Chapter 2
NADINE
Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain nang may narinig kaming tumikhim sa likod ko. Nanlaki ang mata namin pare-pareho nang makita namin kung sino.
"Miss Suarez? Pwede ka bang sumama sa akin?"
"A-ako po?" Tumingin pa ito sa paligid na para bang sinasabi na, 'May iba pa ba?'
Pinaunlakan ko naman ang kanyang paanyaya at nagtungo na nga kami sa opisina niya sa campus. Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante at faculty staff na nakakita sa amin.
"Nakarating sa akin kung anong ginawa mo sa anak ko." Bungad niya nang makaupo na ako sa harapan ng kanyang mesa.
Napayuko na lamang ako. Hindi ko alam kung anong susunod niyang sasabihin pero batid ko na hindi maganda iyon.
"And... I am thanking you for doing that." Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang sinserong ngiti ngiti sa akin. Hindi ko inasahan iyon ah!
"It was the right thing to do, Sir." Sagot ko sa kanya.
"After what happened, my son seemed to realize what he has done and eventually stopped his wrong doings." Dagdag pa nito.
Napatango ako, "good for him then."
"Did you know that your father and I are good friends?" Napatitig ako kay Sir Jaime, pilit kong binabasa yung mga susunod niyang sasabihin na para bang kaya ko. Dream on, Nadine.
"And what do you mean by that, Sir?" Sagot ko sa kanya.
"I've made some plans and we're on talks as of the moment."
"Plans.. Anong plans po, Sir?" Pilit kong iniisip kung ano ang tinutukoy ni Sir Jaime.
"You two will know at the right time." Nakangiting sinabi niya. Two? Sino naman yung isa?
Mukhang hindi maganda ang kutob ko rito ah.
***
Few weeks after
Bothered pa rin ako sa sinabi ni Sir Jaime noong araw na iyon.
"Are you ready, Anak?" Tanong ni Mommy habang nakasilip sa pintuan ng aking kwarto. Isang mahalagang event daw ang kailangan namin puntahan sa kumpanya ngayon. Nakasuot ako ng isang dress na ipinagawa pa ni Mommy sa couturier niya. I wonder kung para saan ang kaganapan ngayon.
"You look very beautiful, Anak." Puri ni Daddy. Marahan siyang ngumiti sa akin.
Nagpunta na kami sakay ng aming sasakyan sa lugar kung saan gaganapin ang conference. Kausap ko naman sila Jackie sa groupchat namin habang nasa biyahe.
BINABASA MO ANG
I Married the Gangster
RomanceIs having a bad meeting results to a happy ending? [UNDER REVISION]