Chapter 35 - Day 2

3K 116 10
                                    

Chapter 35 - Day 2

Five o'clock pa lang gising na si Karylle dahil sanay naman siya gumising ng maaga. Minsan nauunahan nya pa ang alarm nya. Bumangon na ito ng kama at nag inat inat muna bago pumasok sa banyo para maghilamos.

Pagkatapos nya maghilamos dumiretso naman siya sa kusina para maghanap ng maluluto. She took out 3 eggs and some bacon from the fridge and started cooking. Nagtimpla naman siya ng gatas pagkatapos magluto at hinain na ang almusal sa lamesa. Bigla naman nyang narealize na wala nga pala siya sa bahay nya at wala si Nico.

The milk was supposed to be for her little brother. Nakalimutan nyang hindi nya kasama ito at nawala sa isip nya na naka-undercover nga pala siya. Napa-iling naman siya.

"Oh, you're up early. Good morning." bati ni Yael sakanya na kakagising lang.

"Ikaw nagluto?" tanong ni Yael.

"Yeah. Everyday routine ko na 'to eh. Nasanay." sabi ni Karylle.

"Tulog pa yata sila Mom at Dad." sabi ni Yael.

Dahil tulog pa ang parents nila nauna na lang sila kumain.

--

She tied up her hair in a messy bun and wore her glasses. She buttoned her white loose shirt and fixed her collar and red neck tie. She looked at herself in the mirror and zipped up her black pleated skirt.

Sinong mag aakala na kering keri ni Karylle magmukhang teenager ulit? Sinuot na nya ang bag nya at lumabas na ng kwarto. Kasabay ng paglabas nya ay ang paglabas din ni Yael. He's wearing a white polo shirt and black pants.

Pagkadating nila sa classroom, binati agad sila ni Kaye ng makaupo na sila.

"Good morning!" bati ni Kaye na mataas na naman ang energy. She's really friendly and joyful.

"Good morning!" bati din nila Sandy at Michael.

"Uy, may ipapakilala pala ako sainyo!" sabi ni Kaye. "Ryan!" tawag nya at may isang lalake naman sa harap na lumingon sakanila. Nilapitan sila ng lalakeng ito.

Hindi siya mukhang pure pinoy. Para siyang may lahing Chinese or Korean. Nang makalapit na ang lalake sakanila ay pinakilala naman ni Kaye ito.

"Guys, I'd like you to meet Ryan Bang. Ryan, meet Sandy and Michael Rodriguez. Bagong kaklase natin sila."

Nagshake hands naman sila at ni-ngitian naman sila ni Ryan.

"Bagong student ka din ba?" tanong ni Sandy kay Ryan. Umiling naman si Ryan.

"Parang di kasi kita nakita kahapon."

"Ah, di kashi ako nagishing kaya ayun natulok na lang ako." natatawang sabi ni Ryan. Kahit hindi malinaw ang pagkakasabi ni Ryan, naintindihan naman nila ito.

"Half pinoy ka ba?" tanong ni Sandy.

"Pure Korean yan pero pusong pinoy!" pagyayabang ni Kaye at naimpress naman ang dalawa.

Dumating na ang professor nila kaya nagsi-balik na ang mga students sa upuan nila. English Literature ang first lesson nila and they're learning about Shakespeare. She remembered reading his novels when she was studying in high school.

After ng morning section, lunch break na nila. Students rushed to the cafeteria pagka-dismissed sakanila. Nauunang ng maglakad sila Kaye at Ryan habang sila Sandy at Michael naman nahuhuli ang lakad dahil pinag-uusapan nila ang plan A nila. Pagkatapos kasi ng school, may mga school activities pa sila. Michael signed up for the basketball team and Sandy signed up for the cheering squad. Parte ito ng plano nila.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon