Chapter 19

1.7K 52 11
                                    

🔸 Chapter 19 of Playboy Is Inlove For Real 🔸






Jungkook's POV




10:43 pm




Napahinga ako ng malalim saka napatulala sa isang halaman na nasa harapan ko ngayon.




Napansin kong nakatingin din doon si Jessica. Ano kayang iniisip niya? Si Venedict nanaman kaya?




Tinignan ko naman siya. Mukhang malalim yung iniisip niya. Pero... yung nangyari kanina. Di ko alam pero yung pagsigaw niya kanina at kung papano siya nagmamadaling tulungan ako parang...




Parang iba. Yung tipong... more than sa pag aalala? Parang ganun. Di ako umaasa pero parang nag iiba na kasi siya.




Ewan. Di ko maipaliwanag ng maayos eh. Maya maya ay napansin kong tumayo siya.




"Ahm... Jungkook, magpapahangin lang muna ako sa labas." sabi niya saka na siya nagsimulang maglakad.




Pahangin? Mahangin naman dito ah? Malamig rin dito. Eh bakit kaya siya lalabas pa para magpahangin.




Nagkibit balikat naman ako saka siya sinundan sa labas. Nakita kong nakatayo lang siya doon at nakatingin sa mga butuin sa langit.




Napangiti naman ako dahil nung bata ako, gawain kong tumingin sa mga butuin sa langit kapag nalulungkot ako o kaya naman kapag may problema akong di ko maresolba. Nilapitan ko siya.




"Ang ganda talaga ng ayos ng mga butuin sa langit noh?" biglang sabi ko at napansin kong napatingin siya sa akin.




"Ah o-oo nga eh." mahinang sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin.




Nilingon ko naman siya bigla kaya nahuli kong nakatingin pa rin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Pero bigla rin siyang umiwas ng tingin.




"Ahm... J-jungkook sa tingin ko d-dahil sa kalagayan mo eh d-dito ka muna s-siguro m-matulog." utal utal niyang sabi saka na siya pumasok sa loob.




Eh? Bakit...




Bakit parang bigla siyang nautal utal siya at di mapakali?





~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*













Aigoo~ namiss kong tignan ang sunrise habang nagjo-jogging ako sa malawak na lugar na to.




Oo. Nagjo-jogging ako ngayon at kasama ko si Jessica. Pagkatapos daw kasi nung nangyari kagabi, mabuti ng magjogging kami para medyo makalimutan namin yun.




Pero alam kong hinding hindi niya basta basta yun makakalimutan. Alam ko yun. Basta alam ko yun.




Pero aish! Gutom na ako. Alas-kwatro pa lang ata gising na kami at nagjo-jogging na kami pero magmula nun di pa kami nakain.




Di pa naman ako sanay na hindi kumain. Hoy! Kahit ganun, pinapanatili ko pa rin naman yung sexy body ko noh?




Maya maya ay nakita kong napatigil sa pagjogging si Jessica at umupo sa isang bench na malapit doon. Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa tabi niya.




Parehas nanaman kaming tahimik. At parang laging may malalim na iniisip.




"Gusto mo kain muna tayo?" biglang tanong niya at tumango naman ako.




Playboy is In-love For Real: A Jungkook's FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon