🔸 Chapter 20 of Playboy is Inlove For Real 🔸
Jessica's POV
Nandito ako ngayon sa isang restaurant kung saan sinabi ni Venedict na magkikita kami.
Yes. Today is the day. The day where i need to choose.
Maya maya ay nakita kong may pumasok sa pinto ng restaurant at si Venedict na ang dumating.
"Hey!" bati niya sa akin saka ngumiti. Ngumiti rin ako bilang sagot. "Musta?"
Di ako nakasagot. Di ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, kung ano ang desisyon ko.
"Ayos lang." mahinang sabi ko saka napaibaba ng tingin sa table. Nakita kong umupo na si Venedict saka um-order.
Nang makaalis na yung waiter ay saka bumalik sa akin ang tingin niya.
"Jessica... gusto ko lang malaman mo na..." sabi niya saka ngumiti ulit sa akin. "...di na kita tatanungun tungkol sa desisyon mo."
Agad akong napatingin sa kanya. Ha? Bakit? Anong sinasabi niya?
Nakatingin lang ako sa kanya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Alam mo kasi... narealize kong di ko na dapat ipagpilitan ang sarili ko sayo. Alam kong mas lalo ka lang nasasaktan sa tuwing kasama mo ako and... ayaw ko yun. Look... i do love you. For real. Pero... i know that... meron ng isang taong may mas malaking puwang sa puso mo."
May malaking puwang sa puso ko? Sino naman yun?
"Sino?" tanong ko. Ngumiti ulit siya.
"Its... Jungkook." sagot niya saka napatingin sa labas. "We both know that you have feelings for him. But the problem is... hindi mo pa alam. Its because ayaw mong magmahal ulit. Ayaw mong buksan ang puso mo para sa iba. Jessica... hindi pwedeng habang buhay sarado yan. Pano ka magiging masaya kung ayaw mong sumaya? Jessica, makinig ka. Sundin mo ang puso mo hindi yung puro isip ang pinapairal mo. Trust me. Napagdaanan ko yan sayo. Mahal mo na si Jungkook."
Di na ako nakapagsalita pa. Totoo kayang...
...mahal ko na si Jungkook?
Yun kaya ang dahilan kung bakit... sa tuwing kasama ko siya, sa tuwing lumalapit siya, ay bumibilis ang tibok ng puso ko?
Yun din kaya ang dahilan kung bakit... bigla akong naluha ng makita kong paalis siya kahapon?
Yes. Hindi naman talaga ako agad na umakyat sa kwarto ko. Nagtago lang muna ako dun dahil natatakot akong baka masabi ko sa kanya na... baka mahal ko siya.
At hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo yung luha ko habang naglalakad siya paalis.
"Venedict... sa tingin mo ba... kung pupuntahan ko ngayon si Jungkook sa dorm niya at sabihing mahal ko siya, tatanggapin niya kaya? Matapos ng mga masasakit na sinabi ko sa kanya kahapon?" tanong ko.
Bago makapagsalita si Venedict ay dumating na yung order namin. At nang makaalis na yung waiter ay saka na siya nagsalita ulit.
"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong din niya.
"Nakapagsalita kasi ako ng masakit na salita sa kanya kahapon eh. Nasabi kong wala siyang puwang sa buhay ko." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Playboy is In-love For Real: A Jungkook's Fanfic
Fanfic[BTS Jungkook Fanfic] Posibleng bang mag seryoso ang isang playboy? Eh pano kung mahanap niya ang kanyang katapat? Isang babaeng kahit anong gawin niya, hindi niya mapafall sa kanya. At dahil dun, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong ang isang... ...