AA: 6
FreezeKulay violet. Kulay violet na ang screen ngayon na dati ay plain white, may puzzle rin ito na onti onting nabubuo.
Isang lumang libro at wand. Yan ang lumabas sa puzzle nang na buo ito.
What's with the book and wand?
'Name: Cassandra Valderama
Division: Ixna
Ability: Spells/Sorcerer
One of the most dangerous ability in the Magic World.'Yan lang ang information na nakalagay sa screen at wala nang iba pa.
Biglang naging red ang screen at may tumunog na siren. Nakakabingi! Di ko na kinaya kaya naman lumabas agad ako at dinaluhan ako ni Shana.
"Lagi talagang may siren kapag Ixna ang nasa loob ng booth na iyan! Hindi lang namin alam kung bakit pati sa buong academy ay rinig ang siren, dapat kasi ang taong nasa loob lang ng booth ang makaka rinig non!" Sigaw niya sakin habang tumatakbo kami palayo sa booth, ganun din ang ginawa ng iba pang studyante dahil ilang minuto na rin ang ingay na naririnig namin.
Sakto namang pag tigil ng siren ay ang pag harap namin sa napakaraming Eneo students. Karamihan nga sakanila ay lalake pero may iilan pa rin sa kanila ay babae. Nakatingin lang silang lahat sa akin at hindi ko alam kung bakit.
"Pinapatawag po kayo sa Library Building ni Sir Jeff." Sabi ng isang lalake.
"Okay, bumalik na kayo sa training niyo." Ani Erica bago nanguna sa pag lalakad.
Pag dating namin sa Lib. Building ay may sumundo nanaman sa amin na dalawang Eneo para gabayan kami papunta sa 3rd floor. Umupo kaming lima sa pinaka dulo na table habang ang dalawang lalakeng Eneo naman ay naiwan sa may pintuan para mag bantay.
Pagka upo namin ay tsaka ko lang naramdaman ang sakit sa binti ko ng dahil sa layo ng linakad. Habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng library ay biglang sumulpot si Sir Jeff hawak hawak ang isang makapal at mukhang lumang libro.
"Hello Ixna." Bati niya samin habang naka tingin sa akin.
Sir Jeff looks like he's in mid 30's. With his glasses he looks like a genius.
"So nabalitaan namin na may bagong pumasok sa ability knowing booth. And that is Cassandra Valderama. Am I right?" Naka tingin nanaman siya sa akin.
"Opo." Sabi ko.
"So Ms. Valderama, ibibigay ko sayo ang librong ito." Sabi niya at tinuro ang librong tinutukoy niya. "Reading this book will help you more to know what is your ability." Pag papatuloy niya at binigay na sa akin ang libro.
"For now Ixna, wala muna kayong classes for Tech and Skills class. And pina papunta rin kayo ng punong guro sa tower. That's all for today." Sabi niya at sabay sabay kaming tumayo.
Nahuli ako at si Sir Jeff sa pag lalakad. "Ikaw lang ang pwedeng bumasa ng librong iyan." Bulong niya sa akin bago kami pumasok ng elevator.
Bakit kailangan ako lang? Hindi ko ba pwedeng ishare sa iba? Tsaka mukhang mahihirapan ako sa pag babasa dahil may mga kasama ako sa dorm.
Umakyat nanaman kami sa spiral na hagdanan, of course I'm with Rozen nanaman. Tahimik lang kami habang pa akyat sa hagdan, I didn't make so much noise because I don't want him to be irritated at me again.
Akala ko first and last na yung pag akyat ko dito noon. Yun pala masusundan pa ito ng isang pang akyat. Siguro katulad nila magiging suki ako sa pag akyat baba dito. Lagi ko nang makikita ang kabuoan ng Adeona Academy.

YOU ARE READING
Adeona Academy (On Hold)
FantasyWelcome to Adeona Academy where students have different abilities, different attitudes, and different beliefs. Normal students are not allowed to enter this Academy. If you think you have an ability, then this is the right school for you. Enjo...