Chapter 17
NADINE
Last day na naming mag-wo-workout nang magkakasama dahil uuwi na ang girls ngayong araw.
Pinilit ko ring sumali si James ngayon at lugi kami sa kanya! Eh pa'no ba naman, mani lang sa kanya ang program na sinusundan namin!
Pagkaalis ng tatlo after lunch, dumating naman ang mga stylists na mag-aayos sa amin para sa ball na dadaluhan namin ni James ngayong gabi.
Ang event na ito, na ginaganap bawat taon, ay para sa mga nasa mundo ng negosyo. Bilang ang kumpanya nila James ang host para sa taong ito, kasama kami sa inimbitahan.
Nataranta pa ako kagabi nang banggitin niya sa'kin ang tungkol dito. Wala kasi akong magandang dress na pupwede kong suotin sa event na iyon!
Pero kumalma rin naman ako nang sabihin niyang may naipahanda na siyang susuotin para sa'kin. Planado na pala niya lahat bago pa man niya sabihin sa'kin. Sana lang ay mag-fit ito.
Sa bedroom ako inayusan habang si James naman ay sa walk-in closet pumwesto, kasama rin ang mga stylists na mag-aayos sa kanya.
I got a message from Mom that they'll be there as well kaya medyo nabawasan ang kaba ko. Matagal nang nasa mundo ng negosyo ang mga magulang ko pero ni minsan ay hindi pa ako nakadalo sa ball na ito. Ngayon pa lang. Hindi rin kasi ako pala-punta sa functions na may kinalaman sa negosyo. Isang beses pa nga na nagpunta ako, may pa-surprise engagement na agad. Kaloka.
"Ayan! Ang ganda na lalo ni Ma'am!" Puri pa ng make-up artist sa'kin.
I gave her a small smile before looking at James who is leaning against the door, while looking at my face in the mirror.
"What can you say, Sir? Maganda, 'di ba?" Bumaling sa kanya ang make-up artist at nakita ko ang paglunok niya at tila nagitla.
"Pwede na," Umayos siya sa pagkakatayo at naglakad papunta sa'kin. Narinig ko namang humagikgik ang make-up artist at niligpit na ang mga brush na nakapatong sa table.
Pwede na. Sus, natulala ka nga diyan, e.
Napapikit ako nang maamoy ang pabango niya na aaminin kong nagugustuhan ko na.
James was wearing a gray suit that really fits him. It somehow complimented my silver dress. He looked handsome and elegant.
"Are you ready?" He asked me. The stylists were already packing up. "Oh, wait."
Pinanood ko sa salamin kung anong ginagawa niya. My eyes widened when he pulled a necklace from his pocket. Because I was already facing the mirror, isinuot na niya sa'kin yun.
May letter 'N' na pendant ang necklace. I assume ay ibig sabihin ay 'Nadine'.
BINABASA MO ANG
I Married the Gangster
RomansaIs having a bad meeting results to a happy ending? [UNDER REVISION]