Pag-asa ng Bayan

798 5 0
                                    

Pansin mo ba ang karamihan sa mga kabataan sa panahon natin ngayon?

Walang ginawa kundi ang sumaway at dumaing sa dako rito't paroon

Oo nga't ang kalayaang magpahayag ay isa sa ating alas,

Ngunit Nene, tila sobra na yata ang reklamo at pintas.


Ang kabataan ang pag-asa ng bayan

Si Gat Jose Rizal ang may saad niyan

Ngunit kung paano'y datnan niya na ang kalagayan natin ay ganito

Hindi ba't parang nakakahiya naman tayo?

Ang iba sa kanila ay nalululong sa ipinagbabawal na gamot

Samantalang ang iba'y krimen ang ginagawang sagot

Halika at maiba naman tayo ng babagtasing daan,

Sila ma'y ang tinatawag na 'social media' ang naging tahanan.

Kung gaano katulin ang paglipas ng mga araw na nagdaraan,

Ganoon din ang bilis ng pagbabago sa buhay na nakagawian

Sa mundong agham at teknolohiya ang nangunguna,

Ikaw, kabataan, ang nararapat na maging bida.

Tula para sa PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon