Sorry po sa errors. Not edited. :3
Riot's picture on the lower right. Sa ice cream station yan. :D
(Riot's POV)
"Kuya R , gusto ko lang po sanang magtanong at humingi ng advice sa problem ko." Ang sagot ng lalaki sa kabilang linya. Matipuno ang boses nito.
"Oh , pare ano bang gusto mong ikonsulta? School? Parents? Love? Gagamitin ko ang lahat ng makakaya ko masolve lang natin yang problem mo. So , ano ba yun?" Ang tanong ko sa kanya."Kuya R kasi. Kilala ako sa school. Maraming kaibigan sikat ayos naman ang buhay ko. May girlfriend ako. Happy ang parents ko para sa akin. Supportive naman sila. At parang okay na talaga wala ng mahihiling pa pero may isang bagay na kulang hindi ko alam kung ano. Hindi ko din maexplain kung ano mismo yun. Medyo nakakalito na kasi eh." Ang sagot naman nito.
"Okay naman pala ang buhay mo. Sabi mo nga parang wala ng mahihiling pa. Pero hindi mo masasabing kulang o may butas kung masaya ka talaga. Masaya ka nga ba talaga pre?" Ang tanong ko naman sa kanya habang napapaisip sa gulo sa utak ngayon ng caller.
"Masasabi ko naman pong masaya ako pero may bagay na kulang eh. Hindi ko lang mapinpoint kung ano yun. Nakakalungkot man pong isipin pero ganun nga siguro. Hindi ko talaga alam eh. Parang may kulang." Ang sagot ng caller sa kabilang linya.
Napaisip din ako sa sarili ko. Yung mga sinabi nya may kahulugan nga naman. Masasabi mo ngang masaya ka sa buhay mo. Yung tipong nasa peak ka na ng kaligayahan pero may isang bagay na kulang. Kunware sa 10,000 pieces ng isang malaking puzzle na ginagawa mo tapos biglang nawala yung isang piece. Kapag nilagay mo yun sa frame. Oo nga maganda at makikita mong pinaghirapan talaga nung gumawa pero kapag nakadisplay na. Makikita mo pa din yung kulang. Hindi yung kagandahan yung nakikita kundi yung huling bagay na hindi pumupuno dun sa isang magandang likha. Ultimo yung maliit na bagay na yun mahalaga. Para bumuo sa pagkatao mo. Para mabuo ka. Para maging isa ka.
"Alam mo pre hindi naman lahat ng bagay mapupunta sa atin. May mga matalino pero hindi nabiyayaan ng ganda. May maganda pero hindi nabibiyayaan ng katalinuhan. May maganda at matalino pero may putok. Ahem. Umamin na kayo guys. Pero seryoso mga astiging listeners. We can't have it all. Sabi nga nila. Yung kulang na yun. Pilitin nating mapunan hindi man sa ngayon puwede naman bukas. Hindi natin pwedeng istock ang sarili natin sa isang bagay na alam nating walang solusyon o walang lunas kundi tayo mismo. Edi kung ready ka na saka mo irediscover kung ano ba talaga ang problema mo. Kasi walang makakasolve at makakaalam nyan kundi ikaw pare at wala ng iba. Klaro? Ayos paba tayo dya pare?" Ang sagot ko naman. Medyo nadadala na ako dito ah.
"Uhm. Salamat Kuya R. The best ka." Ang medyo emotional nitong sagot.
"Makuntento ka lang, Dude. Magiging masaya ka." Ang sagot ko naman to cheer him up. Nagiging madamdamin na tong segment na to ah! Dapat happy. Syempre!
_Natapos din ang aking shift sa radio station nang gabing iyon. Medyo emotional ang mga callers at depress pero hindi ako pwedeng magpaapekto dun. Smile lang dapat and be professional. Kaya ngiti lang! At ngayon tanghali na kaya susunduin ko na yung kapatid ni Joanna. Sinusundo ko siya kapag may oras ako at walang ginagawa para ko na ring kapatid tong batang to. Grade 1 pa lang siya kaya half day lang ang klase. Makulit siya at sobrang bibo. Matalino din sya at palatanong. Siguro paglaki nito magiging host to or sa radio din. Sobrang nakakaaliw.
"Hey baby , have you eaten your baon? Nagrecess ka ba , cute baby girl Simone?" Ang tanong ko sa cute na cute na batang si Simone.
"Not yet kuya. Hintay kita eh. Tagal mo akong di susundo." Ang malungkot nitong sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/5300521-288-k530721.jpg)