Chapter 2

34 4 2
                                    

Ica's POV

"Tapos sabi niya... friends na daw kami.. willing pa nga siyang turuan ako sa math at design eh."-ako

"Sure ka bang sinabi talaga niya yun? Baka naman assumera ka lang talaga." -gail

"Ah ayaw maniwala.. tanungin mo pa si Kobi eh."-ako

ikinwento ko kasi sa kanila ang tungkol sa prince charming slash knight in shining armor ko na si Kobi.. knight in shining armor ko siya dahil tinulungan niya ako.. tinulungan niya akong pulutin ang panyo ko.

Yung mga kausap ko pala ay yung mga bestfriends ko.. sila Laine, Gail, at Rea. Mababaet sila.. lagi nila akong tinutulungan.. pag nadapa ako iiyak ako tapos sasabihin nila na iiyak ko pa daw dahil ganun talaga kapag masakit.. umiiyak dapat. Mga ganung bagay ba.

Sa ngayon nagdedecide kami kung saan kami kakain. Yung sa murang restaurant lang.. dahil nga nagtitipid kami para makabili ng damit.. naubos kasi yung pera namin kakabili ng materials pang drawing eh yan tuloy ang cheap namin ngayon.

"Mag-Angel's burger nalang kasi tayo tig-25 lang buy 1 take one pa." -gail

"ihhh! Tatlong buwan na natin yun kinakain tuwing tanghali, iba naman." -Rea

"Diyan nalang sa karinderia tig-35 lang." -Gail

"ihhh!!!" sabay sabay naming tatlo

"bibili pa tayo ng tubig.. edi mahal din.. nag jollibee na lang sana tayo tig-50 lang." -Rea

"Ayaw niyo naman kasi sa Jollibee, McDo saka KFC.. Mag Inasal na lang tayo mura din naman dun.. may tig-50." -Laine

kaya sa huli nag Inasal kami at bumili ng chicken legs with unli rice sa halagang Php 107.00.. dahil nagtitipid kami di na kami umorder ng drinks.. tubig na lang..

habang kumakain kami.. biglang may umupo sa tabi ko.. mageeskandalo na sana ako eh.. siyempre ikaw ba naman ang tabihan ng hindi mo kakilala. Masyado akong maganda para tabihan ng kung sinu-sino lang. Pero pag harap ko napatunganga nanaman ako dahil ang tumabi pala ay si Kobi.. ang prince charming ko at husband-to-be.

"Dito pala paborito mong kainan ah. Sayang dapat napaaga ako ng konti para ittreat ko nalang sana kayo." -Kobi

Humigawd! Ang yaman-yaman din pala niya..

"Ah hehe.. okay lang.. afford din naman ng budget namin na kumain dito eh. ^_^. Sila nga pala mga friends ko sila Rea, Laine at Gail."

"Hi!" sabay sabay nilang bati.

"Hello din.. tutal medyo patapos naman na kayong kumain mauna na ako.. basta ah.. next time ittreat ko kayo. " -Kobi

"Ay naku wag na.. nakakahiya." -sabi nilang tatlo

"Talaga ittreat mo kami?" -ako

"Oo naman.. pag sabay sabay tayong kumain ittreat ko kayo.. ganun naman dapat di ba.. lalaki ang nagttreat sa babae. Sige ah see you next time!" -Kobi

Langya talagang buhay to oh! Hindi ko naisip na ngayong college ko pala makikita ang love of my life ko.

Alam ko naman na gusto din niya ko eh. Kasi nag-eeffort siyang makilala ang mga friends ko tapos ililibre pa niya kami. Yun ang tunay na gentleman.

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon