Chapter 13

15 0 0
                                    

Ica's POV

Haaayyyy....

Tsk tsk tsk.

Lesheng buhay naman 'to oh. Wala na bang magandang eksena ang darating sa buhay ko? Puro na lang ba kamalasan? Lagi na lang akong namumulubi. Tapos yung grades ko puro pa bagsak! Wala na---

"Ano nanaman yang ginagawa mo Ica? Nagsesenti ka nanaman? Ghad! Wala ka na bang ibang pwedeng gawin bukod sa pagsesenti?!"

"Ay naku Gail. Hayaan mo na. BH yan eh. Palibhasa kasi nagpapauto dun kay 'Kobi-the-love-of-her-life'." -Laine

Pagkasabi ni Laine nun, sabay tumawa ang dalawang luka-luka.

Ang mga papansin talaga ng mga ito sa eksena ko. Hindi ko talaga alam kung mga kaibigan ko ba talaga sila or sila ang mga kontrabida sa buhay ko eh. Saka ano bang pinagsasabi ng mga ito na BH?

"Ano bang BH pinagsasabi niyo?"

"OMG! Hindi mo alam ang BH? BH means brokenhearted!" -Rea

"Hoy excuse me ah. Hindi ako brokenhearted no! Nagsesenti ako kasi kailangan ko ng pera."-ako

"Teka, teka hulaan ko? Nanghihiram na naman ng pera sayo si 'the-love-of-your-life' mo no?"-Gail

"Paano mo nalaman?"

"So tama ako? Ay shet! Ang talino ko talaga! Ahahaha... nagpapauto ka nanaman kasi.. tsk.. tsk.. tsk.. Nakakastress ka talaga."-Gail
Iiling-iling na sabi niya.

At pagkasabing-pagkasabi niyan biglang umalis.

"Hoy anong ginagawa mo?" tanong ni Rea kay Gail.

Tinitigan lang kami ni Gail at sinabing..

"Nagwo-walkout. Di niyo ba napapansin?"

"Hay naku Gail. Wag ka na ngang pumapel. .. . San ka nga pupunta?" -Laine

"Hahanapin si Alvin magpapasamang kumain. Nakakastress kasi dito."

Pagkasabi niya nun ay tuluyan na nga siyang umalis.

"Si Gail talaga panira lang ng eksena KO."

"Pano na niyan Ica? Saan ka kukuha ng pera?" -Rea

"Oo nga.. di ba nagquit ka na dun sa work mo dati?" -Laine

"Yun na nga eh.. namromroblema ako kung saan ako makakakuha ng pera." -ako

(-_-)

( ." )

( ". )

"GUSTO MO BANG MAGKAPERA?"

Nagulat naman ako sa pagsulpot ng isang pakialamerong hindi naman tinatanong pero sabat ng sabat na si Jasper. Kaklase namin.

(-.-)

"Ano nanaman kalokohan mo Jasper?" -Laine

"Grabe naman! Ako na nga yung tutulong, ako pa yung sinasabihan mo ng ganyan Laine? Nakakasama ka naman ng loob." -Jasper

"Guys tama na nga yan. Wag niyo na awayin si Jasper. Malay mo siya yung susi sa aking magiging tagumpay! Aja!" -Ako

Puno ng emosyon at walang bahid ng pagaalangan kong sinabi yan.

Akala ko nga magrereact na naman ang mga atribida kong mga kaibigan. Buti na lang hindi na nila ako pinansin. Bukod sa sabay nilang pag-irap. Pero buti na lang wala dito si Gail kasi sigurado ako papapel nanaman yun eh. Pero sa ngayon, wala muna akong pakialam sa kanila. Kailangan kong malaman ang susi sa aking tagumpay.

"Jasper! Pasuspense ka naman eh. Ano na yung sinasabi mo kanina. Paano kami magkakapera?" -ako

"Ah.. desperada talaga kayo magkapera no? Well.. tama kayo ng nilapitan--"

"Correction. Di kami desperada, si Ica lang yun. At lalong hindi kami ang lumapit sayo. Ikaw kaya lumapit samin." -Laine

(-_-')

Si Laine naman makapagsabi na desperada ako.

"Haist! Oo na, oo na. Eto na nga. Kung gusto niyong magkapera, sumama kayo sakin. Ipapakilala ko kayo sa boss ko."

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon