Ayun may nag-add sa reading list na isa. Super naappreciate ko po talaga kaya heto gumawa ako ng new chapter. Hehehe. Sorry kung walang masyadong nangyari dito. Simula pa lang po kase. :3 Pagpasensyahan nyo na po ito. Ginawa ko pa lang kanina pero sinisimulan ko na yung kasunod. Kaya eto na po. Salamat ulit kay -> Bagolgum sa pagfollow sakin! =))))
Si Riot po yung nasa picture sa baba. =)))) Handsome! :3
Chapter 2
R on the floor
(Riot's POV)
"Niloko nya po ako e. Napakasakit ng ginawa niya. Pinagpalit ako sa iba at sa bestfriend ko pa. Ang saklap po di ba? Huhuhu." ang hikbi ng babae sa kabilang linya.
Kasalukuyan akong nasa radio station at on-air ako ngayon.
"Alam mo Alyssa Vabe. Ganito lang yan kung ginagago ka na lang niya at pinagmumukhang tanga. Isa lang ang solusyon dyan. Let go. Tama na. Wag ka na umiyak. He doesn't deserve you. And you clearly don't deserve him. Sabi nga nila palage kapag naloko ka o naiwan. 'You deserve someone better. Yung makakapagpasaya sa'yo. Yung hindi ka sasaktan at babaliwalain. Kaya smile na Vabe. Nandito pa naman ang Kuya R mo. Ahem ahem. :3" ang payo ko sa aking caller.
Nandito ako ngayon sa aking trabaho sa Cool fm. Mahal ko ang pagiging DJ. Passion ko na to at ginagawa ko to ng masaya at ng bukal sa kalooban. Enjoy kase makilala mo ang iba't-ibang uri ng tao. Malalaman mo kung ano ba talaga ang nangyayari sa mundo na pwede pa lang manyari yun. Ganado ako ngayon sa aking trabaho. Kung isa kang DJ aba syempre aantukin ka din lalo na kung pang-gabi ang timeslot mo. Pero okay lang ako dito. Dito ko kasi naeenjoy at naeexpress ng todo ang sarili ko. Comfort zone kumbaga. Dito ko din naibabahagi ang life experiences ko bilang tao. Tao na nakakaranas ng mga bagay na normal minsan abnormal pero ganun siguro ang buhay medyo magulo pero aminin mo kahit may mga problema. Lahat naman yan malulusutan natin kung hindi man malusutan mapapagtagumpayan. Ahem. Sorry umiiral ang pagka.DJ. Hihihi.
"Kuya R, masakit kasi e. Yung tipong pinaglaanan mo siya ng lahat. Lahat-lahat na e. Wala na akong tira kahit yung pride ko nilunok ko na pero ganun pa din. Pakiramdam ko wala akong kwenta."
"Kung ako sayo kalimutan mo na siya. Alam nating mahirap lumimot pero unti-untiin mo. Sasaya ka naman e. Masaya ka na dati nung hindi pa kayo. Hindi siya makakabawas sa pagkatao mo. Go out with your friends. Gumawa ka ng mga bagay kung saan madadivert mo yung attention mo. And pray for him. Ipray mo pa ding maging masaya sya. Mas maganda yung nagpapakumbaba ka. God will grant you more. Sasaya ka din."
At ito nga aking trabaho. At masaya ako dito. Ganun lang naman advice lang. Tapos kulitan basta masaya. Mga kaweirdan ko naishashare ko din kaya masaya talagang maging DJ. Sa simple mong paraan. Di mo alam nakakatulong ka na pala.
"Good morning mga astiging listeners. Nandito pa rin ang inyong lingkod. Ang #1 K ng bayan. K sa Kabaitan , K sa kagwapuhan , K sa kalokohan at K sa kali---. Oooops nagkakamali ka ng iniisip dahil nandito na ang Kuya R ng tambayan. Mapapa-raaaaawr ka yeah. :3"
"Okay. Break muna tayo mga Vabe. Uh. Medyo gutom ang Kuya R nyo ngayon. Napagod kasi masyado kagabi eh. Alam niyo na. Masyadong mabenta mga Vabe. Pinagod niyo ko eh. Hihihihi. Osya. 12:47 am na po at malapit ng magtapos ang 'Ikwento mo kay Kuya R' Wait niyo ako mga Vabe baka mamiss niyo agad ako. Uhm. Raaaaaaaawr"
Yeah. Bago din ako magsimula dito. Nag-isip na ako ng trademark ko na maaalala ng tao. Kaya eto ako ngayon si Kuya R. Kakwentuhan , kalokohan at pwede mong pagkwentuhan ng mga hinanaing mo sa buhay kung meron man. Pwede mo ring kwentuhan ng mga experiences mo kahit ano. Basta may mapag-usapan para masaya. Ang mahalaga naman masaya ka eh. At masaya ako para tayong lahat ay masaya. Masaya masaya masaya masaya. Woooo!
"R , eto na yung coffee mo." ang sabi ni Joanna habang inaabot sa akin yung kape.
"Salamat!" ang sagot ko sabay kuha at higop ng kaunti doon sa medyo mainit na kape.
"Hmmm , ang sarap nito Joa. Timpla mo ba?" ang tanong ko.
"Yes naman po. Sino pa po ba ang magtitimpla ng ganyang kasarap na coffee." ang sagot niya.
"Oo na nga. Salamat dito." ang sabi ko sa kanya ng nakapikit pero nakangiti.
"Welcome." ang sagot niya sa akin ng nakangiti.
Isa siya sa mga kaibigan ko dito sa station. Super bait niyan at maaasahan sa lahat ng bagay. DJ din siya dito sa station. Inaantay niya lang ako ngayon dahil sabay kami ngayong uuwi. 2am pa ang tapos ko dito at medyo inaantok na ako. May raket kasi ako kagabe. Nag-emcee ako sa isang bar na may event. Hehehe. Sayang yun party din at income na din. I live by my own. Simula ng umuwi ako dito sa Pinas umaasa na ako sa sarili ko. Aba puyat at boses ko ang puhunan sa mga nilalamon ko no. Kaya dapat proud ako.
Galing akong New York. Dun ako nag-aral at nagtapos ng Bachelor of Science in Mass Communication Major in Broadcasting pero sabi ni Tita Angie sa Pinas daw ako pinanganak. Given na yun. So , nandito ako ngayon at hinahanap ang aking sarili. I'm broken. Inaamin ko. I'm fragile and I'm afraid not to be fixed. Nararamdaman ko na dito ako mabubuong muli at magkakaroon ng masayang buhay. Parang may naiwan ako. Hindi ko lang alam kung ano yun o kung sino man. And it makes me sad not knowing what is it or who is it. I want to be complete. At least I am willing to be. Kaya ayun po, nandito ako. Kahit may magandang opportunity sa States. Mas pinili ko pa rin dito. Saka na dun. Kukumpletuhin ko muna ang sarili ko. Yun naman ang mahalaga e.
"R , on air ka na! Ready?"
"Yip. Eto na."
"Good Morning ulit mga Vabe. Last caller na yun para ngayong araw. Dahil sa sitwasyon nya ang last song natin ngayon ay Face Down- by Red Jumpsuit Apparatus. Pakinggan mo to. Wag ka na malungkot. Dadating din yung para sayo. Smile na."
Pauwi na kami. Sa wakas tapos na ang araw ko. Balik nanaman mamayang gabi. Alam niyo naman ako nabubuhay ulit kapag gabi na. Ang inyong nocturnal hottie. Ano daw?
"Ayan. Nandito ka na sa bahay niyo. So, ingat na lang. Bukas ulit ah. Sleepwell." ang sinabi ko kay Joanna and I pinched her left cheek.
"Sauce Riot. Ratratin kita dyan eh. Ingat ka din sa pagdadrive." ang sagot niya habang papalabas siya ng sasakyan at ginulo niya ang buhok ko.
Napangiti ako. Ganun siguro talaga ang mga magkakaibigan. Yung totoong kaibigan ah.
Driving on my way home. Nag-iisip ako kung saan ako magsisimula. Kung paano ko makikilala yung tunay na ako. Kung may pamilya ba ako dito. Anu bang mga naganap dito sa lugar na to. Anong nangyari sa akin bakit hindi ko maalala kahit ano. Ang hirap. Pero gagawin ko ang lahat para maging kumpleto akong muli. So, Lighten up. :)