Chapter 2 - The Mataray One

8.6K 121 2
                                    

Chapter 2 - The Mataray One

 Vice's POV :

“Adik ka ba? Bakit naman ako sasama sayo. Sino ka ba? Wala akong panahon makipaglokohan sayo ganitong masakit ang ulo ko ah. Umalis ka na kasi!”

“Sino ako?” sabi niya. Bigla naman niya nilabas ang I.D niya at pinakita sakin. Pinagkalapit lapit niya sa mukha ko.

“Sumama ka sakin sa prisinto.”

 Binuksan niya ang sasakyan ko at pinalabas ako ng kotse. Nilagay naman niya yung kamay ko sa likod at pinosasan. Jusko naman Vice. Ano ba tong gulong pinasok mo.

 Dinala niya ako sa prisinto. Nasa harapan lang pala namin yung prisinto. Grabe. Pauwi pa lang siguro siya nun bago ko "muntikan" masagasaan yung kotse niya. Naglalakad kami ngayon papunta sa loob ng police station. Hawak hawak pa rin niya yung kamay ko na nakaposas.

 "Aray ko naman ate! Ang higpit mo naman humawak!"

 "Tumahimik ka nga!" ang sungit naman nitong pulis na toh. Nanahimik na lang ako.

 Pagkadating namin sa loob, medyo niluwagan na niya ang pagkakahawak sakin. May bigla naman nagsalita.

 "K-Karylle? Akala ko ba uuwi ka na? Sino naman yan?" he was referring to me.

"Uuwi na sana ako. Kung naging maingat lang tong baklang toh!" pinasok naman niya ako sa jail cell. Maka bakla naman tong babaeng toh. bwiset.

 Paalis na sana siya. "Hoy! Babae!" *sinok* lumingon naman siya sakin. bwisit din tong sinok na toh e.

 "Ano?" *kunot noo*

 "Kelan naman ako makakaalis dito? Hindi naman ganun kalala ginawa ko ah." *sinok* sabi ko.

 "Maghintay ka lang diyan." sabi niya. LUHH. maghintay? hindi naman niya sinagot yung tanong ko. Tsk tsk. Maganda sana tong babaeng toh e. Shunga lang.

 Umalis na siya at naiwan naman ako dito. Hais. Ang sakit ng ulo ko. Tapos nandito pa ko. Nako nako, mag aalala yung mga bakla sa bahay. Saglit naman siguro ako dito. Makatulog na nga lang. *pikit*

Kinaumagahan na ng makalaya si Vice.

Vice's POV :

"Mr. Viceral? Mr. Viceral.." may narinig akong nagsasalita. Akala ko nga nananaginip lang ako e.

"Mr. Viceral.." dahan dahan ko dinlat mga mata ko. -.o  ..... o.o

 "Mr. Viceral. gising na po. Makakalaya na po kayo." makakalaya? Ano pinagsasabi niya? Tsaka-- uggh. *hawak sa ulo* ang sakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon