Chapter 8 - (Un) lucky

322 11 10
                                    

Chapter 8
(Un)lucky

(Riot's POV)

Heto ako ngayon sa kabilang kalsada nakatayo may dalang payong. Napahinto na lang ako sa paglalakad at tumayo sa gilid ng kalsada. Dinama ko din ang ulan. Hindi naman ako magpapabasa. Nakapayong pa din ako. Nakakapagpagaan sa aking pakiramdam ang bawat patak nito. The strong wind that makes my skin cold. Tila nagbibigay ito sa akin ng sensasyon na ako lang makakapagpaliwanag. Ano nga bang meron sa ulan?

Napatingin na lang ako dun sa lalaking nagpapaulan kanina at papaalis na sila. Wrong move. Tsk. Minsan kapag ikaw na yung may gustong tumulong nahuhuli ka pa. Ayan tuloy. Nganga ang peg ko dito. Daig ng maagap ang masipag. Una-unahan talaga sa buhay pero wag naman sa langit. Madami pa akong tanong sa buhay. Madami pa akong dapat malaman at matuklasan kaya wag muna Lord ha?

"Kuya Riot! Balik ka na dito!" Ang sigaw sa akin ni Simone mula sa ice cream station.


"Pabalik na ako dyan baby! Wait." Ang sagot ko naman.


Malakas pa din ang ihip ng hangin at mukhang babaha. May paparating na kotse at mabilis ang pag-andar nito. Nang aktong tatalikod na ako biglang - SPLASH!


"Heto ako.. Basang-basa sa ulan walang masisilungan. Walang malalapitan. Oh yeah! - Kapal ng mukha mo! May araw ka din sa akin! Assh*le!" Ang sigaw ko dun sa humaharurot na kotse. For pete's sake! Wala akong plano ni magwisik ng tubig ulan kahit magbasa nga lang eh. Tapos ngayon? Ugh. Kamalasan!

Maya-maya pa'y aalis na talaga ako. Biglang lumakas ang hangin at tinangay ang aking payong. Napatingin na lang ako dito at napatulala. Nananadya ba talaga si fate? Anyare sakin? Yung payong!


"Woah!" Nitry kong habulin yung payong pero ayaw talaga papigil. Ano ba to? Final destination o ano? Lord patawad. I know I'm a bad -uhm boy/girl. (Kahit ano dun) Wala namang ganyanan!

Nahabol ko ang payong at ng uupo na ako at kukunin ko ito. Dumulas sa bulsa ko ang aking cellphone. *.* Anong nangyayare!?! Malas ba akong pinanganak o nagkataon lang? Ngayon lang to eh. Oh bakit! TT


Pinulot ko ang aking cellphone. Now its soaking wet. Argh. Yung contacts. Lahat ng importanteng tao. Wala na. Ano ba to. Malas. Tsssk!


Binalikan ko na si Simone sa loob. Nakatingin lahat ng tao sa ice cream station sa akin. Alam nyo yung basang-basa? Ako yun eh. Ibinalik ko ang payong sa security guard. Act normal Riot. Don't mind them. Heh. I know they want what they see. I'm a lot more sexier when wet. Oops.


"Kuya , what happened po?" Ang tanong sa akin ni Simone habang hawak ko ang kanyang kamay at papunta na kami sa kotse ko.


"Uhm , nabasa lang sa ulan baby. Wala ito. Hatid na kita sa bahay niyo." Tumingin ako sa gilid at humawak sa akin bibig. Malapit na. "Achooooo!" Tsk. Nagkasipon pa ata.


"Kuya R , virus." Ang sabi sa akin ni Simone sabay takip sa bibig. Talino talagang bata nito.


"Oo baby , kaya wag ka na masyadong lapit kay Kuya R sa likod ka muna umupo." Ang sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa kanyang ulo.


Pumunta na kami sa aking kotse then we drove off home.


_

Nakarating na din kami sa bahay nila Joanna at buti na lang nandun na si Jeri. Tatlo silang magkakapatid. Si Joanna , Jeri and Simone. Broken family sila at bumukod na lang silang magkakapatid sa kanilang mga magulang dahil may kanya-kanya na din itong pamilya. Kumbaga nagsarili na lang. I have my foster parents from the States that I can proudly say my own. Doctor si tito at nurse naman si tita. Perfect match di ba? Naging mabuting magulang sila sa akin nung mga panahong hindi ko pa kilala ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero nagbakasakali akong mahahanap ko din ang sarili ko dito sa Pilipinas. Ang lugar kung saan daw ako pinanganak. The place where they once found me.

Remembering Cross (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon