AA:3

43 6 2
                                    

AA: 3
Adeona Tower

"Ang tagal niyo." Yan ang una naming narinig galing kay Rozen pag dating namin sa harap ng Adeona Tower.

Adeona tower daw ang tawag sa tower na ito. Ito ang pinaka mataas na building sa buong academy. Dito rin daw namamalagi ang punong guro. Lumalabas lang ang punong guro kapag may sasabihin siya sa buong studyante ng academy. Ang tower na ito ay nag sisilbi niyang tahanan. Iilan lang din ang nakakapasok sa tower na ito. Pero silang apat daw ay nakapasok na dito ng ilang beses.

Nakaka excite tuloy pumasok, makaka bilang ako sakanila na nakapasok na dito.

Binuksan na ni Rozen ang pinto. Wala akong maaninag na kahit ano dahil madilim sa loob. Bakit titira ang isang punong guro sa ganito kadilim na lugar?

Bigla naman akong tinulak ni Shana papunta sa loob. Ang hilig nito manulak!

"Ano ba?" Sabi ko.

"Tinulak na kita kasi mukhang wala kang balak pumasok." Sabi niya ng diretso sakin.

Di ko nalang siya pinansin at nag patianod sa tulak niya.

Nang nakita ko na ng tuluyan ang loob ng tower ay bigla akong namangha! Medyo maliwanag pala ito sa loob, sapat lang ang liwanag para magkakitaan kami ng mga kasama ko. Pero hindi ito kasing liwanag ng mga ilaw, actually walang ilaw sa loob. Siguro isang magic?

Naglakad pa kami ng konti paharap at dun ko nakita ang isang spiral na hagdanan.

"A-aakyat tayo d-diyan?" Nanginginig kong tanong.

"Oo, mataas pa iyan. Kaya tara na!" Sabi ni Shana at hinawakan ang pala pulsuhan ko.

Tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa akin at umupo nalang sa isang gilid.

"Mauna na kayo, mag hihintay nalang ako dito." Sabi ko.

"Ha? Bakit naman? Kailangan mo sumama sa taas." Ani Shana.

"Mauna na kayo ako na bahala dito." Sabi ni Rozen.

"Sige! Siguraduhin mong aakyat yan ha?" Sabi ni Evan at tuluyan na silang umakyat.

"Takot ako sa spiral na hagdan. Wag mo na akong pilitin, mauna ka na dun." Pag sisimula ko.

"I won't leave you here. Umakyat na tayo."

"No. Takot nga ako!" Sigaw at tulak ko sakanya.

"Then I'll let you overcome your fear. I'm here to help kaya hayaan mo ko. Tumayo ka diyan." Bulong niya. "You need to face your fears." Dagdag pa niya.

Tama siya. Kailangan kong harapin ang mga kinakakatakutan ko. Tumayo ako at humarap sa hagdan. Namilog ang mata ko sa nakita ko. Hindi lang siya basta basta spiral na hagdan. Ito ay lumulutang pa.

Ang handle ng hagdan ay hindi mag kakadikit. Nakita ko ang mga kamay ng mga kasama namin sa malayong taas. Ang layo na nila sa amin.

"Let's go?" Lahad ng kamay sakin ni Rozen.

"Di ko talaga kaya eh." Mahinang sagot ko.

Adeona Academy (On Hold)Where stories live. Discover now