AA:7

41 6 2
                                    

AA: 7

First Task

Kakatapos lang ng History class namin at nandito nanaman kami sa market place para tumambay.

Hindi ko pa rin naipapakita kay Ms. Joy ang ability ko dahil hindi ko naman alam ang iba pang kaya kong gawin bukod sa pagfreeze ng tao sa paligid ko. Isa pa hindi ko pa rin nakikita si Sir Jeff kaya panigurado ako na mamaya sa class ko na lang siya tatanungin.

Ngayon na dala ko nanaman ang libro ay kinukulit nanaman ako ni Shana.

"Basahin na kasi natin! Gusto kong magbasa!" Parang batang nagmamaktol si Shana.

"Mas magaling ka pa sa binigyan ng libro eh! Hayaan mo nga si Sandra." Awat ni Evan.

"Oo nga. Yang rabbit na lang yung guluhin mo." Sabay ni Erica.

Binalingan ko ng tingin yung rabbit na na kuha namin kanina. Alam niyo bang pinahirapan nila ako sa pag kukumbinsi sa kanila para lang kunin ang rabbit na ito?

Ani nila wag ko na lang daw alagaan, dagdag sa kalat, sagabal lang daw sa mga gagawin namin, at marami pa silang inireklamo. Lalo na si Rozen. Ayaw na ayaw niya dahil daw kalat lang sa dorm namin kaya ang kinalabasan ay nag away nanaman kami.

Sabi ko naman sa kanila na ibibigay ko agad ito sa mga teachers. Sobrang cute lang kasi kaya kinuha ko muna siya ngayon.

"Ay! Oo nga noh? Rabbit, rabbit~" Kawawa nanaman yung rabbit ko kay Shana.

May 30 minutes pa kami bago mag Tech class. Sana naman ngayon matuloy na ang klase namin kay Sir Jeff at Ms. Riella.

Na discuss na rin sa amin kanina kung bakit ang mga mata at buhok ng students dito ay iba. Base sa ability mo ang magiging kulay ng buhok o mata mo.

Sa babae mata ang nag iiba ng kulay, samantalang sa lalake naman ay ang buhok. For example, kung si Shana ang may water ability, ibig sabihin ang magiging kulay ng mata niya ay color blue. Sa lalake naman, kung si Evan ay may earth ability, ibig sabihin ang kulay ng buhok niya ay color brown.

Sa lalake permanent na ang kulay ng buhok ganun din sa mata ng mga babae.

"Shana, tara muna sa restroom. Tanggalin na natin itong contact lens natin." Pag yaya na Erica kay Shana.

Ang sabi ni Shana sa akin kanina ay lagi silang dalawa ni Erica nag c-contant lens simula nung naging ka dorm nila ako. Nasabi rin nila sa akin na hindi sila sanay magcontact lens, nagamit lang talaga nila ito nung dumating ako.

"Sandra gusto mo ba sumama?" Tanong sa akin ni Shana habang nilalaro pa rin ang rabbit ko.

"Hindi na, hintayin ko na lang kayo dito. Baka kasi kung anong gawin ng dalawang lalake ito sa rabbit ko." Ani ko.

Hindi ko pa pala na sasabi sa inyo na gumagamit ng hair chalk si Rozen para sa buhok niya. Hindi ordinary ang hair chalk na gamit niya dahil gawa pa ito sa tech dept.

Tumayo rin si Rozen sa kanyang upuan at sinabing huhugasan niya na rin ang buhok niya.

Nag sumulang mag salita si Evan ng naka alis na sila.

"So I guess, maninibago ka sakanila pagbalik nila dito."

"Ganun na nga siguro." Na sanay na rin kasi ako na natural lang ang tingin ko sa kanila. Kaya ngayon na makikita ko na ang pagbabago sa kanila ay baka hindi pa ako masyadong maka adjust.

"Buti pa sakin, color brown lang ang buhok." Aniya.

"Kelan nga ulit pwedeng maging color violet ang mata ko?" Hindi ko na kasi maalala, ang dami naman kasing kinwento sa akin ni Shana kanina.

Adeona Academy (On Hold)Where stories live. Discover now