SOL'S PoV
At first, akala ko simpleng awa ang nararamdaman ko para sakanya, Pero mali pala ako..
Araw-araw ko siyang nakikita, nakakasabay sa pagpasok at pag-uwi pero para bang ibang tao lang ako sakanya. Oo Magkakase kami at magkatabi ang upuan namin pero bakit parang ang layu-layo niya?
"Tol, iistorbohin muna kita sa moment mo ha, ilo-lock ko na kasi tong room baka namang may balak kang umuwi na?" sabi ni Jake, isa sa mga kaklase ko. "Ako na bahala sa room, umuwi ka na. May hinihintay pa kasi ako." walang ganang sabi ko sakanya. Tumango na lang siya at tahimik na ibinigay sakin yung susi saka umalis.
Huminga na lang ako ng malalim at tumunganga sa bintana. Ewan ko ba kung bakit parang badtrip ako ngayon. Wala namang nantrip sakin kanina...
except sa kanya
Pero hindi naman siya nanti-trip e. Sa katunayan sinabi niya lang ang totoo.
Ang pakialamero ko kasi. Hindi naman ako ganito dati, sa totoo nga lang nawawala agad ang interes ko sa mga bagay-bagay. Pero bakit ba pagdating sa kanya, nagiging curious ako?
Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang inis.
Tae, inlove na ba ako sakanya?
Hindi pwede! Ba't ako maiinlove sa taong mas dense pa sa bato? Sa taong parang tinungga ang isang boteng anesthesia sa sobrang manhid. Sa taong may pusong yelo...
Napasabunot na lang ako uit sa sarili kong buhok dahil sa inis...
Naiinis ako sa sarili ko..
Sinarado ko na agad ang room bago ko pa maisipang maglas-las doon. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sakin sa hallway. Syempre, alas singko y media na ng hapon kaya wala ng masyadong tao dito sa school. Ako na lang siguro ang nandito sa school.
Pati siya
Wala sa isip ko pero dinala na lang ako ng mga paa ko sa Student council's room. As usual, nakita ko na naman siyang natutulog. Tigas din ng ulo nito e, sinabi nang kung gusto niyang matulog, doon siya sa bahay niya.
Kaso, alam kong nakatambak ang responsibilidad niya sa bahay. Siguro mas okay na rin na dito muna siyang magpahinga.
Panganay siya sa 7 magkakapatid. Namatay ang Mama at Papa niya last year at ngayon, Auntie niya lang ang tumutustos sa gastusin niya. Naiwan sa kanya ang responsibiidad ng pagiging Ina at ama. Idagdag mo pa na siya ang student council president. Ewan ko ba kung paano niya napapag-sabay ang lahat. Dahil sa kabila nito, ni minsan hindi ko pa siyang nakitang magreklamo. Ni minsan hindi ko pa siyang nakitang umiyak.
Ilang minuto na ba akong nakatitig sa kanya mula dito sa labas. Pucha, nagiging corny na talaga ako at dito ko pa talagang naisip na magdrama.
Wala sa isip na pumasok ako sa loob ng student council's room. And for the nth time, I just stared at her sleeping face. Napaka-aliwalas ng mukha niya na para bang wala siyang dalang problema.
Sana ganito na lang siya araw-araw
Bigla namang nag-flashback yung sinabi niya sakin kanina.
Tinatanong ko lang naman kung ano yung problema niya para kahit papaano, makatulong ako sa kanya. I can't stand seeing her like that. na para bang pasan niya ang problema ng buong mundo.
Kaso ang epic din ng sinagot niya e.
"Walang pakialamanan ng buhay. Problema ko 'to kaya ako dapat ang umayos dito."