AA: 4
Special Day"Fuck this darkness!" Sigaw ni Evan.
"Tigilan mo nga yang pag mumura mo!" Ani Shana at binatukan si Evan.
Para nalaman ninyo, nandito na kami sa training namin. And guess what? Pinasok kami sa napaka dilim na lugar!
Naka black suit kami ngayon. Ito daw ang uniform namin tuwing training day. We look like special agents. Although we can't clearly see each other. Pero kanina naman ay may chance pa kaming makita ang isa't-isa bago pumasok dito.
"Okay. We have five flashlights all in all, gagamitin lang natin ito pag kinakailangan." Ani Erica.
Inexplain na sa amin ang lahat ng gagawin namin dito sa lugar na ito.
Binigyan kami ng tag iisang flashlight. Sabi ng academy staff kailangan naming makalabas dito ng mag kakasama. This place is called Maze of Darkness. It's a maze where we can't see anything.
They gave us flashlights to serve as our guide habang nandito kami sa loob ng maze na ito. We have 24 hours para makalabas dito. We will also encounter some creatures at kailangan namin silang labanan.
Nagulat akong sinabi iyon ng isang academy staff sa amin. Hindi ko pa alam ang ability ko. How will I help them fight? Feeling ko magiging pabigat lang ako sa kanila.
We also have a wrist watch, touch screen ito at makikita dito ang location ng isa't-isa pero isang black screen lang ito at hindi pinapakita ang pasikot-sikot sa maze, tanging mga red dot lang ang makikita dito.
"We'll go now." Ani Erica.
Evan Rozen
\ /
Shana-Ako-EricaHawak ni Evan si Shana sa pulso nito, magkahawak kamay naman kami Shana at Erica, at ang kanang kamay naman ni Erica ay nakahawak kay Rozen.
"Sandra keep close to us okay?" Tanong sakin ni Evan.
"Okay." Palagay ko inaalalayan nila akong mabuti dahil alam nilang hindi ko pa alam ang ability ko.
Patay sindi ang flashlight na hawak nila Evan at Rozen. Salitan sila mag bukas ng flashlight. Ganun daw ang magiging tactic namin sa training na ito.
"Hindi ba mapupundi yung flashlight?" Tanong ko.
"Nope. Ang staff sa Tech Dept. ang gumawa ng flashlight na iyan. Meaning hindi lang yan basta basta." Paliwanag ni Shana sa akin.
Nagpatuloy kami sa pag lalakad. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong mahigit isang oras na kaming naglalakad sa dilim.
"Tigil muna tayo saglit para kumain. Nagugutom na ako eh." Ani Evan.
"Kahit kelan talaga napaka gutumin mo!" Ani Erica sabay tulak ng konti kay Evan.
Tahimik lang ako at nag mamasid sa paligid namin. Ngayon lang naman kasi ako nakaranas ng training na ganito at hindi ko pa alam ang mga mangyayari sa mga ganitong training nila.
Unlike them sanay na sila sa mga ganitong training. Bihasa na sa mga ganito.
"Wait." Malumanay na sabi ko ng may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Siguro sense of danger talaga ang ability ko.
"What?" Tanong ni Rozen.
Binuksan ko ang flashlight ko at tinapat ito sa harapan namin. Mabilis ko rin itong pinatay. Nang binuhay ko ulit ito ay may biglang sumulpot sa harap namin. Dahilan para mabitawan ko ang flashlight na hawak ko habang nakabukas ang ilaw nito.

YOU ARE READING
Adeona Academy (On Hold)
FantasiaWelcome to Adeona Academy where students have different abilities, different attitudes, and different beliefs. Normal students are not allowed to enter this Academy. If you think you have an ability, then this is the right school for you. Enjo...