Chapter 1

4.7K 163 33
                                    

Sorry po kung ngayon lang nakapag update. Masyado pong maraming ginagawa sa school eh hehe.


Dedicated po sayo kasi ikaw yung unang nagvote po ng story ko at unang nag comment atsaka sabi mo bet mo yung ganitong story hehe. Sorry sa pag hihintay ^-^ hope you like it hihi ^.^


____________________________________________


🔸Chapter 1 of Playboy is In-love For Real🔸



Jungkook's POV



"Hi Jungkook!"


"Good morning Jungkook!"


"Jungkook, i love you!"


"Omg! Hi babe!"


Yan lang naman yung lagi lagi kong natatanggap sa tuwing maglalakad ako sa hallway na yun papunta sa classroom ko.


Tss! Nagtataka siguro kayo noh? Ako lang naman ang pinakagwapo sa school na to. Ang laging tinitilian at kinababaliwan ng lahat ng students dito.


Pero dahil medyo mabait pa ako ng konti, nagtitira ako para sa mga kagrupo ko.


"Aish! Grabe ka naman Jungkook, magtira ka naman para sa amin ba?!" sabi ni Jimin sa akin.


Tumawa naman ako. Ano bang magagawa ko? Tsk! /pogi pose/ I'm too handsome.


Tinapik ko na lang siya sa balikat niya.


"I'm sorry Jimin, pero mas gwapo kasi ako sayo eh." sabi ko saka naglakad ng mabilis.


Skip class kami kaya papunta kami ngayon sa pwesto namin sa likod ng Senior High Departmet.


Pinauna ko muna sila kasi may kukunin lang ako sa locker ko.


Habang naglalakad ako papuntang locker room, may nakasalubong akong babae.


Eh?


Bakit hindi siya bumabati sa akin?


Nakakapanibago ah? Halos lahat ng babae sa school na makakasalubong ko, bumabati at tumitili pero bakit tong babaeng to ay hindi?


"Hi! Good morning!" using my seductive voice.


Pero no comment ang natanggap ko.


Eh?


Tss! Nahihiya pa siya.


"Tss!" sabi ko pero wala pa rin siyang imik. "Alam mo, wag kang mahiyang tumili at batiin ako. Alam kong gusto mo akong yakapin kaya for you, beautiful young lady, may free hug ka mula sa akin."

Playboy is In-love For Real: A Jungkook's FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon