CHAPTER - 14 ** BACK OFF SHE'S MINE**

21 0 0
                                    


Fiona's POV

Parang nawalan na rin ako ng ganang kumain. Kasama ko ngayon si Leo, Gino and Kimji. Nagkagulo na sa loob ng restaurant kaya nagpasya kaming lumabas.

Ayoko na talagang bumalik sa room namin ni Jim pero nagpumilit si Leo kaya hinatid na nila ako.

Nasa harap na kami ng pinto ng kwarto nang may marinig kaming may nag uusap sa loob ng kwarto.

Alam kong si Lily at Jim yun.

"Doon ka na lang sa room ko." – Leo.

Napangiti ako. Buti na rin yun. Pero sandali lang, kukunin ko mga gamit ko.

"Wag kang mailang. Mag isa ka lang naman sa kwarto ko, doon ako kay Gino at Kimji makikitulog." – Leo.

"Mabuti pa nga Fiona. Tapos bukas sasamahan ka namin ni Leo, ihahatid ka namin sa Airport." – Gino.

Tumango na lang ako tsaka kumatok. Kinakabahan pa ako kasi ayaw kong makitang magkasama sila.

Bumukas yung pinto at nakita kong si Lily pala ang nag bukas, pinagmasdan ko yung suot nyang malaking size na polo. Si Jim naman kakalabas lang ng banyo, parang bagong ligo. Iba agad pumasok sa isip ko at mas lalo akong nasaktan.

"Hi Fiona." – masayang bati sa akin ni Lily at niyakap pa ako.
Ngumiti lang ako tsaka biglang pumasok sa kwarto.

Hindi na ako nagsalita.
Inayos ko lahat ng gamit at luggage ko.

"Saan mo dadalhin yan?" – tanong ni Jim.

Hindi ko talaga sya sinagot.

"Sa kwarto ko Luke." – sagot naman ni Leo habang tinutulungan na ako sa mga gamit ko.

"What?" – baling naman sa akin ni Jim na hinihintay yung sagot ko.
"Alright. Tamang tama dito naman matutulog si Lily." Dagdag nya pa.

Ouch. It hurts you know. Wala na suko na talaga ako kay Jim.
Mahirap na. Baka mas lalo pa akong ma-fall sa kanya. Oo inaamin ko, unti unti na akong nahuhulog kay Jim. Iiwasan ko na sya. Pati sa school iiwasan ko na rin sya.

"Good to know. She's mine anyway, kaya may mas karapatan akong sa kwarto ko sya matutulog." – Leo.

"Oh tara na." – inakbayan ako ni Gino tsaka umalis na kami.

Hindi ko na rin pinansin yung sinabi ni Leo alam kong inaasar nya lang si Jim.

"Sila na ba ulit?" Narinig kong tanong ni Kimji.

Nakatungo lang ako. Tahimik lang.

"I don't know. Maybe yes." – Gino.

----------

Sa Room ni Leo

Ang ganda ng room nya. Mas malaki sa room namin nung kumag at hinayupak.

"Stay here. Susunduin kita bukas dito ng umaga. Matulog ka na." – Leo.

I just nodded.

Umalis na sya. At humiga na ako sa kama.
Ang lambot at ang laki ng higaan.
Mas ayos sana kung magkatabi kami ni Leo. Haha ang landi!

Bukas na ang alis namin. Parang ayaw ko ng umuwi. Pwede bang dito na lang ako? Kasama yung tatlo. Huhu ayoko sa school. Magkikita na naman kami ni Jim.

-------


KINABUKASAN

Maaga na akong nagising, naligo tsaka inayos ulit lahat ng mga gamit ko.
Panigurado abala na rin yung mga classmates ko kasi uuwi na kaming lahat.

May kumatok.
Pinagbuksan ko si Leo kasama yung dalawa, si Gino at Kimji.
May hinanap pa yung dalawa mata ko, asa naman akong sasama sa kanila si Jim, may Lea na yun.

"He's not with us. He's with Lily." – Kimji.

"Ha? Ah si Jim ba? Alam ko." Sagot ko na lang.

"Let's go." – Gino.

Nagpalitan kami ng phone numbers tsaka masayang nagkwentuhan habang papalapit na kami sa mga nagkukumpulan kong mga kaklase.
Nung makita nila kung sino ang mga kasama ko ay nagkagulo na naman.
Napangiti na lang ako. Hays iba talaga pag sikat.

"Ingat ka Baby Fiona ha. Babalik din kami sa Pilipinas." – Gino.

"Waaaa talaga Gino? Kelan?"
Pakiramdam ko kumikislap yung dalawang mata ko sa saya. Excited na ako. Kelan kaya?

"We're not sure. Tatawag kami kung paalis na kami." – Kimji sabay tapik sa balikat ko.

"Mamimiss ko kayong tatlo huhu." – halos maiyak na ako. Mamimiss ko talaga sila. Wala ng magtatanggol at magpapangiti sa akin sa tuwing malungkot ako. Sana babalik sila agad sa Pinas.

We hugged. Ang kulit talaga nilang tatlo lalo na si Gino at Kimji.

May inabot sa akin si Leo.
"Pag uwi mo na lang buksan, antayin mo kami ha."

I nodded. Hays napaka memorable talaga sa akin ang Jeju Island. Idadagdag ko ito sa report ko.
Ilang araw lang kami pero para sa akin ang daming nangyari.

Umalis na silang tatlo. Hindi naman namin makakasama si Jim kasi daw sa iba ito sasakay.

Ayos lang. Magiging maayos din ang lahat pag uwi ko.

"Fiona! Halika na. Alis na tayo." Mrs. Chen.

"Oh saan na si Mr. Kang?" – tanong ulit ni Mrs. Chen.

"Wala po sya, iba na po kasama nya. Tsaka wala naman pong KAMI." Sabi ko lang sa harap ng mga kaklase ko.

Napa 'AW' naman yung iba. Nakita ko si Lady George na nalungkot din sya. Hindi na nakatiis at patakbo syang niyakap ako.

Huhu namiss kita bessy..

Nagyakapan na kami.

Masaya ako kasi okay na kami ng best friend ko.

"Sorry bessy, wala ako nung mga panahon na kailangan mo ako." – Lady.

"Ang oa neto, okay lang ako."

"Wag kang mag deny, kilalang kilala na kita. Halata naman sa mga mata mo na hindi ka talaga okay. Wag kang mag-alala, andito na ako. Hindi naman kayo bagay nung Nerd na yun. Maganda ka. Mas bagay kayo nung Leo. Yieeee haha wag kang ano dian, halata sa mga kilos nyo na may something sa inyo. Ang swerte mo Bessy nakakainggit ka na." – mahabang litanya ni Lady. Kinurot ko lang sya sa pisngi tsaka hinila na paalis.

Wala pa naman kasing sinasabi sa akin si Leo. Sino ba ako para mag-feeler? Aba naman ayokong mag assume.

Pero kung sakali bang may sasabihin sa akin si Leo tungkol sa bagay na yun, ano kaya sasabihin ko? Ano isasagot ko? Hays wag munang advance Fiona. Hindi naman siguro ganun.

Ilang sandali din ay nasa Seoul na kami ulit. Papunta na kami sa Incheon Airport.
Bye Seoul, bye Jeju.

--------


**** A/N: Ingat lahat, lalo na sa panahon ngayon, pasukan na.
Tag ulan na rin, wag kalimutang mag dala ng payong o raincoat. ****

ImaginaryElsa

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon