"Ah!" Napadaing ako sa sobrang sakit nang bumagsak ako sa sementong sahig.
"James!" I still manage to see her crying face while I'm groaning in pain.
"Shut up, you woman!" Tinutukan ng lalaking may tattoo sa braso si Selene. Bumaling sa akin ang tingin ng kalbong ma-tattoo, "I already told you na huwag ka nang makialam! Kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa mundo pwedeng pwede kitang burahin sa isang iglap lang."
I spat blood and smirked at him, "You really think... You can get away with this?"
He was amused and went near me. Lumuhod siya at kitang kita mo ang galit sa mata, "I could end you and your fami-"
Isang matinis na tunog ng motorsiklo ang pumukaw sa atensyon niya kaya napatigil siya upang hanapin ang pinanggagalingan noon.
Nanlaki ang mata ko nang makita na sa amin ang direksyon ng humaharurot na motor, "James! Tumabi ka!" Nag-aalalang sigaw ni Selene, agad ko namang iniwasan ang motor at binangga na nga ang kalbong may tattoo. Tumilapon siya at dumaing sa sakit.
Akmang susugurin ng mga iba ang nakamotor nang bigla na lang silang pinaputukan ng bala na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napatakip ako ng tenga nang umalingawngaw pa ang magkakasunod na putok ng baril.
Tinignan ko si Selene at ang mga lalaking nakahawak sa kanya kanina ay naliligo na sa sariling dugo. Patakbo siyang pumunta sa akin at yumakap, "T-this is my fault... Hindi ka na d-dapat nadamay pa dito. I'm sorry, James..." Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya na hinahaplos ang likod ko.
"Ayos lang ako." Akma na akong bibitiw sa yakap niya nang makita kong nakatayo na ang lalaking may tattoo.
"Mga hayop kayo!" Itinutok niya ang baril sa likod ni Selene, agad ko siyang itinulak papalayo para ako na lang ang sumalo ng bala.
Napapikit ako sa gulat nang umalingawngaw ang magkakasunod na bala. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Selene sa 'di kalayuan.
I felt relieved nang mapagtanto kong wala sa aming dalawa ang tinamaan. Umiiyak na si Selene sa takot at nakita kong nakaangat ang baril ng babaeng nakamotor. Siya ang nagpaputok ng baril.
Ibinaba na nito ang baril nakatutok niyang baril sa lalaking nakahiga na at patay na ngayon.
Tumalikod siya sa direksyon ko at tinanggal ang helmet niya at tumambad ang mahabang buhok niya.
Hinawi niya ang buhok pa niya ang mahabang buhok at humarap.
Napaawang ang labi ko sa nakikita ko ngayon.
This can't be real!
Those familiar eyes.
Those lips.
My heart raced as she steps near.
"Are you hurt?" She asked as he held my hand with cuts that looked very painful but I couldn't care more.
Tears fell from my eyes in shock.
It is the same voice!
I shook my head in shock.
Ang babaeng sumagip sa buhay ko...
Kamukhang-kamukha siya ng asawa ko!
She damn looked like Nadine!
BINABASA MO ANG
I Married the Gangster
RomanceIs having a bad meeting results to a happy ending? [UNDER REVISION]