Ang sistema ng hustisya sa Pilipinas
Ay tila sandatang nalipasan ng oras
Na kahit anong subok na patalasin
Sa huli ay hindi rin pakikinabangin.O, katarungan!
Bakit ba kay hirap mong makamtan?
Ang daing, hinagpis at sigaw ng mga aba
Pinapakinggan mo nga ba?O, hustisya,
Sa mata ng ilan ay ikaw ang natatanging tanglaw
Ngunit ang iyong paningin ay bukas lamang sa mga nasa ibabaw
Tunay ngang napakalupit nitong mundong ating tinatanaw.O, hustisya't katarungan!
Nawa'y paganahin ang panyong nakapiring
Ipasok sa hawla ang mga salarin at huwag nang bumaling
Boses ng mga api ay iyo namang dinggin.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pilipino
PoetryIsa ka bang Pilipino? Kung gayon ay malugod kitang inaanyayahang basahin ang koleksyon ng mga munting tulang isinulat para sa iyo. -AngHulingPluma