Kayraming tao ang nagbubulag-bulagan
Sa tunay na nagaganap sa kanilang bayan
Palibhasa'y mga isip at puso'y sadyang kinaligtaan
Ang mga pinuhunan ng mga unang anak ng bayan.
Nasaan na nga ba ang dating pag-ibig at pagpapahalaga
Sa perlas ng silanganan na siyang tinubuang lupa?
Tuluyan na ba itong nabago at nadungisan
Ng mga bagay na epekto ng panahong dumaraan?
Ang mga bayaning nagpakita ng kadakilaan para sa bayan
Alam mo ba ang totoong pagkakakilanlan?
Ang bilang ng mga dugong dumanak para sa tinatamong kasarinlan,
Tumatak ba sa iyong kalooban?
Kaya Pilipino, gumising ka mula sa mahabang pagkatulog
Alisin ang mga kamay na nakatakip sa taingang nagbi-bingi bingihan
Ating buksan ang malawak na pag-unawa at malalim na pag-iisip
Dahil matagal nang sa iyo'y naghihintay, ang ating inang bayan.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pilipino
PoetryIsa ka bang Pilipino? Kung gayon ay malugod kitang inaanyayahang basahin ang koleksyon ng mga munting tulang isinulat para sa iyo. -AngHulingPluma