Chapter 27 - Ang panliligaw ni Vice

5.5K 133 27
                                    

Chapter 27 - Ang panliligaw ni Vice

#1. "Always text her good morning and goodnight para malaman niya na importante siya sayo at siya ang unang pumapasok sa isip mo sa umaga at ang huling iniisip mo bago matulog."

"Goodnight Kumander K! Sleep tight! Don't let the bed bugs bite! I'll protect you from them! I'll be your knight and shining armor. Kung ayaw mo ng ganun, keri na bilang prince charming mo. ;) charot! Sige, goodnight! Dream of me ;)" 

Napailing naman si Karylle sa text ni Vice, she caught herself smiling because of his text. "Ewan ko sayo Vice." sabi niya habang nakatingin pa rin sa text. Pinatong na niya ang phone niya sa may bedside table at natulog. 

--

#2. Paper roses

It's a busy day for Karylle, ang dami niyang kelangan gawin. Dahil isa siya sa mga magagaling na police officers, madami din napapabilib sakanya dahil sa sobrang sipag niya. She's currently in her desk, working on some paper work nang biglang may kumatok sa may pinto niya. Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa may pinto. 

"Special delivery!" sabi ni Jake na may dala dalang sandamakmak na red roses na gawa sa tissue paper. Kumunot naman ang noo ni Karylle at na-curious sa dala ni Jake.

"Kanino naman galing yan? Tsaka bakit ang dami? Anong okasyon?" sunod sunod na tanong ni Karylle. Dire-diretso lang naglakad si Jake sa loob at binaba ang dala niyang roses sa desk ni Karylle. 

"Huy, kanino nga galing 'to?" tanong ulit ni Karylle. Jake just shrugged and left the room. Napailing na lang si Karylle at tinignan ang mga roses. May nakita naman siyang maliit na card kasama sa bouquet.

"Ayaw kita bigyan ng totoong bulaklak kasi nung huling beses kita binigyan ng bulaklak sinupalpal mo lang sa mukha ko. Tsaka namamatay din ang mga bulaklak tapos itatapon mo rin. Ayaw kita bigyan ng totoong bulaklak kasi ang bulaklak binibili. Gusto kita bigyan ng paper roses kasi ang paper roses, simple pero pinaghirapan. Pinaghirapan kasi worth it. You're worth it, K. - Vice"

--

#3."Wag mo siya bigyan ng chocolates. Gasgas na yun e. Bigyan mo siya ng homemade dessert. Mas maiimpress siya dun kasi nag effort ka." 

"Ikaw ba talaga nag bake nito?" tanong ni Karylle bago kumagat sa brownie na hawak niya. Pang apat na beses na niya ito tinatanong kay Vice.

"Oo nga! Bakit ba ayaw mo maniwala? Hindi ba masarap?" he pouted.

"Sira! Masarap kaya!" sagot ni Karylle at kumuha ulit ng isa pang brownie. Abot ngiti naman si Vice dahil sa sinabi ni Karylle. SUCCESS! sabi niya sa isip niya. 

"Pwede na ba maging asawa mo?" he grinned. Hinampas naman siya ni Karylle sa braso.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon