PROLOGUE

27.3K 195 2
                                    

Nandito kami sa paborito naming lugar. Dito ko unang pinagtapat sakanya ang nararamdaman ko. Tandang tanda ko pa mga nangyari nung araw na yun. Sobrang kabado ako nun. Pero as usual, hampas sa braso ang inabot ko pagkatapos ko magtapat sakanya. Tinawanan pa nga niya ako e.

"May gusto ka sakin?" sabi niya.

"Oo nga. Gusto kita. Gusto kita. Gusto kita!" inulit ulit ko sakanya.

"Siraulo ka talagang bakla ka! Pinagtitripan mo ba ko? Haha" sabay hampas nanaman sa braso ko.

"Aray! Nakakarami ka na ah! Hindi kita pinagtitripan! At oo, bakla ako!" turo sa sarili ko.

"Baklang may gusto sayo! :P" Pinaghahampas nanaman niya ako at piningot pa. Ang sadista niya! Haha, pero minahal ko siya :)

Halos ilang buwan din akong nanligaw sakanya. Lahat ginawa ko ma-impress ko lang siya. Dito din yung lugar kung saan ko siya tinanong na maging girlfriend ko. Yun na yata yung pinakamasayang nangyari  sa buhay ko! Sinagot na rin niya ako! Sabi ko na mahal din ako nun e. Pakipot lang talaga siya nun. Haha. :P Punong puno ng pagmamahalan nung araw na yun. Punong puno din ng kasiyahan tong lugar na toh nun. Pero hindi na ngayon. Nagbago na ang lahat. Nandito kami ngayon pero hindi na tulad ng dati.

"Vice.. paano mo nagawa sakin toh?" sabi niya. Sabay din ang pag tulo ng luha niya.

"I'm sorry.." hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Bigla naman niya akong pinagsusuntok sa dibdib.

"Ang gago mo! Ang gago mo Vice!" kasabay nun ang pag hagulgol niya. Hindi ako lumaban. Tama siya. Kasalanan ko toh e. Kung hindi ako nagloko hindi mangyayari toh. Pero nangyari na ang lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako.

Niyakap ko siya."Karylle.. shh.. tama na.. tahan na.."

Humagulgul siya. "Minahal kita Vice.." patuloy pa rin ang paghagulgul niya.

"I faced all my fears dahil sayo.. sinubukan kong magmahal ng dahil sayo! Pero anong ginawa mo? Mahal na mahal kita Vice.."

"Minahal din naman kita e. Sa maniwala ka sa hindi, minahal kita.. pero.. hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.. Bakla ako e. Iba ang hanap ko." Shoot. I shoudn't have said that.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. "Bakla ka? Iba ang hanap mo? Ano? Lalake? Bakit mo ko pinatulan? HA? BAKIT?!"

"K.. minahal kita.."

"Minahal mo  ba talaga ako? O ginamit mo lang ako para mapalapit sakanya?"

"Karylle.. hindi totoo yan.."

"Umalis ka na Vice."

"K.. hindi--"

"Sabi ko umalis ka na! Ayaw na kitang makita! Umalis ka na!" Pinagtulak tulakan niya ako. Wala na akong nagawa.

Hindi ko ginusto tong mangyari. Minahal ko talaga siya. Pero siguro nga nagugulohan pa rin ako sa pagkatao ko. Kung kami talaga para sa isa't isa, magkakabalikan kami. Pero kung hindi, sana ingatan siya at mahalin siya ng lalake na magpapatibok ulit ng puso niya. Kung sino man siya, sana hindi niya sayangin yung chance niya. 

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon