AA:8

36 4 2
                                    

AA: 8

Magical Garden

Nandito kami ngayon sa tapat ng dorm, sa tapat ng fountain statue ni Adeona to be specific. Ang Phoenix ay nandito rin para magpaalam sa amin kahit na sa garden lang naman ang punta namin.

Nagsalita ng kung ano ano si Sir Feriot at bigla na lang nagliwanag ang statue at lumabas dito ang image ni Adeona. Wow.

Tumungo kaming lima at binasbasan na kami ni Adeona. Remember, goddess siya ng journey's.

Matapos ng pagbabasbas ay ang Phoenix naman ang nagpaalam sa amin. Pag ka tapos noon ay dumeretso na kami sa harap ng garden.

Ang tatlo naming guro ang kasama namin at si Sir Feriot.

"Mag-iingat kayo Ixna!" Maligayang pamamaalam samin ng mga guro namin.

"Good luck sa inyo Ixna. Sana ay mapabilis ang paghahanap niyo sa Mythical Elf. Mag-ingat kayong lahat." Maligayang sabi sa amin ni Sir Feriot.

Humakbang na kami papunta sa harap ng garden.

"Thank you sir!" Maligaya rin naming sabi at tumuloy na papasok sa garden.

"Tara upo muna. Hahaha!" Sabi ni Evan.

"Baliw, kakapasok pa nga lang natin eh." Sabi ni Shana.

Ang garden nila dito ay parang mini gubat. Ang unang napuntahan namin ay parang lobby kasi may mga bench at mga tables. Naglakad pa kami sa medyo dulo at doon ay may nakita kaming tree house.

"Sa tree house muna tayo." Pagyayaya ni Rozen.

Kaya ayun inakyat namin ang tree house at nagpahinga muna dahil malayo-layo na rin ang nilakad namin.

Malaki ang tree house at kumpleto ito sa mga gamit. May sari-sarili rin kaming kwarto. I wonder kung sino ang gumagamit nito.

"Saan kaya natin hahanapin ang Mythical Elf?" Tanong ni Erica.

"Ang laki pa naman nitong garden." Dugtong pa ni Evan.

"May nakakita na ba sa Mythical Elf na studyante?" Tanong ko.

"Nagpapakita lang ito sa mga Ixna  student at sa punong guro." Sagot ni Erica.

Wow so possible namin siyang makita. Ano kayang itsura nun? Maliit kaya yun? Elf kasi eh, diba ang elf maliliit lang? Tsaka babae ba yon? Or lalake? Nakaka curious.

"Hanapin muna natin yung mini lake dito." Sabi ni Rozen sabay tayo. May map kasi na binigay sa amin ng staff bago kami nakapasok dito.

Bumaba na kami sa tree house at nag lakad lakad ulit.

"Gagamitin ko ang air ability ko para nahanap ang tunog ng ilog." Pag pprisinta ni Rozen. Sus! If I know nag yayabang lang siya sa ability niya.

"Bakit ang tahimik mo ata Sandra?" Tanong bigla sakin ni Shana.

"Wala lang. Feeling ko kasi may nakatingin sa atin eh." Pananakot ko kay Shana.

"Ano?! Meron? Sino? Omg! Asan?!" Tili niya at kumapit sa braso ko.

"Wag ka nga maingay Shana, tulungan mo ako hanapin yung ilog. Water element ka diba? Tara dito." Pag uutos ni Rozen. Bagay talaga sa kanya ang ability niya! Bossy, mayabang, at mahangin.

"Pero Sandra meron ba talaga?" Tanong din sakin ni Evan. Sus! Isa pa itong si Evan, if I know kinakabahan din yan hahaha!

"Wala joke lang!" Sabi ko, pero ang totoo nyan meron talaga akong nararamdaman na ibang aura. Ayaw ko lang sabihin sa kanila dahil baka magfreak out sila. Sasarilihin ko muna ito hanggang di ko pa napapatunayan na may nakatingin sa amin.

Adeona Academy (On Hold)Where stories live. Discover now