Chapter 4

22 3 1
                                    

Ica's POV

Grabe.. ang sakit, sakit na ng ulo ko, ang sakit sakit na din ng mga paa ko. Ganito bang pasakit ang aking matatamo sa araw na ito?

"Guys, mag-tricycle na kasi tayo!"-ako

"Osige na nga.. tutal parang pinagsukluban ka na ng langit at lupa."-Gail

Lumapit kami sa dalawang tricycle na nandun. Lima kasi kami at syempre di kami kasya sa isang tricycle lang. Kasya sana kami eh.. tatlo sa loob, isa sa likod ng driver at yung isa dun sa harap ng driver.. o di ba? pwede namang pagkasyahin kasi nga nagtitipid kami. Kaya lang kasi si Laine ayaw niya dun sa may harap, kaya ayun.. nag dalawang tricycle nalang kami.

"Kuya, magkano po hanggang sa Ramos Hospital?"-ako

"Sige.. tigsasampo na lang kayo."-manong driver

Pagdating namin sa entrance ng Ramos hospital, as in dun sa may tapat ng pinto yung papasok ng lobby, umalis na kami. Di naman kasi talaga dun yung pupuntahan namin eh. Sa pagawaan ng sofa kami pupunta.. eh may nagsabi samin na sa tapat ng Ramos hospital daw may pagawaan ng sofa tapos di naman namin alam kung anong tawag dun kaya nagpadala nalang kami sa Ramos Hospital. Gets?

Kung curious kayo kung para saan yung sofa.. para kasi yun sa midterm exam namin sa interior design.. eh ayun gusto ng prof namin na pagandahin namin ang isang luma at pangit na sofa.

Parang sa magsyota lang yan eh. Pwedeng ang makuha mo ay yung bago talaga at likas na maganda or pwede ring gandang retokada parang yung sofang ipapagawa namin ngayon.

Pagpunta namin sa gawaan ng sofa.. upholstery pala tawag dun.. tinanong namin kung magkano magpagawa ng sofa, at leshe lang ah.. tumataginting na Php 7500 ang gagastusin namin. Gravy talaga!!

Kaya eto umalis kami doon ng may sama ng loob at kasalukuyang naghahanap ng panibago.

"Kaya lang naman nila minahalan yung bayad kasi inistorbo natin sila eh nanunuod sila ng Aldub."- Alvin

Si Alvin nga pala isa siya sa mga kagroup namin.. at magkakagroup kaming apat na magbebestfriends.

Lakad. Lakad. Lakad.

"Pano kaya tayo makakahanap ng pagawaan?"-Laine

"Alam ko na. Nakikita niyo yang general upholstery na yan? Itanong natin kung gumagawa sila ng sofa."-Gail

"Siyempre hindi yan no! Obvious namang bilihan lang yan ng mga gamit eh.. yung parang hardware lang." -Laine

"Guys ano ba? Wag nga kayong pumapag-asa na gawaan yan ng sofa. Ganito lang yan no.. itatanong natin sa kanila kung gumagawa sila ng sofa.. syempre sasabihin nila hindi.. tapos dun na natin itanong kung may alam silang gawaan ng sofa."-Gail

Kaya ngayon nalaman din namin ulet kung saan kami pwedeng magpagawa ng sofa. Nilakad na lang namin dahil nagtitipid kami. Lalo na kanina nagtricycle pa naman kami.. 200 meters pa naman yung layo. Kaya ngayon nilalakad namin kahit nakakadalawang kilometro na kami. Parang pag-ibig lang yan eh. Kailangan kahit pagod ka na.. ituloy mo pa rin at kailangan mong magtiis.

"Guys, may Angel's Burger oh! Mura lang naman 25 pesos lang.. buy one take one pa."- ako

"Ay grabe! Naexcite ka naman ata masyado?" -Gail

"Aba syempre! Dalawang linggo ko rin yan di nakain no!"-ako

....... at sa wakas... napilit ko rin silang bumili ng burger.

Nung umoorder na kami, syempre dahil nagpapahinga nga kaya umupo muna kami.

"Guys magpatugtog nga muna tayo, ang boring naman dito." -Rea
kaya pinindot-pindot na niya yung celpon niya.

Bigla naman may kumalabit sa akin sa may likuran ko at syempre haharap ako.. kasabay naman yun nung pag tugtog ng celpon ni Rea..

paglingon ko...

>>insert song<<
ikaw na ba si Mr. Right
ikaw na ba love of my life
ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko??..

toot. toot. toot.. >loading<
>buffering< for short napatulala ako.

Ay gurabeeee! Bagay na bagay talaga yung kanta samin.

"Kobi!"-ako

"Hi Ica!" -Kobi

At nang sandaling iyon.. wala na kong ibang nakikita at napapansin. Nafocus na lang ang atensyon ko kay Kobi, nagblur na ang paligid ko at tanging si Kobi na lang ang nakikita ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" -Ica

"Ah.. hehe.. pauwi na kasi ako.. sakto namang nakita kita.. tapos naalala ko di ba sabi ko sayo nun ililibre ko kayo? Kaya ayan.. ililibre ko na kayo ngayon. Mahilig ka pala sa burger ah." -Kobi

"Angel's burger to be exact." sabi ko

Inexplain ko na rin sa kanya na nagpapahinga lang kami saglit dahil naghahanap kami ng pagawaan ng sofa.

"Ah ganun ba? Gusto mo samahan ko kayo?"-Kobi

"tala--" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng tumunog yung celpon ni Kobi.

~your my hunnybunch, sugarplum, pumpyumpypumpkin your my sweetie pie. Your my chocolate gumdrop with the sprinkles, your the apple of my eye.~

Takteng ringtone yan! Lalo yata akong nainlove kay Kobi.. ang cute, cute, cute kasi ng ringtone niya. Haha. Bagay talaga kami kahit saang anggulo tingnan.

"Hello..... yes?..... ngayon na ba yun?.... Ah ganun ba? o sige papunta na ko.. k.. meet me at the parking lot.. ok bye." -Kobi

"Naku Ica pasensya na may gagawin na pala ako ngayon. Di bale next time na lang. Tutal madami naman na akong utang sayo.. gusto mo next week let's hangout together." -Kobi

"A date?" -Ako
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang marinig ko yun..

"Uhmmm no.. kasama natin silang mga bestfriends mo.. di ba sa inyo akong apat nagpromise na ililibre ko kayo?" -Kobi

"Ouch! Sapul!" narinig kong binubulong bulong ni Laine..

Gusto ko sanang magwala, gusto kong umiyak pero hindi pwede dahil ako si Danica Dimacalacad and I am a very, very strong person. Hinding hindi ako mabrobrokenhearted. Evah!!!

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon