🔸Chapter 12 of Playboy is Inlove For Real🔸
"You're smiling while looking at me..."
Maya't maya naaalala ko yung sinabi niyang 'yun.
Totoo nga kayang...
Totoo nga kayang nakangiti ako habang nakatingin sa kanya?
Bakit naman kaya ako nakangiti samantalang tinitignan ko lang naman siya dahil nacutan--
Teka... Ibig sabihin... kaya ako...
Kaya ako nakangiti dahil nacutan ako sa kanya habang nagbabasa siya?
Para akong sira na umiiling iling mag isa sa tambayan namin dahil sa mga naiisip ko.
Oo, mag isa lang ako dito dahil pagkagaling ko sa library kanina ay dito na ako dumeretso dahil wala ako sa mood pumasok sa next subject namin.
Pero di ko kasi talaga maimagine na ako? Ang nag iisang Jeon Jungkook? Ang nag iisang gwapong playboy ng school na 'to? Biglang ngingiti nang dahil lang sa nacutan ako sa kanya?
Napahawak na lang ako sa noo ko habang pilit na iniimagine na ginagawa ko yun. Di ko kasi talaga maimagine eh.
Aish! History time na. Kaklase ko dun si Jessica. Makapasok na nga lang dun kahit tinatamad ako -,-
~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*
Busy na nagdidisscuss yung teacher namin samantalang ako, eto, nagtutulog tulogan kasi boring talaga eh. Lalo na't english subject na 'to at last na rin to bago mag uwian.
And katabi ko nga pala siya ngayon. Pero siya busy na nakikinig sa teacher namin.
Iniangat ko naman yung ulo ko saka siya nilingon.
"Pssst!" tawag ko at lumingon naman siya.
"Bakit?" pabulong na tanong niya.
Pero di ako sumagot kaya bumalik ang tingin niya sa lesson.
"Pssst!" tawag ko ulit.
Nilingon naman niya ulit ako.
"Bakit nga?" pabulong na tanong nanaman niya.
Pero di ulit ako sumagot kaya bumalik ulit yung tingin niya sa lesson.
"Pssst!" tawag ko nanaman pero di siya lumingon.
Tinawag ko ulit siya pero di na siya lumingon.
This time kinalabit ko na siya kaya nilingon na niya ako at gamit ang nanlilisik na mga mata niya.
"Ano nga?!" mahinang sigaw niya.
Pero di ulit akong sumagot kaya nagsalita ulit siya.
"Baliw ka ba talaga? O sadyang malakas lang trip mo?" pabulong na sabi niya.
Pero bago pa man ako makasagot ay bigla kaming sinita ng teacher namin.
"Ms. Jung and Mr. Jeon! What are your topics there?" galit na tanong niya.
Di ako sumagot kaya si Jessica ang nagpaliwanag and its a lie.
"Ummm... mam, he's just asking something." sagot niya pero mukhang di naniwala si mam.
"And what is that 'something'?" medyo kalmado na niyang tanong.
Magsasalita na sana ako kaso si Jessica nanaman ang sumagot.
"Mam, its related to our topic, right?" saka niya ako nilingon at ganun din si mam.
"Is it true, Mr. Jeon?" sabi ni mam.
BINABASA MO ANG
Playboy is In-love For Real: A Jungkook's Fanfic
Fanfiction[BTS Jungkook Fanfic] Posibleng bang mag seryoso ang isang playboy? Eh pano kung mahanap niya ang kanyang katapat? Isang babaeng kahit anong gawin niya, hindi niya mapafall sa kanya. At dahil dun, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong ang isang... ...