Chapter 7 - Just Give Me A Reason

322 12 5
                                    

Not edited. Sorry. :3

(Cross's POV)


Bumubuhos nanaman ang ulan sa kalangitan. Umiiyak ba ang mga tala? Umiiyak ba ang buwan? Napapagod din ba sa bigat ng pasanin ang mga ulap? Siguro oo. Bumigay na nga sila. Umulan na. Pero lahat naman ay may kapaguran. Lahat ng bagay may limitasyon. Kumbaga kapag alam mong sobra na. Tama na.


"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday happy birthday. Happy Birthday Rain Babe. I love you." Ang pagkanta ko.

Tumingin ako sa langit habang bumubuhos ang ulan. Si Rain. Naaalala ko siya kapag umuulan. Pangalan niya pa lang ulan na eh. Siya kasi. Tsk.


Mula nang mawala siya nawalan na din ako ng hangin. Ang pinakaimportante sa lahat ng mga elemento. Kapag nawala ang tubig. Pwede pang maghintay sa ulan. Kapag nawalan ng kagubatan pwedeng magtanim uli. Kapag naubos na ang apoy. Pwede ka namang maghintay sa araw. Pero kapag nawala ang hangin. Wala ka na. Wala ng pag-asa. Ito yung naramdaman ko nung mawala ka Rain. Bakit ba sa lahat ng taong pwedeng kunin sa akin ikaw pa? Nasaan ka ba?


Ibinukas ko ang aking palad at sinubukang saluhin ang ulan. Sana kapag umuulan kasama kita. Sana kapag umuulan nandito ka sa tabi ko. I love you. Happy birthday Babe.


"Hoy! Team Leader! Mahiya ka nga dyan! Pinagtitinginan ka ng mga tao Brad! Nag-eemo ka nanaman Tol. Walang ganyanan." Ang paglapit sa akin ni Agent Jake na may hawak na payong. Pinasukob niya ako dito.


"Teka lang pare. Si Rain to eh. Ayoko muna siyang iwan. Sandali na lang" Ang sagot ko naman sa kanya na nagpapapigil umalis kung saan ako tumayo.


"Wala ng pero-pero brad. Alam kong nagpapabasa ka sa rain. Tara na." At hinila na niya ako paalis sa gilid ng kalsada.


Masakit nga ang maiwan ka pero paano kung wala naman itong kasiguraduhan? Paano kung hindi pala niya ako talagang iniwan. Marami akong tanong gusto ko lamang ng sagot. Kaso walang clue o kahit hint man lang sa pagkawala mo. Ang daya.

Pumasok na kami sa loob ng building ng NBI at syempre pumunta ako sa aking office upang magpatuyo. Nakaramdam na ako ng lamig at parang magkakasakit na ata ako. Rain naman kasi bat mo ako pinabayaang magpaulan. Hayy. Cross kasalanan mo naman eh. Nagpaulan ka. Ginusto mo yan. Kailangan pa bang sisihin si Rain? Namimiss lang kita. :(

Pumasok ang isa kong kasamahan sa loob ng aking office nang may hawak na folder.


"Sir , may kailangan lang po sana akong papirmahan tungkol sa case ni -" "Bakit po kayong basang-basa?" ang tanong nito


"Uhm , naiwan ko lang yung payong ko kanina. Don't mind me. By the way anong papapirmahan mo?" ang tanong ko.


"Nag-agree na po kasi si chief na ireview ulit yung missing case niyo. Papapirmahan ko lang po sana for approval na ikaw po iyong maghahandle nito." ang sabi niya sa akin.


Nang mga oras na iyon. Hindi ko maiexplain ang tuwang nararamdaman ko. Sa wakas , pinayagan na ulit akong ipagpatuloy ang aking paghahanap kay Rain. Hindi mabilang na attempts na ang ginawa ko at ng aking team para makita siya. Ang huling clue lang namin ay kung saan ang huling lugar na naroon siya. Alam kong napakaliit na detail lang nito kumpara sa mga kailangan ko pang malaman pero at least may sisimulan.


"Maraming salamat." ang sabi ko.


Pinirmahan ko ito then I put my game face on. This time , mahahanap na kita Babe.


_

"Pare , move on. Kung nakastock ka lang sa past mo walang mangyayari sayo. Date other girls este guys pala. Susuportahan ka naman namin eh. Hindi yung makikita ka na lang namin sa gilid ng kalsada. Nagpapaulan at humihikbi. Kaibigan kita. Kailangan mo namang sumaya." Ang payo sa akin ni Agent Jake.

Remembering Cross (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon