AA: 2
Permission"May uniform ka na ba Cassandra?" Tanong sakin ni Shanara habang nag aayos ako ng mga gamit ko.
"Ano sa tingin mo? Kakarating ko lang dito, kaya malamang wala pa." Naiirita kong sagot.
Kanina pa kasi daldal ng daldal, bakit ba hindi niya gayahin yung lalakeng nandun sa kama lang? Ang tahimik.
Mas gusto ko pa sigurong makasama yung lalakeng yun kesa sa babaeng ito eh.
I mean, mas gusto kong makasama ang mga tahimik, kesa makasama ang isang tao na akala mo naka lunok ng megaphone. Nothing more, nothing less.
"Sungit naman! Sasamahan kita mamaya bumili kaya bilisan mo diyan." Tumango na lang ako sa kanya.
"Hoy! Rozen! Hindi ka ba mag h-hi kay Cassandra?!" Pasigaw na tanong ni Shanara kay Rozen.
Diresto lang tinignan ni Rozen si Shanara bago bumaling sakin.
"Hi." Nakaka intimidate yung tingin niya! Kaya napa iwas bigla ako ng tingin.
"Hello." Sabi ko at nag sign kay Shanara na lumapit sa akin.
"Matagal na ba kayo mag kakilala?" Tanong ko.
"Yiee! Why so curious? Oo matagal ko na siyang kilala. Matagal na rin na kami lang dalawa ang mag kasama sa iisang room."
"What the heck? Seryoso? Buti wala siyang ginagawang masama sa iyo?"
"Baliw! Mabait naman yan, seryoso lang talaga lagi. Tsaka disiplinado iyan."
"Ok, sabi mo eh. Tapos na ako mag ayos dito, samahan mo na ako."
"Ok sige! Rozen, aalis lang kami ha? Bibili kami uniform at requirements niya." Pag papaalam ni Shanara kay Rozen.
Tinaas lang ni Rozen ang kamay niya at yung index at middle finger ay nakataas na para bang sinasabi na 'Aye aye captain'.
"Talaga bang nandun lang siya the whole day?" Tanong ko kay Shanara ng naka labas na kami ng kwarto.
"Oo, mahilig kasi mag basa yun eh. Yun lang lagi niya ginagawa."
"I mean, wala ba siyang ibang kaibigan?" Tanong ko.
"Teka nga! Bakit ba concerned na concerned ka sakanya?" Tanong sakin ni Shanara at hinarap ako sakanya.
"Well, ang weird niya kasi. Usually ang mga lalake mahilig mag bonding sa labas kasama ang mga barkada nila at wala sa utak nila ang mag mukmok lang sa loob ng isang kwarto. Unlike him, kaya nag tatanong ako. Masama ba?!" Napahaba yung explanation ko dun ah.
"Ok ok. Ganyan lang talaga iyan. Ewan ko nalang ngayon kasi nandyan ka na." Huh? Ano naman kung nandito na ako?
Ipinag kibit balikat ko nalang yung sinabi niya at nag patuloy lang kami sa pag lalakad. Siya naman ay nag patuloy sa kanyang pag dadaldal.
Ay oo nga pala! Mag tatanong pa ako kung bakit yung mga buhok dito ay may mga kulay pati na rin ang mga mata nila.
"Shana bak-- Shit!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may biglang bumunggo sakin at ang worst nabuhusan pa ako ng juice.
"What the heck?! Sino bumangga sakin? Di nag iingat!" Sigaw ko sa lalakeng nasa harap ko na may kasamang babae.
"Uy Shana ikaw pala iyan. Sino itong kasama mo? Napaka ingay katulad mo." Sabi nung lalake habang nakapamulsa ang isang kamay.

YOU ARE READING
Adeona Academy (On Hold)
FantasiWelcome to Adeona Academy where students have different abilities, different attitudes, and different beliefs. Normal students are not allowed to enter this Academy. If you think you have an ability, then this is the right school for you. Enjo...