Someday- Chapter 5.

26 1 1
                                    

Chapter 5

"Ako na po ang mage-explain." Sagot ni Liam na tumungo rin tulad ko. Napa-angat ako ng tingin sa kanya para siguraduhin kung tama ba ang narinig ko. "Hindi rin po alam ni Audrey ang nangyari. Pasensya na kayo kung nagbago na lang ako bigla." Nakatungo pa rin si Liam at rinig ko ang lungkot sa boses niya.

Ipagpapatuloy na sana ni Liam ang page-explain niya ng pumasok bigla si Manang Lucinda sa dining room galing sa kusina. "Ahh.. Ehh.. Ma'am Lea? Tumawag po ang board. May meeting daw po kayo in 30 mins." Paano na 'yung explanation ni Liam? Nakaramdam ako ng lungkot kasi akala ko malalaman ko na kung ano ba talaga ang rason niya sa pag-iwan sa'kin ng biglaan, pero hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon.

"Ganun ba? Osige. Kayo. Dalawang bata. Maguusap-usap tayo tungkol dito kaya kung akala niyong nakakaligtas na kayo e hindi pa. Jane, ayos lang ba kayo dito ni Audrey?" Nakakatakot si Tita. Pero natatawa ako kasi kita sa mukha niyang nagpipigil lang siya ng tawa sa mga pangyayari. Ang tensyonado tapos mapuputol bigla. "Oo naman. Uuwi na rin kami mamayang hapon ni Audrey." Pagsagot ni Mama. "Osige. Maaabutan ko pa kayo. Magkita-kita na lang tayo mamaya." Pagkatapos umalis ni si Tita Lea.

Bumalik ang tingin sa'min ni Mama. "Audrey Kristen, maligo ka na. Kailangan nating mag-usap." Sabay walk-out. Marunong pala nun si Mama. Napatingin ako kay Liam na mukhang naguguluhan din sa mga nangyari. Napatingin din siya sa'kin, magkatitigan lang kaming dalawa. Walang nagsasalita.

Naaalala ko noon, ganito din kami. Kapag naka-upo kami sa damuhan sa burol na inangkin namin bilang espesyal na lugar para sa amin, tititigan niya ako bigla, ganun din naman ako. Tahimik lang kami. Naka-ngiti, kahit wala kaming sinasabi makikita mo sa ngiti namin ang saya kahit na ganun lang kami.

Iba na ngayon. Puno ng sakit, at lungkot ang makikita mo sa'min. Gusto kong sabihin sa kanyang, "Liam, mahal pa rin kita. Kahit wag ka nang magpaliwanag kung bakit mo ko iniwan bigla.. bumalik ka lang sa'kin, Liam. Pero hindi pwede kasi kailangan kong malaman. Kailangan kong maliwanagan. Ako na ang unang nag-alis ng tingin, nang papatayo na ako nagsalita siya, "Ten, malalaman mo rin ang lahat-lahat. Wag ka munang susuko, ha? Nangangako ako, magiging maliwanag rin ang lahat sa'yo." Bakit ba sa t'wing nagsasalita siya, nahihirapan akong huminga? "Maliwanag na naman sa'kin. Iniwan mo ako. Nagmahal ka ng iba. Wag ka ng mangako, Liam. Wala nang lugar para sa pangako sa buhay ko." Pagkasabi ko non, umalis na ako.

---

Naligo na ko at sinuot ang dress ko kagabi. Pauwi na rin kami ni Mama. Mga dalawang oras na lang siguro kami dito. Hinihintay na lang namin dumating si Tita na tumawag kanina na malapit na daw siyang umuwi.

Tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, alam mo 'yung minsang tinititigan mo ang sarili mo tapos tinatanong mo sa sarili mo kung ikaw ba talaga 'yan? Ganun ang naiisip ko ngayon. Ang komplikado ng buhay ng tao, pero nasa sa atin na 'yun kung iisipin nating ang buhay talaga ang magulo o mismong sarili natin ang nagpapagulo sa kahulugan ng buhay.

May kumatok sa pintuan at pinapasok ko. Pagsilip ng kumakatok, si Jessica ang tumambad sa'kin. "O? Anong ginagawa mo dito?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. "Nice to see you, too, ha? Haha!" Pabirong sagot niya. "Nagtataka lang kasi akong makita ka dito. Wala ba kayong date ni Julian?" Si Julian ang boyfriend ni Jess. "LQ kami. Saka gusto kong maki-balita. Haler? Audrey-Liam together again?" Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya.

"Huy! Manahimik ka nga. Anong together again? Baliw ka. Saka wala namang masyadong balita." Honest na sagot ko sa kanya. Wala namang dahilan para itago ko sa kanya ang nangyari kagabi at kanina kasi malalaman din naman niya 'yun sa kilos ko. "Wala masyado? Edi meron pa rin! Kwento na, 'te!" Excited naman nito masyado.

Kinwento ko sa kanya ng detalyado ang mga nangyari kagabi pagkatapos ng party mula sa pag-uusap namin ni Tita Lea, Liam, at ang panaginip ko, pati ang nangyari kaninang breakfast sa dining room.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon