AA:1
First dayUnang araw na nga pala ng pasukan ngayon. First time kong papasok sa isang school na hindi naman ako familiar.
Adeona Academy
Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng school na yun. Isa pa sabi ni mama mas maganda daw ang magiging experience ko dun kesa sa mga schools dito sa amin.
What's the difference naman kaya? Siguro naman hindi na ako masyadong maninibago sa school na yun kasi sanay naman na akong palipat-lipat ng school. Ang pinag tataka ko lang ay kung bakit wala akong dadalhin na mga school requirement at tanging mga damit lang ang bibit-bitin ko papunta doon.
"Ma! Sure ka ba na wala talagang school requirements na dadalhin? Wala ba talagang binigay dun sa form?" Sigaw ko
"Oo anak! Wala talagang nakalagay. Diba ang sabi ko dun sa loob ng school bibili ng school requirement at ng uniform? Ang kulit mo talaga!" Hay nako! Ayan nanaman ginagawa nanaman akong bata.
"Ok ma."
Kahapon pa ako tapos mag-ayos ng mga gamit at damit na dadalhin ko papunta sa school na iyon. Ang sabi ni mama buong school year ay doon lang ako mag ii-stay at tuwing bakasyon lang ulit pwedeng lumabas. Well I think that will be boring.
"Ma tara na. Ang tagal mo talaga mag bihis kahit kelan, hay nako.." ang tagal naman kasi mag bihis ni mama kanina pa siya dun sa kwarto niya.
After ilang minutes bumaba na siya at dumeretso na sa pintuan.
"Oh? Anong tini-tingin-tingin mo diyan? Tara na!" Oh tignan mo! Eto siyang napaka tagal mag bihis tapos ako pa yung pagmamadaliin. Hay nako talaga si mama!
"Anak lalakarin lang natin yung school mo ha? Medyo malayo layo iyon." like WHAT THE HELL?! Ang tagal niya mag bihis tapos eto?! Mag lalakad pala kami papunta dun?!
"Ma naman! Anong oras pa tayo makakarating dun? Baka naman malate ako niyan?"
Tinignan lang ako ni mama sabay bulong na..
"Ok lang yan.."
WHAT THE HELL?! Si mama talaga!
Halos 1 hour na rin kaming naglakad hanggang sa mapadpad kami sa isang magubat na lugar.
"Ma sure ka ba sa daanan natin? Hindi ba nawawala na tayo?"
"Hay nako! Kanina ka pa nag rereklamo! Sumu-sunod ka rin naman. Mamaya ka na magdaldal pag nandun na tayo."
Ang layo ng sagot niya ha?
After ilang minutes, sawakas! Tumigil rin kami! Whoo! Napagod ako dun ah!
Pa-upo na sana ako ng bigla akong hinawakan ni mama sa braso at medyo hinila patayo para hindi ako maka upo ng tuluyan.
"Ma.. Pagod na ako, haya-- Woah!" Naputol ang sinasabi ko ng may biglang may hinawakan si mama sa isang puno tapos bigla nalang na may nagbuilt in na malaking gusali sa harap namin. Napatago tuloy ako bigla sa likod ni mama.
Unti unti itong nabubuo, parang siyang invisible na gusali tapos pag natouch mo yun ng hindi sinasadya bigla nalang iyon magiging visible.
ADEONA ACADEMY , yan ang naka lagay sa isang gate na napakataas na halos yun lang ang makita mo at halatang hindi agad agad nayuyupi. Omg! Eto na ang school ko? Ang cool naman!
May parang sinulat siya dun sa may gate tapos nag hintay kami ng ilang minutes at bigla nalang na may bumukas na parang isang elevator tapos may lumabas na dalawang lalake dun.

YOU ARE READING
Adeona Academy (On Hold)
FantasyWelcome to Adeona Academy where students have different abilities, different attitudes, and different beliefs. Normal students are not allowed to enter this Academy. If you think you have an ability, then this is the right school for you. Enjo...