AA: 5
Classes"Tara na at history class na natin." Pagyayaya sa amin ni Shana.
After ng nangyari sa akin sa training day namin naging normal naman ang lahat. Sabi nila nawalan daw ako ng malay ng dahil dun sa liquid na dinura nung ahas sa mukha ko. After that dinaluhan nila ako at binuhat ako ni Evan hanggang sa maka alis sila sa lugar na iyon.
Hanggang sa nagising na lang ako sa loob ng hospital ng academy. After nilang ikwento iyon sa akin ay nag sorry talaga ako ng todo ng dahil sa pagiging pabigat ko. Ani nila ay hindi naman ako naging pabigat, okay lang daw iyon dahil unang beses ko pa lang naman sa training.
Kakadating ko lang naman kasi sa academy na ito tapos kinabukasan training agad! Hindi ko naman magawang mag reklamo kasi kabago-bago ko dito ay mag rereklamo agad ako.
Tinanong ko rin sa kanila kung nasaan na yung rabbit na nakuha namin, sabi naman nila ay pina iwan muna nila sa isang Phoad student. I need to get my rabbit as soon as possible.
Anyways, nandito na kami sa hallway papuntang history class namin. Sa tingin ko nakakaboring iyon dahil lima lang kami sa subject na iyon at wala nang iba pang kaklase.
Si Ms. Joy ang teacher namin sa history class, pina kilala na sa amin kahapon ang mga magiging teacher namin. At maging sila Shana ay hindi sila kilala maliban nalang kay Sir. Jeff na naging teacher na nila noon. Ang isa naman ay si Ms. Riella na bagong teacher lang din dito.
"Good morning my Ixna students." Maligayang bati niya pagkapasok namin sa classroom.
Ixna?
Isa isa kaming pumasok habang binabanggit ang name namin.
"So, let's start?" Aniya at binuklat ang librong nasa harapan niya na galing sa library.
"This academy was named after the goddess of journeys, Adeona. It is believed that the founder of this academy was the first love of Adeona. Isang mangangaso ang first love ni Adeona, at dahil sa pag alis alis ng kanyang asawa ay lagi niya itong binibilinan na maging ligtas. After 6 years of living together, si Adeona ay namatay kasabay ng pag buo ng academy'ng ito. Adeona was buried right exactly at the middle of the school where a fountain and statue of her can be found. After that she was declared as the goddess of journeys or safe return." Tumigil siya at uminom muna ng tubig.
"So moving on, the students in Adeona Academy are called Phoenix which means a bird that built its own pyre and then was reborn from the ashes. Phoenix students are divided into three; Phoad, Eneo, and Ixna. The name of the divison comes from the word Adeona and Phoenix. Phoad students are the ones who have a normal skill and they can't go under hard trainings. They are described as the second lower rank next to normal people on the mortal world." Sinisigurado ko na tumatatak sa isip ko ang lahat ng sinasabi niya dahil baka mag bigay ito bigla ng surprise quiz.
"Kylie is one of the Phoad students." Ani Shana sa tabi ko.
Oh I remember her, the girl who can read stats in just one look.
"Next is Eneo, sila yung mga students na kasali sa army natin. Most of them are boys. May army tayo para may p-protekta sa base ng school natin. Mostly sila yung mga sini-send sa labas ng academy para mag masid sa paligid at para itaboy ang ibang mangangaso na napapadpad malapit sa lugar ng academy." Okay. Wala ako ma say kasi di pa ako nakaka encounter ng isang Eneo student.
"Lastly, the Ixna students at kayo iyon. Ixna ang mga students na may earth element at sila ang tinuturing na pinaka malakas sa na unang dalawang division. As we all know, four lang ang earth element at nakaka pag taka dahil lima kayo." Sabi niya at tinignan ako. Oh Miss, don't look at me like that.
YOU ARE READING
Adeona Academy (On Hold)
FantasyWelcome to Adeona Academy where students have different abilities, different attitudes, and different beliefs. Normal students are not allowed to enter this Academy. If you think you have an ability, then this is the right school for you. Enjo...