🔸Chapter 16 of Playboy is Inlove For Real🔸
Kinabukasan...
"So class... this friday we will be having our early Christmas ball. All the students are required to wear any red outfits." sabi ni mam.
Early christmas ball?
"Eh mam meron ba yang partner?" tanong nung isa kong classmate. Tumango naman si mam.
"Yes. Kailangan doon ng partner. Don't worry. Sa friday pa naman yun eh. May ilang araw pa kayo para makahanap ng partner at perfect outfit para sa ball." paliwanag ni mam.
Party? Parang ayaw kong pumunta. Tsaka... noon pa man di ko na gustong pumunta sa mga ganyan. Maya maya pa ay nag ring na yung bell.
"So that's all. Class dismissed." saka na siya lumabas ng room. Lahat ng classmates ko ay nag ayos na ng gamit at ganun na din ako.
Habang naglalakad ako ay may biglang tumawag sa akin. Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses na yun at nabigla ako dahil si Jungkook ang tumawag.
"Hey." maikling sabi ko. Ngumiti naman siya. "Bakit mo ako tinawag?"
Ngumiti lang ulit siya. Tinitignan niya lang ako for about how many minutes bago siya nagsalita.
"Diba... sa friday na yung early christmas ball?" tanong niya. Tumango naman ako at isang ngiti lang ang sinagot ko. "So... ummm... pwede ba kitang--"
"Jessica! Hey Jessica!" biglang sulpot ni Venedict kaya di natuloy ni Jungkook yung sasabihin niya. Sabay naman kaming napalingon sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"May partner ka na sa ball?" tanong niya.
Umiling ako. Nakita ko namang medyo napayuko si Jungkook nung sinabi iyon ni Venedict.
"Wala pa bakit?" sabi ko.
"Pwede ba kitang maging partner ko?" tanong niya.
Partner niya? Bigla namang umalis si Jungkook pero di ko na lang muna siya pinansin.
"Okay lang." sabi ko then saka ako pilit na ngumiti. Nabigla naman ako dahil bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Kita na lang tayo sa friday." sabi niya saka na umalis.
Pagkaalis niya ay agad na akong lumingon sa likod at nakita ko si Jungkook na nakasandal lang sa pader.
Pupuntahan ko ba siya para itanong yung dapat niyang sabihin kanina o wag na lang? Maglalakad na sana ako papunta sa kanya ng bigla siyang lapitan ni Sooyoung at kinausap siya.
BINABASA MO ANG
Playboy is In-love For Real: A Jungkook's Fanfic
Fanfiction[BTS Jungkook Fanfic] Posibleng bang mag seryoso ang isang playboy? Eh pano kung mahanap niya ang kanyang katapat? Isang babaeng kahit anong gawin niya, hindi niya mapafall sa kanya. At dahil dun, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong ang isang... ...