Chapter 13

1.8K 57 0
                                    

🔸Chapter 13 of Playboy Is Inlove For Real🔸








Jessica's POV






Kinabukasan...




Tahimik akong naglalakad sa street na yun papunta sa school. Napadaan naman ako dun sa dorm nila Jungkook saka napaisip.




"Basta bukas na yung sagot ko dun sa tanong mo."




Bakit nga ba siya yung naisipan kong tawagin at sabihan nun? At ano naman kaya yung sagot niya dun sa mga walang kwentang tanong ko?




Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin dun sa gate ng dorm nila. Pero agad din akong umalis at naglakad ng mabilis nang mapansing palabas sa gate na yun si Jungkook.




Di ko alam pero... bakit ba ako kinabahan at parang natarantang umalis nung makita ko siyang palabas? Pero agad din akong napatigil ng marinig kong tinawag niya ako.




"Jessica!" he said. Huminga ako ng malalim saka ibinalik sa cold na ekspresyon ko ang mukha ko.




Nilingon ko naman siya gamit yung cold na expression ko. Papalapit na siya nung nilingon ko siya. Pero ang pinagtataka ko eh... bakit ba siya nakangiti?




Oo. Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa akin. At nung makalapit na siya ay nakangiti pa rin siya.




"Hey, sabay na tayong pumasok." sabi niya. Di pa man ako nakakasagot eh agad na niyang kinuha yung bitbit kong mga libro. "Ako na magdadala nito. Baka kasi mahirapan ka pang magdala nito."




Pagkatapos nun ay hinawakan niya yung wrist ko saka ako hinila paalis. Pilit kong tinatanggal pero ayaw niyang bitawan. Ano bang ginagawa niya?




Sa huli, sumunod na lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa school.




~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*







"Kkkyyyyaaaaahhhhhh!!!"




Pagkalabas ko ng library, yang mga tiling yan ang agad na bumungad sa akin.




Eh? Bakit sila nagkakagulo dun?




Naglakad ako ng konti para makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila dun at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila.




"V-venedict..." mahinang sambit ko at mukhang narinig niya ako kaya kahit pinagkakaguluhan na siya ay nilingon niya ako.





Bigla naman siyang ngumiti and using that sweet voice, he spoke.




"Jagiya!" he said and i know that all the people around us are shocked because of what he said to me.




Akmang yayakapin niya ako ng biglang...




"Hey!" biglang sabi ni Jungkook. At nabigla pa ako ng bigla niyang hawakan yung wrist ko saka siya ngumiti kay Venedict na parang nang aasar.




Oo. Salamat na lang at dumating siya pero bakit kailangan niyang hawakan pa yung wrist ko?




I saw Venedict gritted his teeth while looking at Jungkook at ganun din siya.




"Hey Jungkook! Long time no see." sabi niya at biglang nagseryoso yung mukha nilang dalawa.




Nakakarinig na ako ng bulong bulungan mula sa mga taong nakapaligid sa amin at parang nagtataka sila sa nakikita nilang pangyayari ngayon.




Playboy is In-love For Real: A Jungkook's FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon