Pasulyap-sulyap at nakaw na tingin
Isang kakatwang damdamin na kay hirap tanggapin
Mga malilikot na paru-paro'y ayaw patahimikin
Iyan ang siyang dulot mo sa akin.
Ang bawat salitang namumutawi sa iyong labi
Tila isang makinang na tala sa gabi
Bawat hakbang, bawat ngiti at alinmang gawi
Ang tanging nagpapatibok sa pusong sawi.
Sa pag-iisa'y laging naiisip
Ano kaya ang mundo kung ika'y hindi sumapit
Siguro'y mas matiwasay noon kung ikukumpara ngayon
Ngayon na pag-ibig ko'y kailanman ay hindi maaayon.
Ang pinakaaasam na tunay na pagmamahalan
Ay hinadlangan ng mga kabundukan at malawak na karagatan
Ganunpama'y pagsinta ko'y hindi kailanman magmamaliw
Kahit ako'y wala namang halaga sa iyong paningin, oh aking giliw.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pilipino
PoetryIsa ka bang Pilipino? Kung gayon ay malugod kitang inaanyayahang basahin ang koleksyon ng mga munting tulang isinulat para sa iyo. -AngHulingPluma