11: Fluttered

1.2K 37 2
                                    

Chapter 11

NADINE


Hindi ko rin naman alam kung paano babasagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi rin naman siya kumikibo.


Napalingon ako sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan, "Wait here." I nodded and watched him enter a store. Hindi na nakabukas ang lahat ng ilaw dahil sa tingin ko ay sarado na ito pero pinagbuksan pa rin si James. Napagtanto ko na tindahan pala ito ng bulaklak nang pailawan ang signage sa harapan.


Bumalik si James dala-dala ang bouquet ng roses. Hindi ko alam kung para kanino kaya nanahimik na lang ako.


Kaswal niyang inabot sa'kin ang bulaklak at tinitigan ko siya ng ilang segundo. Is he giving me flowers?


"Pahawak lang." He chuckled when he saw my reaction. Kinuha ko naman yung bouquet at itinuon ang tingin sa daan nang paandarin niya muli ang sasakyan.


Huminto kami sa isang madilim na lugar at sinabihan niya akong ipikit ang mga mata ko, gusto ko sanang magprotesta pa pero hindi na lang ako kumontra pa.


"James, saan mo ba ako dadalhin." Tanong ko ulit sa kanya habang hawak ko ang bouquet ng rosas sa isang kamay at ang isang kamay sa braso niya.


"Shhh... It's a surprise." He said excitingly.


Nanatili ang kamay kong nakahawak sa braso niya habang naglalakad. Hindi ko na naisip pang buksan ang mata ko para sa sabi niyang 'surprise'. Malamig ang simoy ng hangin dito at naamoy ko rin ang singaw ng lupa. 


Nagpadala lang ako sa kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa makarinig ako ng pagpihit ng pintuan.


"You can open your eyes now."


Nakita ko na pinapagpagan niya ang isang nitso na may ilang bouquet rin sa ibabaw nito.


"James, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.


He smirked, "Para ilibing ka."


"Hindi ka nakakatuwa," I rolled my eyes and crossed my arms to my chest. 


May pagkamadilim pa kaya binuksan niya ang ilaw, naagaw naman ng atensiyon ko ang larawan ng isang babae na tinututukan ng isang spotlight. Nakasabit ito sa ibabaw ng nitso. Napakaganda niya.


"Actually, we went here to see her." Nakita ko ang pagngiti niya nang mapatingin rin siya sa harapan.


Nakangiti ang babae sa larawan sa aming harapan. Naka-black and white ang filter nito at kung huhulaan ko, mga nasa 40s na siya. Pero napakaganda niya pa rin. Nagsindi ng kandila si James.


"She's my Mom. " He smiled bitterly, "Today is her death anniversary."


I Married the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon