Sorry for the super mega extra late update! Sorry for the crappy chapter. :( Midterm week! Ngayon lang nakahawak ng pc kasi gagawa sana ako ng project sa Socsci. Eh tinamad ako gumawa tapos naalala ko si Cross kaya ayun. Mamaya na lang ako gagawa ng project katamad eh. Huehuehuehue!
Chapter 12
Sigaw
(Riot's POV)
Maamoy mo ang masarap na aroma ng kape dito sa coffee shop. Nandito lang ako sa loob nakaupo, naghihintay at nakikiwifi. Marami pumapasok sa isip ko ngayon at hindi ko lubos matanto na umabot ako sa ganito. Hmm, wala pa namang mga problema pero ang pinagtataka ko ay kung bakit ganun ka possessive si Sir Anthony kay Cross. So, okay ako nga daw si Rain. Sino naman iyong Rain na iyon? Kung siya ako nasaan ang pamilya ko? Nasaan na ngayon si Cross?
Oopps. Paano nasingit dito si Cross? Pero sino nga ba siya? Ano ko siya dati? Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis sa mga pangyayari. Naguguluhan na talaga ako. Masyadong naging komplikado ang pagkilala ko sa tunay kong pagkatao. Hindi na sana naging ganito. Yumuko ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Sana pagdilat ko muli ay mawala na iyong mga problema. Sana paggising ko magbalik lahat sa umpisa. Iyong kilala ko ang pagkatao ko. Kasama ko ang pamilya ko at hindi ako naguguluhan kagaya ngayon.
Naramdaman ko ang pagtapik sa aking braso at ako'y tuluyan nang nagising. Iniangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha Jeri.
"Masyado ba akong matagal? Pesensya na. Hinatid ko pa kasi si Simone sa school." Napakamot siya sa kanyang ulo at hindi ko napigilang humikab.
"Sorry na medyo antok pa kasi mula kagabi saka ang aga-aga pa. Teka, saan ba tayo pupunta?" Ang sagot ko sa kanya.
"Uhm, hindi okay lang next time na lang mukhang pagod na pagod ka kasi eh." Ang sabi naman niya.
Ang tampuhin naman bigla ni Jeri. Ang gara ah. Hindi ako sanay. Hindi naman nagdadrama nang biglaan yan. Paniguradong may dahilan yan kung bakit.
"Uhm no I insist. Aalis tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya paalis.
Kinuha niya ang kamay ko at ito'y pinisil, "Akala ko kasi napagod ka kakatakbo sa isip ko." Tumingin siya sa akin at kumindat.
Mahina siyang sinuntok sa braso. "Jeremiah Castro. Magpapaalam ka naman bago ka bumanat. Nahihit and run ang puso ko." Sabay kindat sa kanya.
Napatingin sa akin si Jeri at halatang nagulat sa mga salitang nabanggit ko. Makikita mo sa mga mata niya ang halong kilig at pagkashock mula sa akin.
"Oyyy, Jeri. Maghunos dini ka aalis pa tayo. Mayday mayday? Earth to Jeri?" Ang sabi ko sa kanya habang tinatapik siya sa braso.
"Uh-uhm sige sige. Tara na."
Nauna siyang lumabas sa cafe at ako nama'y sumunod lang sa kanya. Hindi ko na dinala ang kotse ko sapagkat hindi naman pwedeng date tapos magkahiwalay kami ng sasakyan. Siya na lang ang magdadrive tutal medyo inaantok pa ako mula sa radio station. Buti na lang at mamaya pa ang shift ko.
Ipinikit ang aking mga mata at dinala ako nito sa isang mumunting alaala.
Madilim ang paligid at sariwa ang hangin. Medyo malamok pero ito yung typical na picnic site na lugar pagsapit ng liwanag. Makikita at matatanaw mo ang mga alitaptap sa paligid kung oobserbahan mo lang. Nakaramdam ako ng lamig mula sa aking likuran dahil sa lakas ng ihip ng hangin at may braso mula sa isang lalaki na umakbay sa akin habang nakaupo kami sa damuhan.
"Ang romantic dito no?" Ang sabi ng lalaki.
Hindi ko tinitignan ang lalaki sa kanyang mukha bagkus diretso lang ang titig ko sa mga ilaw na nagmumula sa siyudad. Nakasuot kami ng college uniform at halatang nagpapalipas ng oras sa lugar na iyon. Nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita.
"Ang sarap dito walang pinoproblema. Tahimik lang ang buhay. Walang hassle. Walang mapangutyang mga tao. Walang manghuhusga sayo. Dito pwede ko hawakan ang kamay mo nang walang taong mag-iisip ng malisya. Malaya tayo walang maghihiwalay sa atin. Alam kong mahirap at konti lang ang makakaintindi. Just hold my hand and never let me go okay? Huwag na huwag mo akong iiwan ha? Hindi ko kakayanin eh."
Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay nilapit niya ito papunta sa kanyang labi at hinalikan. I was speechless. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita.
Hinigpitan pa niya ang hawak sa aking kamay at inilapat ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Promise ha?"
Sumagot na ako noong panahong ito. "Oo naman. Sino ba may sabing mawawala ako? Adik ka talaga."
"Ano tingin mo adik ako sayo? Ganun gusto mong ibanat ko? Gasgas na yan, Babe." Ang sabi niya sa akin.
"Aba aba ang kapal nito ah. Kahit kailan ka talaga. Ang ganda ng view ang peaceful lang. Kaya huwag mo na sirain okay?"
"Haynako. Mapa-sideview, right view, left view, front view at may back biew sa pagmumukha ko. Gwapo pa din ako no." Ang pagmamayabang nito.
"Napakahangin dito. Oh my 911 emergency." And I rolled my eyes at him.
"Tignan mo sa taas yung Polaris!"
Tumingin ako sa itaas at hinanap ang bituin.
"Asan ba? Hindi ko makita."
"Ayun nga."
"Nasaan?" Ang tanong ko uli.
"Ayun!"
Tumingin ako sa direksyon na iyon at hinalikan niya ako nang mabilis sa pisngi.
"Ayan yung Polaris! I love view!" Ang sabi niya sa akin nang nakangiti.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya upang itago ang pamumula ng aking pisngi. "Tse." Ang sambit ko.
Hinawakan niya muli ang aking kamay at sabay sabing, "Ang galing ko humanap ng venue no."
"Tignan mo nga yung braso ko puno na ng pantal. Kapag nakita to ni mama yari ka nanaman." Ang sabat ko.
"Eh bakit naman ako sisisihin ni mama sa mga pantal mo?"
"Iisipin niya ikaw ang dahilan nito and kung maka-mama ka dyan? Close na kayo?" Ang tanong ko.
"Oo kaya friends na kami sa facebook." Ang seryosong sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at binatukan siya nang mahina.
"Baliw!"
"Aray naman! Ang sadista mo! Papatayin kita eh." Lumayo siya sa akin nang kaunti at iniiwas niya ang braso niya sa akin.
"Grabe ka naman papatayin mo nanaman ako ng pagmamahal? Sino ang sadista ngayon?" Kiniliti ko ang lalaki sa kanyang tagiliran at hindi na niya napigilang mapahiga at mapatawa nang walang humpay.
"Please! Uhmph tama na! Wahahaha! Please! Uhmph!" Ang pagmamakaawa niya sa akin.
Ngunit hindi ako huminto hanggang sa hindi ko namalayang nakapatong na ako sa kanya at nakahawak sa pareho niyang balikat.
Nagulat ako sa aking nagawa at iniiwas ko ang tingin ko mula sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi nang may marinig akong sigaw.
Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya at umayos ng upo. Tumayo siya at may isinulat sa tapat ng puno gamit ang isang whiteboard marker.
Lumapit ako sa kanya upang tignan ang kanyang ginagawa medyo madilim pero may dala naman kaming medyo malaking flashlight.
R,
You're in my heart.
Forever and Always.
+
Napangiti ako sa sinulat niya at nagsalita. "Baka naman mabura yan agad."
"Eh paano kung hindi mabura?"
Napaisip ako sa sinabi niya at napahawak sa aking baba, "Edi gagawin ko kung ano i-wish mo. Humiling ka lang."
"Sabi mo yan ah." Nilapitan niya muli ang puno at kinapalan pa ang pagkakasulat dito.
Nakarinig muli ako ng sigaw at ngayon ay papalapit na ito. Medyo nakakatakot na ito dahil hindi ko alam kung saan ito nagmumula.
"Naririnig mo ba yun?" Ang tanong niya sa akin.
"Iyong sumisigaw?" Ang sagot ko.Ipinasok nya ang kanyang kamay sa loob ng uniform at nagkunwaring pataas pababa na parang tibok ng puso (Iimagine nyo na lang po. Hahaha)
"Mali. Yung pangalan mo tinitibok ng puso ko." Ang hirit niya nanaman.
"Baliw! Yung sumisigaw nga!" Ang pagpapanic ko.
"Teka, wala naman sumisigaw ah."
"Damn." Napamura ako nang di oras.
Itinuro niya sa isang direksyon ang kanyang kamay at nagsalita, "Shit! Ano yun?!"
Nagsimula na akong tumakbo nang mabilis papalayo sa lugar na iyon. Naiwan siya sa tapat ng puno ngunit hindi nagtagal ay sinundan niya na rin ako sa pagtakbo.
"Hoy! Saan ka pupunta!" Ang pagsigaw na tanong niya.
"Habulin mo ako kung kaya mo!" Ang sagot ko nang nakangiti.
_______
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog nadatnan kong nakatitig si Jeri sa akin. Inayos ko ang aking sarili at pinunasan ang aking bibig baka nakagawa na ako ng world map eh.
"Uhm, may dumi ba ako sa mukha?" Ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nakangiti ka kasi habang natutulog eh." Ang sagot naman niya.
"Maybe I had a good dream?" I shrugged.
"Uhm good. Let's go. Nandito na tayo."
Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok kami sa isang restaurant. It is a simple looking restaurant pero decent siyang tignan. Mukhang pwede siyang pang-family o pang-rare occassions tulad ng kasal o kung ano man.
"May reservation po kayo sir?" Ang tanong ng babae sa counter.
"Yes, Castro. table for two."
"Dito na lang po kayo dumaan sir." Ang sambit niya.
Nakarating na kami sa aming table at umupo nang maigi. Binigyan kami ng menu ng waiter at namili na kami ng pagkain.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pasensya na Riot kung dito lang kita nadala ha. Sa susunod na labas natin pag-iisipan ko na."
"Wala iyon." Ang tanging sagot ko sabay ganti ng ngiti.
Tumingin muli si Jeri sa menu na para bang nag-iisip. "Uhm, Riot are you with someone, like uh special someone?" Ang tanong niya sa akin.
Napaisip ako sa sarili ko. Am I dating someone or not? Is it Cross? We went out once pero hindi naman maicoconsider yun na commitment. And hindi pa niya ako kinocontact simula noong lumabas kami. Am I starting to like him? Do I like him already? Who is he? What am I to him? Who is Rain? Who am I? Am I really Rain? Brain confliction overload na ang nagaganap sa loob ng utak ko. Nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Oh Riot, you're here! Mind if we join both of you?" Ang tanong ni Anthony ng nakangiting orocan sa aming dalawa ni Jeri.
Wait, we?
Lumapit siya sa amin kasama ang isang taong bitbit lahat ang sagot mula sa mga katanungan ko.
Tumingin muna siya kay Jeri at nakangiting humarap sa akin. "Nice seeing you again Riot." Ang sabi ni Cross.