Chapter 10 - Tender Juicy

255 10 9
                                    

Chapter 10
Tender Juicy

(Riot's POV)

"Red or gray?" Ang tanong ko kay Joanna habang namimili ng susuoting belt


"Hmmm, red? Para fierce." She said while holding her chin.

"Mag-hoodie kaya ako? Checkered na polo? Maong na polo? Tshirt? Rocker type?" ang tanong ko sa kanya habang binubuksan ang aking closet at nag-iisip kung anong susuotin kong damit.


"Kung bad trip ka, rocker type. Pag chill-chill lang, tshirt na black then colored pants na flesh. Pag formal, maong na polo. What do you think?" Ang tanong nya sa akin while scanning my books.

"Maong na polo then flesh colored pants. Bagay ba? Snickers or leather shoes na brown?" Ang tanong ko sa kanya habang namimili ng sapatos.

"Leather shoes na brown. Check."

Sinuot ko ang mga damit na inaprubahan ni Joanna. Marunong din naman ako sa fashion pero syempre gusto ko lang humingi ng opinyon mula sa iba mamaya mayari ako neto at magmukha tayong engot sa kakatagpuin ko mamaya eh.

"Done. You like what you see?" Ang tanong ko sa kanya habang nagpopose na pang model.

"Approved by the expert. 10 from Tyra Banks, 10 from Rob Evans, 10 from Kelly Cutrone. You won the best photo of the week, congratulations!" Ang sigaw niya na parang baliw.

"Thank you fans! Thank you Araneta! Thank you America!" Ang pagsigaw ko na nagbobow at nagpaflying kiss sa ere.

Inabot ni Joanna ang aking kiss sa ere at sabay sabing, "Ano ba yan Riot ang alat! Pwepwe!" Ang pagkukunwari niyang naduduwal.

"Security guards. May paparazzi. Lingapin nyo na yan at ipadeport sa Kathmandu." Ang sabi ko sa kanya.

"Wag naman ganyan, Master. Gagawin ko lahat wag lang mawalay sa tabi mo. P.A.?" Ang sabi niya sa akin habang nagbubeautiful eyes.

"Sige alipin. Ngayon tiklupin mo na ulit yang mga ginulo natin. Magtitimpla ako ng iced tea."

"Salamat Master R! You're so mabait! Pwe!" Ang pagsigaw niya sa akin habang pababa ako sa hagdan mula sa aking kwarto.

"Alam ko. Tse!" Ang sabi ko sa kanya habang papunta sa kusina.

Hindi ko rin alam kung bakit isang beses pa lang niya akong inayang lumabas ay pumayag na agad ako. There's something in him that I can't simply explain. Not just that, marami akong tanong na gusto ko nang makakuha man lang ng kahit isang clue o kahit masagot man lang niya kung bakit kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa akin nung nagkita kami sa simbahan. Rain? Who the fvck is he?

"Saan ka ba pupunta? Mukhang pinaghandaan mo talaga yan ah. Bagong boyfriend?" Ang tanong sa akin ni Joanna habang kinukuha niya ang isang baso ng iced tea.

"Gala lang to." Ang sabi ko sa kanya.

"Eh sino ba namang hindi mag-iisip na makikipagkita ka sa boyfriend mo eh puro ka tanong ng bagay ba to? Bagay ba yan? Okay na ba itsura ko? Ayie. Umiibig!" She squeeled like a little girl.

"Nako, tsismosa ka talaga."

Tumingin si Joanna sa kanyang relo at inayos ang kanyang gamit. "Good luck sa date mo. Tandaan mo mas #1 ka sa puso ko bff." Ang sabi niya habang papalabas ng pinto.

"Baliw! Ingat!" Ang sabi ko sa kanya habang kumakaway sa kanya habang siya'y papalabas.


Kinuha ko ang baso mula sa lamesa, uminom mula dito at nag-isip. Tama ba tong desisyon ko? Hayy, I feel so torn. Wala namang masamang magtry di ba? Malay natin kung siya na ang sagot sa mga katanungan ko. Ayokong mawalan ng pag-asa. Teka, ano bang pangalan nun? Mamaya na nga lang malalaman ko din naman eh.

Remembering Cross (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon