🔸Chapter 8 of Playboy is Inlove For Real🔸
Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumayag naman siya.
Kaya ngayon ay sinusundan ko na lang siya kung saan man siya pupunta.
Napansin ko namang kanina pa siya tahimik. Napansin ko rin na medyo malayo layo na rin yung nilalakad namin.
Maya maya tumigil na siya sa paglalakad kaya nilibot ko yung paningin ko.
Teka...
Saan to?
Nasa lakeside lang naman kami. Gala akong tao pero ni minsan ay di ko to napuntahan. Ni hindi ko nga alam na may ganito dito eh.
Umupo naman siya sa may batuhan doon. Sinundan ko na lang siya saka umupo din doon.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang kalmadong lawang iyon.
At ngayon ko lang napansin na... ang ganda palang tignan ng lawang iyon lalo na't papalubog na rin ang araw at ang liwanag nito ay narereflect sa lawa.
"Ang ganda noh?" biglang sabi niya sabay punas ng luha niya.
Nilingon ko naman siya at hanggang ngayon pa rin pala ay naiyak siya.
"O-oo. Ang ganda niyang tignan." sagot ko at nakita kong medyo ngumiti siya.
"A-alam mo ba... ito ang pinakapaborito kong lugar. D-dito kasi kami nagpunta nila mom and dad bago sila lumipad papuntang US eh. At... at..." malungkot na sabi niya saka nagsimulang pumatak ang mga luha niya.
At?
At ano?
"At?" tanong ko.
Doon naman siya napahinga ng malalim saka nagsalita.
"Nothing. Don't mind it." she said saka siya napayuko.
Simpleng 'okay' na lang ang sinagot ko kaya tumahimik nanaman ang paligid at tanging huni na lng ng hangin ang maririnig.
Bigla ko namang naalala yung babae kanina.
Sino ba yun?
Bakit kilala niya si Jessica?
At bakit niya yun ginawa kay Jessica?
Tinitigan ko lang siya for about how many minutes bago ako magsalita.
"Ummm... Jessica, sino ba yung... yung babae kanina? Bakit niya yun ginawa sayo? Magkakilala ba kayo? May atraso ka ba sa kanya? Bakit parang ang laki ng galit niya sayo?" sunod sunod kong tanong pero di siya nasagot.
Ilang minuto din bago siya nagtaas ng mukha at parang nagtatakang tumingin sa akin.
"Bakit mo naman yan tinanong ah? Tsaka... kung makapagtanong ka parang wala ng bukas." sabi niya.
Oo nga naman.
Bakit ko nga ba tinanong yun?
Jungkook... stop this.
Jungkook... you don't care.
At Jungkook... She's just one of the girls that you're playing.
Agad ko namang pinagtanggol sarili ko.
"Masama bang magtanong ha? Tsaka... kaya nga kita sinamahan para kung sakaling kailangan mo ng mapagsasabihan ng problema eh... i'm here and ready to hear your problems." sabi ko pero inignore niya lang ito.
Kumalumbaba na lang siya saka napatitig sa araw na yun na papalubog. Tinignan ko na lang din yung araw.
Naging orange na yung kulay ng paligid dahil sa araw na yun. At yung orange na yun ay kumukulay na rin sa amin.
Nasa ganung posisyon kami ng biglang mag ring yung phone ko kaya parehas kaming napalingon sa phone ko.
Yoongi
Calling...
Eh?
Oo nga pala. Naiwan nga pala silang dalawa ni Jimin dun sa bakeshop.
Sinagot ko naman ito.
"Hello?" i said.
"Hoy! Jungkook! Nasan ka ba ha?! Bakit mo kami iniwan ni Jimin sa bakeshop ha?! Sumagot ka!" -Yoongi
Sa tono pa lang ng boses niya... alam ko ng galit siya.
Rinig ko namang nagsalita si Jimin.
"Aigoo! Yoongi naman... chillax dude. Kasama niya si Jessica. He's doing some moves. Oh c'mon." -Jimin
After sabihin ni Jimin yun ay nilingon ko naman si Jessica na nakatingin pa rin sa araw na papalubog na yun.
"O siya sige na. Uuwi na kami. Antayin niyo na lang ako sa dorm." sabi ko at sumang ayon naman silang dalawa.
Ibababa ko na sana yung phone ko kaso biglang nagsalita si Jimin.
"Wait! Jungkook! Saglit! Wag mo muna ibaba! May sasabihin pa ako!" -Jimin
Ha?
"Ano naman yung sasabihin mo?" tanong ko at narinig kong napahinga siya ng malalim.
"Si ano... ummm... si Taehyung kasi." -Jimin
Teka...
Si Taehyung?
"Anong meron kay Taehyung?" ang pabulong kong sabi.
"Ummm... narinig kong may kausap siya sa phone kanina at..." -Jimin
At?
"Pwede bang deretsuhin mo na ako." sabi ko kaya napalingon sa akin si Jessica.
"Si Taehyung... kausap niya si V... at narinig kong pupunta siya sa bahay ni Jessica. Jungkook... mag ingat kayo. Di maganda kutob ko kay Taehyung." -Jimin
Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niyang sinarado yung tawag.
Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Jimin.
V?
Pamilyar ang letrang yun ah?
Teka...
Ang letrang yun...
Yun yung...
Yun yung letrang binabanggit ni Jessica kagabi ah?
>=>=> to be continued <=<=<
BINABASA MO ANG
Playboy is In-love For Real: A Jungkook's Fanfic
Fanfiction[BTS Jungkook Fanfic] Posibleng bang mag seryoso ang isang playboy? Eh pano kung mahanap niya ang kanyang katapat? Isang babaeng kahit anong gawin niya, hindi niya mapafall sa kanya. At dahil dun, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong ang isang... ...