maiintindihan ka niya for sure." Ang pagpapalakas niya ng loob ko.


"Eh kilala mo naman yun."


"Oo , lagot ka na."


"Halaaa." ><


"Makikipagbreak na yan."


"Ano ka ba. Ang supportive mo ha? Ramdam ko yung motivation."


"De joke lang Rain. Promise. Maiintindihan ka niya. Bilisan mo na lang ang pagpunta sa meeting place ninyo. Goodluck. Magpakasarap ka gumamit kayo ng proteksyon. Akey?"



Namula ako sa sinabi niya. Napatingin ulit ako sa wristwatch ko. Konti na lang talaga. Pipitikin ko sa ilong tong si Sir Ed.


"Shatap Yaya. "


Ngisian ba naman ako. Kung hindi ko lang to bestfriend ingungudngod ko ulo nito eh.



"Okay. Class dismissed ipasa nyo na lang sa president nyo ang project nyo. Aasahan ko yan next week."




As usual , puro reklamo ang bukambibig ng mga kaklase ko pero okay lang sa akin yang ganyang deadline. Sanay na kasi sa cramming eh. Hahahaha effective yun sa akin. Ewan ko lang sa inyo.




"Hell yeah!" Ang mahinang sigaw ko habang nag-iinat ng braso at ng aking mga kasukasuhan.




"Jajo ka talaga. Nag-stretching ka pa dyan eh di ba nagmamadali ka? Magagalit si Papa Cross. Ayaw mo nun di ba?" sabi niya sabay hampas sa akin para matauhan.


Hinawakan ko ang ulo ni Maya at ginulo ang kanyang buhok.



"Aw shit nga pala. GTG na ako gf. Ingat ka sa pag-uwi ha. Iwas sa cute boys madistract ka pa. I love you gf."


Dean's lister sya kaya palaging focus sa pag-aaral. Inaasahan din sya ng mama niya na makatapos with flying colors. Masipag sya mag-aral , mabait , maganda pero abnormal. Like me kaya nga gf ko yan eh. :3




"Hoy! Mr. Rain James Sy Trinidad! End of the world ang drama? Magkikita pa tayo bukas. Jajo ka! Kaya bilisan mo na dyan. Wag mo na pag-antayin si Papa Cross. You know naman him." sabay kindat sa akin.



"Oo, heto na nga eh. Pakitext na lang sya pakisabi may dadaanan lang ako tapos diretso na ako sa resto. Wala akong load eh."



"Okay. Tama na po ang satsat. Go na. Ingat. Ingat sya sayo, I know you bf." Ang sabi niya habang tinutulak ako palabas ng classroom.


"Langya you. Bye na nga!"


"Muaaaaaaaaaa. :*" sigaw niya habang kumakaway pa.




Naglalakad ako ngayon palabas ng university. Minamasdan ang paligid at nagbabalik-tanaw sa mga pangyayari nitong nakaraang tatlong taon. Dito ako natuto sa buhay, nalaman ko kung paano makitungo at makibagay sa ibang tao, kung paano umiwas at lumayo sa mga di katiwatiwalang nilalang. Nakahanap ako dito ng mga totoong kaibigan na nakikinig sa akin at sumusuporta sa panahon ng mga problema. At dito ko din natagpuan ang taong magmamahal sa akin at mamahalin ko ng tunay.






- Flashback
(Ang Simula)



Bilang isang normal na college student natural lang na magkaroon ng summer. Summer means pahinga. Pahinga means siyesta pero ibahin mo ang college. Pagod , init , hirap at pasakit. Summer. Fuck yeah.


Oo, lahat ng delubyo mararamdaman mo pero kung magsisikap ka. Lahat ng yan magiging ginhawa kapag nakatapos ka. Kung nasa palad mo ang swerte o madiskarte ka. Yun ang sabi nila. Sana nga.


Summer Madness.  Hell yeah. Here I am. Nakaupo sa jeep nag-iinit na ang upuan ko parang ako. Hot. Rawr. Mwehehehe. Kidding aside , nag-iinit na ang ulo ko.


“Aarrrghhhhhhhhhhh!” habang nag-uunat ng kamay at paa.Tinginan naman sa akin tong mga ipis sa jeep. Nakakahiya. Hmmm.


Itinaas ko ang dalawang kamay ko at bumuo ng peace sign with matching beautiful eyes. -,-




“Ahehe , peace di ba ang saya.” Lol lang kayo mga ipis kayo. Kaya’t yumukyok na lang ako at nakinig ng nakakaaliw na tugtugin. Sinalpak ko na ang earbuds ng earphone ko sa aking magandang tenga at nakinig ng tugtuging Paramore – Ignorance. Pampalipas na din to ng oras at pampawala ng kaunting kahihiyan. AH. The irony. Ignorance pa pinapakinggan ko. -.-




Late na ako pero matik na iyan. Malayo ang bahay ko eh. Isang oras ang biyahe mula sa amin hanggang sa school. Kapag nag-aaral ka sa isang state university. Natural na siguro iyon. At kung medyo malayo sa kabihasnan ang bahay mo mula sa siyudad. (Siyudad? Epic -,-) Masanay ka na sa malayong biyahe. With my natural awesomeness. Siyempre gusto kong mag-aral sa Manila pero ayaw nila ma at pa. Malayo daw. Hirap ako sa biyahe. Malaking check. Bata pa lang ako may baon lage silang supot at bonamin. Boy scout di ba? Ganun talaga mga astigin. XD


Nagmamala-Exorcism of Emily Rose ako sa bus. Tapos aalingasaw ang awesome glory perfume na tumatambay sa ilong. The marvelous puke of Rain. Ayaw mo maamoy? Your problem. Hahahaha





Pero yun ay kapanahunan ng kabataan ko. Iba na ngayon. Nagbago na ako. (Parang dating gumamit ng bawal na gamot? Lol) Sabi ni Prof. Marion sa Biological science. Charles Darwin developed the theory of natural selection that explains the origin and evolution of life. His works were published in his book On the Origin of species which proposed survival of the fittest. Surviving doesn’t mean you have to be the wisest , strongest and the best. You have to adapt. Adaptation depends on your genes. Kung kaya ba ng katawan mo o sinasanay mo ba ang sarili mo. Hindi ba halatang favorite Subject ko to? Mwehehehe.





Kaya simula ng magcollege ako. Naka-set na ang utak ko sa malayuang biyahe at ang mga kailangan para dito. Kailangan ng soundtrip , bottled water at pamaypay. Para iwas pawis at maaaliw ka pa. Para-paraan lang yan.




I'm bisexual. Di ko alam pero heto ako eh. Nadiscover ko lang to ngayong college. Judge me. I don't care. Basta ang alam ko na okay ako dun paninindigan ko yun. Kahit anumang isipin ng iba. Ang mahalaga masaya ako at gutso ko ang ginagawa ko. Yun lang naman. Kahit alam nating maraming mapanghusgang mata sa lipunan ganun naman talaga ang buhay wala na tayong magagawa dun. Basta alam mong wala kang tinatapakang tao go lang. Kung ano yung nasa puso mo sundin mo.



Sa wakas nakarating na din sa aking eskwelahan. Naglalakad ako papunta sa aking destinasyon ng may di inaasahang nangyari.





May paparating na bola at matatamaan na ata ako sa ulo.
Iiwas ba ako o sasalubungin ko ito?




BOOM. Takte inisip ko pa. Sht. I'm doomed.


"Aray! What the fudge naman!" Ang reklamo ko sabay hawak sa aking ulo na parang pinompyang sa sakit.



Nang biglang may lumapit sa aking lalaking naka-jersey. Expressive tantalizing brown eyes, about 5'11 in height mas matangkad siya sa akin 5'6 lang ako, fair complexion and a body to die for.(Kayo na mag-imagine. :3) Hm. Dayuuuum. Tsk ano ba tong iniisip ko nawala na yung sakit nung nakita ko siya dapat medyo magalit ako. Natamaan na nga ako kung anu-ano pa iniisip ko. Naalog na ata utak ko.



"Aw. Sorry kuya. Di ko sinasadya. Dalhin na lang kita sa clinic." Sabay pag-alalay niya sa akin sa paglalakad



At ako namang jajo. Nagpadala sa agos. Ang bango ng pawis niya. Bakit ganun? Kapag sa iba amoy anghit kapag papalapit pa lang. Kung ganito lagi ang amoy niya kapag napapawisan sasamahan ko pa siyang magpapawis para habang nag-iinit yung katawan namin lumalabas yung pawis sa chest niya at sa ulo..



Ooops. Anung iniisip mo? Ikaw ha. Syempre magpapapawis kami sa gym. Ito talaga oh. Mwehehehe!



Pumunta agad ang nurse sa amin at binigyan ako ng pang-unang lunas. Kinapa ko ang ulo at may nahawakan akong malagkit at kinapakapa ko sa kamay ko.


Aw. kaya pala ako dinala sa clinic. Natamaan ako ng bola sa ulo at nagkasugat siguro kaya may dugo. Gusto ko pa naman ng dugo. :) Nakakatuwang tignan.



"Kuya , ayos ka pa ba?" tanong ng lalaking naka-jersey


Napatingin ako sa kanya pataas dahil mas matangkad nga siya sa akin at medyo kumunot ang noo ko at parang may naalala.


"Hm, oo nakakatuwa sana yung dugo eh kaso inaalala ko lang yung mga klase ko ngayon baka ma-absent ako."



"Hihingi ako ng excuse letter sa nurse para ma.excuse ka na sa mga klase mo. Ako na bahalang magpapirma sa mga prof mo" ang sabi niya sa akin habang naka-ngiti.



Tumingin ulit ako sa mga mata niya at ngumiti na din. Bakit po nakakahawa yung ngiti mo? My heart skipped a beat. Napahawak ako sa puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko?



"Hm, kuya ano pong pangalan mo? Ilalagay kasi dito sa excuse letter."

"Rain. Rain James Sy Trinidad." Ang sagot ko na napatingin na lang sa kamay ko na parang nahihiya para maiwasang tumingin sa kanya. Bakit ganito?



"Ayan na, dyan ka muna Rain. Dalhin ko muna to sa mga prof mo for this day. Pahinga ka muna. Cross nga pala. " Sabi niya habang inaabot ang kamay niya sa akin para makipaghandshake



Hindi ko hinawakan parang nashock ako eh. Kaw ba naman. Kaya sinuntok ko na lang yung kamao niya para cool di ba? :3


"Hehe. Ganun pala gusto." Pagtingin niya sa akin ng nakangiti


Ano ba lalaking naka-jersey. Tama na. Nakakadala ang mga ngiti mo baka pag nasobrahan ako dyan mahulog na ako. Hindi sa puso mo kundi sa upuan. Makalaglag panga.


"Aw. Nga pala pwede po ba mahiram ang palad mo?" Ang tanong niya sa akin.


Binigay ko agad sa kanya ang palad ko at binuksan ko. Yung parang huhulaan na dating.



Nagulat ako ng nagsulat siya sa palad ko.
090512370**. Nagtaka ako at napatingin sa kanya. Cp # to ah. Anung meron?


"Ayan # ko. Update mo ako sa mga nararamdaman mo. Kung masakit pa yung pagkakabato ko sayo. Sorry talaga hindi ko sinasadya. Text mo ako ha. I'll call you back." ang sagot niya habang papalabas siya ng clinic at kumindat sa akin.




And I was like. What the fudge. Napahawak ulit ako sa puso ko. Ang bilis ng tibok.
Lord , ano to?


___________




Napapangiti ako habang naglalakad. Si Cross talaga iniisip ko pa lang siya kinikilig na ako. What more kung kasama ko na siya. Gusto ko na siyang makita.



Pero bago yun kailangan ko munang bumili ng regalo. 1st anniversary namin ngayon. I want to give him something special. Something na masusuot niya tapos maaalala niya ako. Kami. :)



I immediately went to the jewelry shop para bumili ng necklace. Pakiramdam ko kapag binigyan ko siya nito teritoryo ko na ang buong pagkatao niya. Akin siya. Possessive po? Medyo. Eh sa mahal ko eh. Wala na akong magagawa dun. :3 Atsaka late na rin ako itotodo ko na. Hahaha




"Miss? Pwede po bang matignan ang quality ng necklace na to?" Sabay turo dun sa kuwintas katabi ng mga singsing.



Binigay niya sa akin ang necklace at napangiti ako agad. Perfect. Sana maapreciate niya. :)



"Kunin ko na po ito." Ang sabi ko dun kay ate.



"Sir , may free pong chocolate ang necklace na binili niyo. Pirma na lang po kayo dito atsaka po para po ba kanino to? Ilalagay po kasi yung name sa note kasama ng necklace. Gift po ba?


"Yes , for my boyfriend , Cross." Umalis ako at kumindat sa kanya.



Pumunta na akong cashier para bayaran ang ang nabili ko. Hindi ko na inantay ang reaksyon ni ate. Baka mashock pa siya eh. Basta ang alam ko mahal ko si Cross tapos. Papaalis na ako ng jewelry shop nang biglang may tumawag sa akin.



"Sir! Eto po dagdag na chocolate. Tinakas ko lang po yan. Natutuwa po ako sayo kasi nagpapakatotoo ka. Nainspire ako sa relationship niyo sana maging ganun din kami ng gf ko. Stay strong lang. Wag niyo po intindihin ang mga tao sa paligid niyo. Ang mahalaga alam niyong dalawa
kung ano ang totoo. Na mahal niyo ang isa't-isa at walang magbabago dun. Ge po goodluck!"




Nagulat ako sa aking narinig at natuwa na rin. May mga ganun pa rin pala no? Akala ko huhusgahan niya rin kami tulad ng ginagawa ng iba. Pero hindi eh. May mga tao pa rin pa lang maniniwala sayo at maiinspire pa sila sayo. Hm. Nakakatuwa lang.



"Salamat. Ipagdadasal ko din ang pagsaya mo." Ang sabi ko sa kanya habang nakangiti.




Umalis ako nang tuluyan ng masaya at buo ang loob. Ipaglalaban ko siya. Mahal ko siya.



Eto ang mga katagang umiikot sa isip ko habang ako'y naglalakad sa kalye papunta sa aking destinasyon. Mahal kita Cross. Ipaglalaban kita. Nag-ring ang aking cellphone at kinuha ko ito agad sa aking backpack.



"Hello?"


"Babe, asan ka na? Nandito na ako. Hihintayin kita."


Napangiti ako. "Opo eto na ako. Malapit na ako. Miss mo na ako agad?


"Palagi kitang namimiss no. Kaya please punta ka na dito. Nag-aalala na ako. I love you."





Aktong tatawid na ako. May nakita akong liwanag at isang itim na kotse na mabilis ang pagtakbo. Nasilaw ako dito.



"I love you too Cr---"


BOOOOOM.



At biglang nagdilim ang paligid.









____________


Salamat po sa pagbasa. Pagpasensyahan niyo na po ang mga pagkakamali

ko. :3

Remembering Cross (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon