Chapter 7

10 1 7
                                    

Ica's POV

Ang swerte ko talaga ngayong araw na ito.

Una, kasi nalate ako sa calculus kinakabahan nga ako nun eh kasi baka pag pumasok akong late mapansin ako ni sir. Favorite pa naman ako nun. Buti na nga lang mas late pa si sir kesa sakin. Pero medyo naasar ako kasi syempre sayang effort ko na tumakbo, hingal na hingal pa nga ako, pawis na pawis din.. naisip ko tuloy baka makita ni Kobi na ganito itsura ko nakakahiya.

Pangalawa, kasi dapat may isusubmit kaming activity ngayon kaya lang gagawin ko na dapat kagabi kaya lang sa hindi inaasahan pagkakataon, nakatulog ako. Sabi nga ng kapatid ko naghihilik daw ako pero di naman ako naniniwala kasi alam kong malaprinsesa ako matulog. Pinaghahandaan ko na kasi ang pagkakataong magkakaasawa ako at naniniwala akong malapit na malapit na ang panahong iyo.

Hihi.

Naalala ko nanaman si Kobi. Kinikilig talaga ko tuwing naiisip ko siya. Ihhh! Ano ba itong puso ko lumalakas ang tibok kapag naaalala ko siya.

Anyways, masaya na ako eh. Ang swerte-swerte ko na nga eh. Kaso lang nung pauwi na kami ng mga besties ko, sa tricycle kami sumakay at ako yung nasa likod ng driver. At ayun natraffic kami, tapos... tapos.. natabi kami sa truck ng baboy at kamalas-malasan yung baboy nakatalikod samin tapos biglang..

"Ahhhhhhhh!!!!" -ako

"Anong nangyari sayo?"
sabi yan ng mga besties ko halatang concern talaga sila sakin eh.

"Ihhh! Yung baboy inihian ako!" -ako

"Yuck! Eew! Wag kang didikit sakin baka bumaho din ako." -Gail. infairness sobrang caring nya-.-

"Ok ka lang ba? Malapit lang naman yung dorm ko. Peramin kita ng damit." -Rea. Sya lang talaga ang may pake sakin.

Kung lalaki lang ako baka niligawan ko na sya.

"Sige pahiram mo ako. It so eeewie na. Ayokong makita ako ni Kobi na ganito"-ako

And as if on cue, nakita ko si Kobi na palapit sa amin. Ang galing nga eh. Meant to be talaga kami. Tuwing may eksena, sa huli darating si Kobi para kausapin ako.

Ahihihi!

Grabe pang model talaga maglakad si Kobi. May poise. Siguro past time niya magmodel.
At dahil ayaw kong mahiya sa future hubby ko. Naglakad na rin ako na parang model kahit alam ko naman na hindi ko na kailangan yun kasi maganda na talaga ko maglakad, pang model na talaga. Pero syempre kailangan dabest yung lakad ko.

Kaya...

Chin up.

Chest out.

Stomach in.

At rumampa na ko sa sidewalk at sisiguraduhin ko walang makakatalo sa lakad ko kahit pa ang tsunami walk ni Shamcey Supsup at Cobra walk ni Janine Tugonon.

"Uy napano si Ica? Bakit ganyan siya maglakad? Nalasing na yata?" -Laine

Ako? Mukhang lasing? My Gash! Hindi talaga alam ng mga yun ang magandang lakad. Hmmph! Mga walang taste!

Palapit na ako kay Kobi.. ayan na.. hihi..

"T*ng *na! Ang baho! Saan galing yun?" -Kobi

O. M. G.

Sheeeeyt!!!

Yung baboy nga pala!! Buset!

Pero syempre di ako magpapahalatang ako yung naamoy niya.

Teka.. ako lang ba o sakin nakatingin si Kobi?

"Uy Kobi, kumusta? bakit ganyan ka makatingin sakin?" -ako

"Ahhhh.. ehhh.. Ica kasi---"

"Ako yung pinagbibintangan mong mabaho? Ako? Grabe naman Kobi, alam mo namang lagi akong may pabango tapos pagbibintangan mo pa ko?"

"Oo nga naman Kobi di ba? Imposibleng si Ica yun.. ang bango kaya niya." -Rea

Good. Good.

Ang bait talaga nitong si Rea eh. Supportive siya sakin. Buti pa talaga siya.

"Ahmmm.. Si--sigurado ka bang hindi ikaw yun Ica?" -Kobi

"Ang kulet naman. Hindi nga daw siya yun sabi niya." -Gail

Buti naman umaayon sakin ngayon ang mga besties ko at ipinagtatanggol ako. Sana naman maniwala si Kobi.

Pero parang ayaw niya talagang maniwala kaya lumapit pa siya sakin.

Juicecolored. Kung normal na araw na ito ako pa mismo ang lalapit sa kanya eh. Pero I'm sorry my loves pero di mo ko pwedeng lapitan ngayon hanggang ganito ang sitwasyon ko.

"Pasensya na may nakalimutan pala akong gawin.. sige Kobi next time na lang!"
sabay karipas ako ng takbo pero bago ko nakalayo narinig ko pang tinanong ni Kobi ang mga besties ko kung saan daw ako pupunta.

"Natatae na daw siya. Di na niya mapigilan." -Laine

Ihhh! Baka isipin niyan ni Kobi ako yung mabaho talaga dahil sa sinabi ni Laine.

Kainis!

Lagot kayo sakin mamaya! Makikita niyo...

*******

A/N: naihian talaga siya ng baboy.

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon