Chapter 11 - Torn

203 6 2
                                    

Thank you pretty doll, Tipsywalk. Para dun sa new cover! :) Lovelots! xox

Chapter 11

Torn

(Riot's POV)

Like what the fvck? Seriously. Naguguluhan din ako sa sitwasyon ko ngayon. Though I'm a bit happy to know who he is. Naiinis ako kasi kailangan ba talagang iwan ako dito sa haunted house kasama itong si ate white lady na umaapaw sa face powder? Napapalibutan pa din ako ng mga pugot na ulo, mga zombies at kung anu-ano pa. Ang tanging naisip ko lang gawin ay tumakbo nang tumakbo hanggang sa tuluyan akong makalabas sa aking living nightmare.

 At nakita ko ang lalaking may kasalanan ng lahat. Cross. Naaalala ko pa yung nangyari sa Trojan Club, icecream station at simbahan. All this time sya yung mokong na yun. Nakuha ko pa nga yung number nya kaso nasira nga yung phone ko. Tatlong beses kami pinagtagpo ng tadhana. Iisang tao lang pala iyong lagi kong nakikita. And he saved me noong matatanggal na ako sa work. Hindi ko inexpect na sa ganitong paraan sya magpapakilala. Biruin mo ang wicked ng imagination sa haunted house pa?! Pwede naman yung cross sa simbahan, cross sa rosary or yung sa red cross. Pambibira.

He was grinning like no tomorrow. Kung pwede lang tapyasin ko yan sa mukha mo makakatikim ka talaga sakin. Antayin mo.

I pouted. "Ikaw.. Lintik lang ang walang ganti."

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Sorry po. Taralets!"

Sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko gumagaan ang pakiramdam ko. Yung tipo na bawat segundo na magkasama kami masaya at walang iniintinding problema. Ewan ko lang kung yung pagkakataon lang yung tumutugma sa pangyayari pero bakit ko ito nararamdaman kapag kasama ko siya? 

Nagmadali kaming tumakbo hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ang sarap lang sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa amin. Pakiramdam ko nagawa ko na ito dati. Young, wild and free. Ito yung pagkakataon na gusto kong manatiling isang magandang alaala. Nagpunta ako dito sa Pilipinas para malaman ang aking pagkatao. Siguro ito na yung simula para malaman ko kung ano yung totoo. Dala-dala nya din ang carebears at hindi ko alam kung paano nya na-manage na dalhin yun habang tumatakbo kami. May lahi atang spiderman to eh. Lakas ng kapit.

Nasa loob na kami ng kotse at lumingon sya sa akin. "I hope you had a great day."

Tinignan ko sya pabalik at ngumiti. "Salamat, Cross."

Hinatid niya ako sa unit at nagpaalam. Ito na siguro iyong mga pagkakataon na hindi ko malilimutan. At least ngayon ayoko na ulit makalimot. Ipinapangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari tatatak ito sa akin. Humiga na ako sa aking kama at humarap kay Blue Bear. "Kailan kaya kita makikita ulit?" Niyakap ko siya at nakatulog nang mahimbing.

Nagising ako na may ngiti sa aking mga labi. Positivity at kasiyahan lang ang nararamdaman ko simula kagabi. Malaki ang epekto ng taong iyon sa akin. And I don't know why I feel this way towards him. Dumaan ang mga oras at papunta na ako ngayon sa radio station. Nasa cloud nine pa rin ata ako dahil sa kanya. Alam kong mababaw pero alam mo yung pakiramdam na masaya ka pero hindi mo maexplain kung bakit? Napapangiti ka na lang mag-isa dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. Wala talaga akong idea. Basta ang alam ko masaya ako. Iyon naman ang mahalaga hindi ba?

Hindi ko pa din naitatanong sa kanya kung bakit tinatawag nya akong Rain pero kapag tinatawag nya ako sa ganung pangalan wala akong masabi at napapa-oo na lang ako. Sana ako na lang nga si Rain eh mukha kasing mahal na mahal nya yung tao. Sa sobrang tindi pati ako nararamdaman ko yung ng epekto.

Remembering Cross (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon