Dumating na ba sa iyo ang pagkakataon kung saan gusto mo nalang sumuko?
Kalimutan ang lahat at magpakalayo-layo?
Totoong napakalupit ng buhay dito sa mundo
Kalungkutan, kahirapan at hinagpis ang bumabalot dito.
Kailan ba mapapawi ang luha sa ating mga mata
Saan ba natin mahahanap ang tunay na ligaya
Kung lahat ng bagay sa mundong ibabaw ay pansamantala lamang?
At may nakalaan namang talagang bayan para sa mga hinirang.
Kadalasa'y itinutuon natin ang ating sarili sa mga bagay na materyal
Ngunit hindi sa mga bagay na makapagbibigay ng mas malaking halaga
Kung baga'y mas pipiliin ng tao ang panandaliang kasiyahan
Kaysa sa buhay na walang hanggan.
Sa oras ng matinding pagsubok gaya ng pagsiklab ng mga digmaan at kaguluhan
Paglaganap ng mga sakuna at kahirapan
Tungkulin ng mga alipin na panatilihin ang kahalalan
Upang makarating sa pinakahahangad na pangakong kaharian.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Pilipino
PoetryIsa ka bang Pilipino? Kung gayon ay malugod kitang inaanyayahang basahin ang koleksyon ng mga munting tulang isinulat para sa iyo. -AngHulingPluma