Prologue

141 13 4
                                    

WATER

Sabi nila ipinanganak daw ako habang umuulan. They were panicking that time kasi nakatira kami malapit sa dagat at matataas na ang alon doon. Kaya naman wala silang nagawa kundi ilabas ang nanay ko sa bahay namin at lumipat sa malapit na ospital kaso habang inaalalayan nila si mama palabas eh biglang sumakit ng sobra ang tyan niya kaya wala silang nagawa kundi maligo sa ulan at paanakin si mama sa labas ng bahay.

Ang hirap daw nang kalagayan nila dahil iniisip nila kung pano nila papaanakin si mama. Mabuti nalang daw mabilis daw ako nailabas.

Kaso ang ipinag tataka daw nila ay biglang tumila ang ulan at biglang sumilip ang araw sa kalangitan. Laking gulat rin nila noong tumama sa akin ang sikat ng araw at may isang baso ng tubig ang lumitaw sa harap nila at may laman ito na kaunting tubig.

Wala daw silang pag aalinlangan na ipaligo iyon sakin dahil ang paniniwala nila ay isa daw itong basbas galing sa Diyos ng Karagatan/Tubig.

Pero hanggang ngayon na teenager na ako ay hindi ako naniniwala sa kanila dahil wala naman akong ibang napapansin sa sarili ko.

Totoo nga kayang may Diyos ng Karagatan/Tubig?

Shanara Diaz

EARTH

Lumilindol, ang kalsada ay nag bibitak bitak.

Ang lupa ay umaangat.

Kumikidlat, marami itong natatamaan na gusali.

Maraming tao ang nagtatakbuhan at natataranta.

May mga umiiyak at maraming tao ang nakahandusay sa kalsada at walang malay. Sa kalagitnaan ng mga tao, nakita ko nanaman siya.

Isang tao na pinapalibutan ng kulay puting ilaw, bigla siyang lumipad papunta sa akin. Nasa harapan ko na siya ngunit di ko pa rin maaninag ng husto ang mukha nya. Gumagalaw ang kanyang bibig at para bang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko marinig. Alin man sa mga nangyayari ay wala akong marinig.

Nagising ako sa malakas na pagyugyog ng nanay ko
"Nay, napaniginipan ko nanaman siya," hingal kong sabi sa kanya at pawis pawisan din ako
"Hudyat na talaga yan anak." Yan lang ang sinabi niya bago ako abutan ng isang baso ng tubig at lumabas na ng kwarto ko.

Araw-araw ko napapanigipan iyon at sa araw-araw na iyon ay iba-iba ang lugar ng pinangyayarihan. Bata pa lang kasi ako ay nananaginip na ako ng ganon. At lagi rin may sinasabi si nanay tungkol dito na hindi ko naman maintindihan.

Tungkol sa mundo ang laging kong napapaniginipan at laging sumisingit dito ang isang taong binabalutan ng puting ilaw.

Evan Santiago

FIRE

Nag karoon daw ng isang malaking sunog sa ospital na kinalalagyan ko habang binabantayan ako ng nanay ko dahil naka incubator daw ako. 8 months daw siya sa akin nung ipinanganak niya ako kaya naman kailangan ko pang mamalagi doon ng isa pang buwan.

Nagtawag daw siya noon ng doktor para asikasuhin ako, na nasa loob pa rin ng incubator. Sa tagal niyang nag tatawag habang natataranta ay umabot na sa floor na iyon ang sunog kaya naman binuksan na ni mama ang incubator at umamba na kukunin ako pero may bigla daw humatak sa kamay niya at hinila siya papalayo sa akin.

Nag pupumiglas daw siya sa kamay ng taong iyon at sinabing may sanggol pa sa loob nung incubator. Nang nilingon niya ang taong iyon, isa pala iyon sa fire fighters na rumerescue.

Sigaw siya ng sigaw hanggang sa nailabas na sya sa building, nahihirapan na daw siyang huminga that time at may mga paso na siya sa katawan niya pero nagawa niya pa rin ireport sa iba na may sanggol pa sa palapag na iyon.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang mga rescuers na umakyat sa floor na iyon. Isang babae at isang lalake ang umakyat sa floor na iyon para kunin ako sa incubator. Ngunit nagulat daw ang dalawa ng nakita nilang linalamon na ako ng apoy kaya naman nag madali silang kunin ako. At nung oras na hawakan ako ng babaeng rescuer ay biglang nawala ang apoy na bumabalot sa akin.

Isa pang misteryo para sa kanila na sa oras na iyon ay mahimbing lang daw akong natutulog at para bang hindi nasunog ang telang bumabalot sa katawan ko habang nilalamon ako ng apoy.

Hindi ko lubos maisip na ganun pala ang sinapit ko noong sanggol pa lang ako. Inaasahan ko na may mga marka ako sa katawan na maaaring dulot ng apoy na bumalot sa akin. Pero wala! Wala ni isa.

Himala ba ang nangyari o sadyang may pumrotekta lang sa akin?

Erica Villafuente

AIR

Lumalakas nanaman ang hangin. Laging nalang ganito kapag nagagalit ako or may matinding nararamdam. Alam ko naman na sa sarili ko na may kapangyarihan ako. Dahil bata palang ako ay minulat na ako ng mga magulang ko sa totoong pag katao ko.

Ewan ko ba pero para sakin weird at cool ang mag karoon ng powers. Pero hindi ko naman alam na may mga kapalit ito pag ginamit ng sobra sobra.

Oo nga at may powers ako, pero kulang naman ako sa pag kalinga ng mga magulang ko. Oo lagi sila nasa tabi ko, pero hindi para alagaan ako, kung di para alagaan ang kapangyarihan ko. Kapangyarihan na hindi ko naman alam kung kelan ko magagamit!

Tinuruan nila ako kung paano i-handle ang kapangyarihan na ito. Natuto rin ako na magseryoso sa buhay ko ng dahil sa mga turo nila.

Naturuan nga nila ako, kulang pa rin naman ako sa pag mamahal!

Rozen Valdez

SPELLS

Mahilig ako mag basa ng libro, mga libro na tungkol sa mga nakakalasong kemikal, at libro na tungkol sa mga curses o spells. Ewan ko ba pero may mga nakikita akong ganun na libro sa bahay namin at hindi ko alam kung saan galing ang mga iyon.

Wala pa daw akong isang taon ay lagi na ako nag hahanap ng libro at binubuklat ang mga iyon. Lagi rin daw akong nag papabasa ng mga libro kahit hindi ko pa naman daw iyon naiintindihan dahil masyado pa akong baby sa mga panahon na iyon.

Well, wala namang problema si mama sa mga pag babasa ko ng librong tungkol sa kemikal. Maliban nalang sa pag babasa ko ng mga libro about sa spells at curses.

Ewan ko ba pero humaling na humaling ako magbasa ng mga ganun, feeling ko kasi pag nag babasa ako ng mga ganun ay nag kakaroon rin ako ng power na makapag curse ng ibang tao. Although alam kong masama ang mag curse.

Basta ang alam ko ay halos mamemorize ko na ang mga curse line sa mga librong binabasa ko at ang mga kahulugan nito.

Cassandra Valderama

---

Hello guys! Support me dito sa new story ko.
This will be the first fantasy story na gagawin ko. Kaya sana maging successful ito.

-Ms.K

2 April 2016

Adeona Academy (On Hold)Where stories live. Discover now