Chapter 10

11 1 0
                                    

Ica's POV

"Ica linisin mo na rin yung sa table dun. Bakante naman na. Bilisan mo rin at maraming customers na naghahanap ng mauupuan."

Sabi yan ng isa sa mga katrabaho ko. Nandito ko sa isang fastfood chain. Nagtratrabaho bilang janitress. Kasi napagisipan ko yung sinabi ni Laine na..

'Kung gusto mong tulungan yang 'mahal' mo, humanap ka ng ibang paraan.'

Tapos nakausap ko pa si Kobi. Okay lang naman sa kanya na hindi ko siya matulungan.

*flashback*

Nandito ako ngayon sa labas ng classroom kung saan nagklaklase si Kobi. Kasi nga gusto kong humingi ng sorry sa kanya dahil hindi ko siyamapapautang.

Mga 2 hours na siguro ako naghihintay dito sa labas.

Hindi naman sa stalker ako kaya alam kong ito ang classroom niya. Well... syempre dahil meant to be kami, instinct ko na yun na maramdaman na dito yung classroom niya. Feel na feel ko talaga eh.

At sa wakas after ilang years ng paghihintay, lumabas na silang magkakaklase.

Ayan na.. ayan na siya.. makikita ko na ulit ang prince charming ko. Feel na feel ko nang palabas na siya eh.

"Ica beyb! Long time no see. Namiss kita ah. Siguro kaya mo ko hinihintay kasi gusto mo rin akong makita no? Miss mo na rin ako no?"

Nakakainis naman feel ko na palabas na si Kobi eh. Tapos itong walangyang kulogong Dodong na ito pa ang nauna. Ang kapal naman ng feyz!

"Pwede ba Dodong wag ka ngang pilingera. Hindi ikaw ang pinunta ko dito no!.... Teka.. kaklase kita bakit nandito ka sa klase ng mga third year?" -ako

"Ayieee... kinikilig naman ako Ica beyb curious ka talaga sakin no?"

"Hindi no! saka---"

"Ikaw na naman!? Di ba sinabi ko na sayo na wag na wag kang lalapit kay Ica?!"

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng dumating si Kobi. At ito namang si Dodong na duwag biglang tumakbo.

Tsk. tsk. tsk.

Sabi na eh. Walang panama si Dodong kay Kobi KO.

Speaking of Kobi. Napansin kong nung nakaalis si Dodong sumaya siya. Lumiwanag ang mukha niya.
Sabi na eh. Gusto din talaga ko ni Kobi.

"Hi Ica! Kumusta? May mapapautang ka ba sakin?" -Kobi

"Ah.. Kobi kasi... yun nga yung pinunta ko dito.. pasensya na wala kasi akong pera eh. Hindi naman ako makahanap ng ibang pwedeng makatulong sayo." -ako

Napansin kong medyo nalungkot siya.

"Ganun ba Ica? O sige.. wag na lang. Pasensya na naabala pa kita."

Nakonsensya naman ako. Pumayag akong tutulungan ko siya tapos ngayon hindi na.

"Kung gusto mo maghahanap ako ng ibang paraan para matulungan ka." -ako

"Talaga Ica? Nakakahiya naman sayo....." -Kobi

"Hindi... wala yun.. basta tutulungan kita." -ako

"Ica thank you ah. Dabest ka talaga!"

*end of flashback*

Dabest ka talaga!

Dabest ka talaga!

Dabest ka talaga!

Ahihihi! My gulay! Dabest daw ako sabi ni Kobi. Sabi na eh. Patay na patay talaga sakin yun.

"Miss Dimacalacad!!"

Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumigaw sa likod ko. Nang humarap ako, nakita ko na yung manager namin ang tumawag sa akin.

Masabaw na gravy!!

Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho!! Paano na lang ang kinabukasan namin ni Kobi?!

"Miss Dimacalacad." Mas mahinahon niyang pagsasalita.

"Sa trabahong pinasok mo, hindi pwede yung gumagawa ka ng sarili mong mundo. Kaya sana hindi na muulit ang nangyari ngayon. Maliwanag ba Miss Dimacalacad?"

"Opo."

"Oh, and by the way, may bago ka nga palang kasama. He's Brayan." Sabay lingon sa may likod niya.

OMG! I can't believe this!

Oh wait. I believe this pala. Syempre alam ko naman na hindi ako matitiis ni Kobi at sasamahan niya ko mag work no!

And you heard it right. Si Kobi ang magiging kasama ko.

"Ah.. Kobi.. kumusta? Bakit mo naman naisipang magtrabaho din dito?" -ako

"Syempre Ica.. nakakahiya naman kasi sayo na nagtratrabaho ka para mapahiram ako ng pera. Tapos ako walang ginagawa." -Kobi

"Wala lang yun.. gusto ko din naman magtrabaho eh. Para may pakinabang naman ako. hehe." -ako

Syempre kailangan pademure kunwari. Dapat mabait para matuwa pa sakin lalo si Kobi.

"Grabe Ica ang bait mo pala talaga. And kaya ko din gustong magwork para masamahan ka naman dito. Nakakahiya na kasi talaga sayo eh."

OMG!!! Gusto talaga niya ko makasama.

Ahihihi! Konting push na lang, magiging kami na.

Libre Maging Tanga Wag Lang Araw-arawinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon