Chapter 6 (Part One)

26 0 0
                                    

Ica's Pov

Sa wakas!! Ito na ang araw na aking pinakahihintay!!

Ngayon kasi kami magdedate ng future husband ko.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ko sinabing magdedate kami no? Pinilit kasi ako ng mga besties ko na kami na lang daw ni Kobi ang maghang-out.

Grabe nga eh. Napakababait talaga nila, hulog sila ng langit. Sabi kasi nila di daw nila talaga gustong sumama eh. Pano ba naman sabi ko sa kanila na pag di sila sumama ililibre ko sila sabihin lang nila kung anong gusto nila. Ayun, kaya ibinili ko sila ng dalawang box ng pizza, isang galon ng icecream, lasagna, spaghetti at chocolate cake. Maunawain talaga sila eh.. kasi alam naman nila na nagtitipid ako kaya para daw sa drinks magtutubig na lang sila.. pero syempre di ako pumayag na tubig lang yung inumin nila.. baka kasi alam niyo na.. biglang maisipang sumama samin ni Kobi, kaya ayun binili ko sila ng starbucks coffee. Ang saya ko talaga na naging besties ko sila dahil napakamaunawain nila.. alam nilang gusto ko talagang makipagdate kay Kobi.

------

Nandito na ko sa mall kung saan kami magdedate ni Kobi.. maaga akong pumunta dito kasi kailangan kong bumili ng damit na isusuot ko para di naman isipin ni Kobi na luma pa isusuot ko.

Binili ko yung off-shoulder na blouse kasi nga uso 'tong dress na ito ngayon. Nang sinuot ko na.. sinadya kong di tanggalin yung tagprice ng damit. Syempre dapat medyo proud ka na may bago kang bili na damit di ba?

Kasi yung ibang babae ang arte-arte.. bibili-bili ng bago tapos nakakalimutan tanggalin yung tagprice tapos kapag nakita yun hiyang-hiya sila. Pwes, ibahin niyo ko.

Tiningnan ko kung anong oras na at sakto lang na magkikita kami ni Kobi. Hinanap ko siya sa meeting place namin at sakto ah.. kakarating lang din niya.

"Kobi!" ^_^
ako yan.. syempre magpapacute muna ko..

"Oh Ica! Kakaiba ka talaga. Yung ibang babae nalelate ikaw hindi. On time ka lagi." -Kobi

"hehe.. hindi naman.." -Ako
Natutuwa na ko dahil lagi na lang akong pinupuri ni Kobi.. feeling ko tuloy lahat na lang ng ginagawa ko napapansin niya at bait na bait na siguro siya sakin.

"Pero Ica di ba nung una nating nagkausap late ka? Pansin ko yun eh.. madalas nakikita kitang tumatakbo papasok ng school.. lagi ka ngang late eh. Buti na lang ngayon naging maaga ka yata?" -Kobi

Ano ba yan! Leshe! Ang ganda na eh! Napansin pala niyang lagi akong late. Baka maturn-off siya sakin nito. Pero wait? Napapansin daw niyang lagi akong late? OMG! Pinapansin talaga niya ko lagi! Ibig sabihin crush niya talaga ko!

"Ihhhh... napapansin mo pala yun.." Nagpapacute ako niyan.. nagbe-beautiful eyes pa nga ako eh.

"Of course! I will notice you. Actually almost everybody will notice you kasi ang tahi-tahimik then we will hear loud footsteps.. syempre mapapatingin kami." -Kobi

Sa totoo lang hindi ko gaanong naintindihan yung sinabi niya pero feel ko sinabi niya na hindi lang daw siya ang nakakapansin sakin.. madami daw sila.. ibig sabihin marami palang nagkakacrush sakin?

"By the way, di ba dapat kasama natin yung mga kaibigan mo? Nasaan na ba sila?" -Kobi

"Ahh.. eh.. sabi nila di daw nila feel sumama eh. Di kasi sila mahilig sa ganito. hehe." -Ako

"Sure ka? Baka naman sinuhulan mo sila para di sila sumama para masolo mo ko?" -Kobi

Gosh! Paano niya nalaman yun?

"Pano mo na--"

"Hehe.. syempre joke lang noh! Alam ko namang di mo kayang gawin yun eh. Teka... ano na nga yung gusto mong sabihin?" -Kobi

Napanganga ko. Ibig sabihin nagjojoke lang siya? Whew! Muntik na ko dun ah!

"Uy.. Ica ano na nga yung sasabihin mo?" -Kobi

"Ah wala, wala.. wag mo nang pansinin yun! Ano ka ba.. wala naman akong sinasabi eh. Saka syempre no! Di ko susuhulan yung mga bestfriend ko... hinding-hindi ko gagawin yun.. nanghihinayang nga ako eh.. sayang nga wala sila dito." -Ako

"Bakit parang in-denial ka?" -Kobi

"Ako?! In-denial? huh! Di kaya!" -ako

"Haha.. O sige na nga.. saka alam ko namang di mo kayang gawin yun eh. Kaya nga kita kinaibigan kasi parang ang bait mo. Sige tara na.. mamasyal na tayo." -Kobi

"Tara!" -ako

Naglalakad na kami nang biglang huminto si Kobi.. kaya nilingon ko siya.. bakit ganito mukha nito? Ang epic!

"Uy! Anong nangyayari sayo?" -Ako

"Tagprice ba yang nakasabit sa damit mo? Ah.. kaya ka siguro maaga ngayon kasi bumili ka pa ng damit no? Wala ka bang damit sa bahay niyo?"

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon