Chapter 13
NADINE
Natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa isang kama nang magising ako. Queen size ito at malaki rin ang kwartong kinalalagyan nito ngayon. I was panting when the memory of what happened earlier came to my mind.
Sino ba sila? Ano bang kailangan nila sa'kin?!
Lumabo ang paningin ko at agad kong pinahid paalis ang mga nagbabadyang luha mula doon. Kailangan kong makaalis dito... Hindi dapat ako mapanghinaan ng loob. Hindi ngayon.
Ang ilaw lang na nagmumula sa bintana ang tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng kinaroroonan ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Mayroong dalawang pinto at ang isa ay nasa gilid ko lang. Binuksan ko ang pintuan na iyon, isang banyo. Naglakad ako sa kabilang banda ng kwarto at maingat na binuksan ang pintuan, nakasisiguro ako na ito na ang pinto palabas.
Pagkabukas ko ay railings at sa tabi nito ay hagdan lang ang nakita ko. Tumingin naman ako sa gilid at may dalawa pang pinto ang nauna bago ang pintong kinatatayuan ko at ito ang kinatatayuan ko ang pinakahuling kwarto.
Napalunok ako at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili ko sa kapahamakan na maaaring salubungin ko sa oras na magsimula na akong humakbang. Nanginginig ang mga tuhod ko pero tinuloy ko na at hinayaan na lang na nakabukas ang pintuan. Mahirap na, baka gumawa pa ito ng ingay at mahuli ako!
Hindi lahat ng ilaw sa chandelier na nakasabit sa gitna ang nakabukas. Hindi rin ganoon kaliwanag kaya mas lalo akong kinabahan na baka may nakasunod na sa akin na hindi ko nakikita. Nanginginig kong ikinuyom ang kamao ko para gamiting panlaban. Nanghihina ang pakiramdam ko pero ang pag-asa ko lang ay makaalis dito na tanging nagpapalakas ng kalooban ko. Gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa. Baka mas lalo lang akong malagay sa alanganin...
Narating ko na ang ibabang palapag at maingat na naglakad nang mabilis. I was praying in my mind. It's the least I can do.
Inilinga ko ang paningin ko sa paligid pero isang sofa set lang at TV ang nakita ko. Wala ring mga tao sa paligid kaya agad kong nakita ang pintuan. Patakbo na ako sa pasilyong iyon pero biglang dumilim ang paligid at naramdaman kong may humila sa akin at isinandal ako sa pader. Wala na akong nagawa nang magsimulang tumulo ang luha ko sa takot.
"P-please.. please w-'wag po niyo 'kong sasaktan... Nag-nagmamakaawa ako.." Napahagulgol na ako pero tinakpan lang niya ang bibig ko.
"Shh..." I felt someone's finger on my lips.
Dahil sa takot ay pumikit ako at nagdasal sa lahat ng santong pwede kong mahingan ng tulong sa isip ko. Nakakabinging katahimikan lang ang tanging naririnig ko.
Dumilat ako at ilang segundo lang ay lumiwanag na muli.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita si James na nakatingin direkta sa aking mga mata. His eyes screamed with so much concern... na bago sa paningin ko.
"I'm here... you don't have to worry." He sounded so calm.
BINABASA MO ANG
I Married the Gangster
RomansaIs having a bad meeting results to a happy ending? [UNDER REVISION]