15: A Question

1.3K 35 3
                                    

Chapter 15

NADINE


"Konti pa girls! Push pa, push!" Pag-momotivate sa amin ni Lissy. 


Simula kasi ng samahan nila ako dito ay araw-araw na kaming nag-wo-workout sa umaga. Si Lissy ang instructor kuno namin. 


"Oops, Nadz, bumabagsak na yung katawan mo. Patigasin mo ang core mo, you can do it! Konti na lang!" Naramdaman ko ang palad niya sa tiyan ko at marahang hinila ito pataas. 


Hindi ko talaga nagustuhan ang pag-plank na 'yan! Hindi ko na kaya!


Nailing ako at kasabay nito ang pagbagsak ng aking pawis. Tuluyan na akong bumitiw sa pag-pa-plank.


"Sabi ko konti na lang eh," Nadismayang sinabi ni Lissy sa'kin.


I gave her an apologetic smile at nag-peace sign. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref.


Tumatagaktak pa rin ang pawis ko habang umiinom ng tubig. Grabe, kaunti pa lang ang ginagawa namin pero napagod na agad ako! Well, at least naka-isang minuto na ako sa planking ngayon! Hindi gaya noong nakaraan na 20 seconds at kahapon naman ay 28 seconds lang ay bumagsak na ako. Hindi kasi ako pala-excercise na tao. Pero sa tingin ko, dapat ko na nga ring seryosohin ito. Hindi na rin naman ako bumabata.


Magsasalin pa sana ako ng tubig sa baso ko nang marinig kong tumili ang mga babae sa sala. Kumaripas naman ako ng takbo at natagpuan kong nakaamba si Jackie habang hawak ang walis. Si  Lissy at Rica naman ay ibinalot ang yoga mat sa katawan nila. Napatingin ako inaambaan ni Jackie.


Sila na naman?!


May dala na namang paper bag ang lalaking kasama ni Lukas na ngayon ay nakataas ang dalawang kamay na tila ay sumusuko. Nabaling ang tingin niya sa akin nang makita akong napatigil sa pagtakbo mula sa kusina.


"Miss Nadine! Ah-eh pasensya na po at pumasok na lang kami bigla," kinakabahang sambit nito habang dahan-dahan na ibinababa ang mga kamay niya.


"Kilala mo?" Tanong ni Jackie sa'kin.


"Hindi," sagot ko at dahan-dahang lumapit si Jackie sa kanila habang hawak pa rin ang walis sa parehong kamay nito. Hindi naman talaga kami magkakilala eh! 


Lumuhod naman si Lukas sa ginawang iyon ni Jackie, "Miss Nadine, patawad po! Hindi po talaga namin sinasadyang pumasok na lang bigla at kuhain ka nang sapilitan noong araw na yun!" Natatakot pa siyang yumuko at parang pinagsisisihan talaga ang mga ginawa. 


"Ano?!" Mas lalong lumapit si Jackie sa sinabi niya. Pinanood ko lang siya habang papalapit siya sa dalawa. Matapang itong si Jackie. Hindi na rin ako nagtaka na siya ang may hawak ng walis kanina at nakaamba pang hahampasin ang dalawa sa oras na lumapit pa ito. Siya ang protector namin.


"Inutusan lang po kami ni Master James na dalhin ito sa inyo!" Sumabat na ang lalaking nasa likod ni Lukas. Nakatayo pa rin naman siya pero nakayuko at iniharap niya ang paper bag na dala-dala niya na parang inaalay niya sa amin.

I Married the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon